It's a Deal

1.5K 28 3
                                    

A/N: eto na ang pinaka aasam na update niyo mga pinakamamahal kong mambabasa! Sorry kung ang tagal tagal. Ang gulo kase sa school eh, gravah! G-graduate narin ako kaya ang raming projects, nakaka stress, sinisingit ko nalang to sa mga gawain ko. Sana magustuhan niyo, pinag puyatan ko to! Di joke lng XD. Wag kayong magalit ha, tinatamad lang talaga kase ako eh XD. Narealize ko din, kapangalan ni Kael yung pulis na kalaban ni Juan Dela Cruz, anuvayan! Akala ko ang unique na ng pangalan niya, haist. Basa na kayo mga tao :) bye-bye!

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

(Kael's POV)

"here's the deal my friend, pag nanalo ako, you'll admit na lampa ka, loser at mas gusto ako ng ex mo", sabi ni Adala sa akin na naka ngisi. Pano niya nalaman na ex ko yung habol ng habol sa kanya? Oh yeah, I forgot, sikat nga pala ako. But what the hell is that deal? Ano bang problema ng bakulaw na to? ANO?! Somebody tell me! Napa nganga nalang ako sa sinabi niya.

"and, you will also be my slave for 1 whole week, including saturday and sunday", napa WTF face nalang ako sa sinabi niya, dumagdag pa yung loko?!

"and if i win?", tanong ko sa kanya.

"you can do anything you want to me", sabi niya na naka ngisi at naka open yung arms niya.

Hm. . . anything pala ha, di na masama. Ok, tatanggapin ko na ang deal na to, i to-torture ko siya pagkapanalo ko. Hehe.

"deal", pag sang-ayon ko sa kundisyon niya.

Ngumisi siya na parang tuwang tuwa. Ah ganun, gusto talaga niya akong ipahiya sa harap ni Shane.

May ibinulong si Adala kay Shane na something, di ko narinig, malamang, bulong nga diba? Tumango lang si Shane tanda ng pagsang ayon sa sinabi ni Adala, pagkatapos ay nagngitian yung dalawa. Nagkakasundo talaga sila.

"the mechanics of the game ay dapat five times kang maka shoot sa ring, the first person who get five points will be declared as winner", sabi ni Shane. Mukhang siya ang magiging referee namin.

"game", sabi ko. Hinubad ko yung polo na uniform ko kaya isang pastel blue na v-neck nalang ang suot ko. Tumingin si Adala sa akin at ngumisi with matching turn turn sa head na ginagawa mo pag nagsabi ka ng 'no'. Ano ba problema ng tao na to, gusto ko na talagang upakan eh kaso na wi-wirdohan ako.

Binigyan ko nalang siya ng masamang tingin at nag stretch-stretch ng kaunti pagkatapos ay humarap sa kanya. Humarap din siya sa akin kaya face to face na kami sa gitna ng court.

Kung nagtataka kayo kung marunong ba akong magbasketball, alam na alam ko ang sport na to. Lahat naman siguro ng lalake alam mag basketball. Athletic talaga ako, pero di ako sumasali ng mga sports dito sa school. Di ko lang talaga trip.

Tiningnan ko si Adala sa mata at tiningnan din niya ako, pagka dapo ng mata niya sa akin ay bigla ko nanamang naramdaman yung wirdong feeling kanina nung pababa ako ng hagdan. Putek ano ba to? Nakaka irita na ha.

Naalis yung tingin ko sa kanya ng lumapit si Shane sa amin na may dalang basketball sa kanang kamay at weasel naman sa kaliwa.

Na starstruck ako, ang lapit niya. Yung shape ng mukha niya, yung mga brown strands ng buhok niya na naka tago sa mga black strands at yung mga labi niya na natural pink at lalong na enhance dahil sa lipgloss. Grabe, ang ganda. Ang corny ko ah.

"game?", tanong ni Shane sa aming dalawa na nagpa balik sa ulirat ko. Tumango kaming dalawa ni Adala.

Nag weasel na si Shane at hinagis ang bola sa ere. Sabay kaming tumalon ni Adala para abutin yung bola, pero minamalas nga naman, si Adala ang nakakuha sa bola. Mas matangkad eh.

Naka Stapler sa Puso Ko (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon