Boys Night Out

436 11 14
                                    

(A/N) odiba ang bilis kong mag update hahaha btw may surprise pov ako sana magustuhan niyo. Enjoy guys and comment about your feelings.

••••
Sa di malamang dahilan 'andito ako ngayon sa bahay nila Ren, kinaladkad ako ni Aries dito pagkatapos ng klase namin. Wala naman akong problema sa pag dala niya sa akin dito kasi weekend naman at sabado bukas pero sana sabihin niya naman kung bakit kami andito, plano ko na sanang maglaro ng Halo buong gabi ngayon kung di niya lang ako kinaladkad dito, tangena malapit ko na sanang matapos ang game na yun.

Kasama ko ngayon si Aries at Ren sa game room ng bahay nila. Bored akong naka upo sa sofa na nakatingin sa off na tv.

"ano ba gagawin natin dito?", bored 'kong tanong kay Aries at Ren na naka upo na magkatabi sa paanan ng sofa at naglalaro ng Minecraft.

Tumayo si Ren at pumunta sa harapan ko na naka pamaywang.

"we're having a sleep over", naka ngisi niyang sagot.

What the fuck.

Sleep over? Tangena is this some kind of girly shit? 'Wag mo sabihing mag b-braid din kami ng buhok at mag p-pillow fight.

"tangena ang baduy ng sleep over", sagot ko kay Ren.

"oo nga no, para tayong mga chiks. Hmm...", nag isip-isip muna si Ren.

"boys night out", sabi ni Aries habang naka tingin parin sa cellphone nya at naglalaro.

"oo, boys night out. Yun nga. Wait, wala naman tayo sa labas. Boys night in", patawang sabi ni Ren.

Biglang bumukas ang pinto ng game room, akala ko ba kami lang tatlo ang nandito. Di na ako bumangon para tingnan kung sino dumating, nakatalikod kasi ang sofa sa pintuan at tsaka ano naman pake ko.

"you made it!",  excited na sabi ni Ren na nakatingin sa kung sino man ang nasa pintuan na nasa likod ko.

"sorry bro medyo natagalan, ito kasing si Shane gusto bumili ng marshmallows pang midnight snack daw"

What the fuck kilala ko ang boses na yan at ayaw na ayaw ko sa kanya.

Nagkasalubong yung kilay ko at timingin ako sa likod. At andun nga si Adala kasama si Shane. Nagkatinginan kami ni Adala at naalala ko nangyari last week doon sa mall, grabe ang init nanaman air conditioned naman sana tong game room. Simula nung sa mall di ko na pinapansin o kaya tingnan si Adala dahil sa di malamang dahilan bigla akong nagiging uncomfortable at para ba akong sasabog kung magkaharap kami. In short iniiwasan ko sya, nakaka inis kasi pota.

"hi Kael", pangiting sabi ni Adala sakin. Tiningnan ko lang sya ng masama at bumalik sa dating posisyon ko sa sofa.

"oy andito ako", sigaw ni Aries sa may sahig. Di kasi sya makita dahil naka block ang sofa sa kanya. Eh tumayo kaya ka jan, tamad.

"uy andyan ka pala Aries", patawang sabi ni Adala.

"guys marami akong pagkain na binili for this sleep over!", masayang sabi ni Shane. Nakalimutan ko andito pala sya. Bakit ko ba sya nakalimutan? Tangena ka din Kael no.

"so now, lets start the party!"

(Rio's POV)

Kung ang ibig sabihin ni Shane sa party ay manood ng movies then yep nag p-party kami.

Pumipili na si Shane ng movies sa DVD rack nila Ren at andito ako ngayon sa isang bean bag naka upo at nakatingin kay Kael na sa di malamang dahilan ay di ako pinapansin for the past week kahit anong kulit ko. Naglalaro sya sa kanyang phone na feel ko ay COC. Bakit ba kasi ang sungit nya? Ang hirap tuloy nyang kausapin.

Naka Stapler sa Puso Ko (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon