Let's Party!

1.3K 27 9
                                    

A/N: hello aking mga readers! Sorry kung ang tagal ng update, tamad lang talaga kase ako ahehe. By the way, let me know what you think about this chapter through your comments :) Salamat sa pagsubaybay! :)

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

(Kael's POV)

Nakagising ako sa mainit na hangin mula sa leeg ko. Lumingon ako at nakita si Aries na ang himbing ng tulog habang yakap yakap ako, hininga pala niya yung mainit na hangin. Sarap talaga batukan tong mokong na to, sarap pa ng tulog ko tas magigising lang ako dahil sa kanya. Inalis ko yung kamay niya sa akin at inusog siya palayo, bumalik ako sa pag tulog, sabado ngayon, walang limit ang tulog.

"WAKE UP MY DEEEEEAAAAR BROTHAAAAAA!!!!!!"

P*tang i*a, bwisit.

Tinakpan ko ng kumot yung mukha ko at binaon yung mukha ko sa unan, naramdaman ko din na yun rin ang ginawa ni Aries.

Umagang-umaga nambibwisit.

"uy little bro, gising ka na, lets have some fun today!", sabi niya habang inaalog-alog ako.

"huy", inaalog parin niya ako.

"ANO BA ATE?! NATUTULOG AKO! LUMABAS KA NGA SA KWARTO KO!", sigaw ko kay ate Rain. Ang aga-aga! Gusto ko matulog for pete's sake! Tinakip ko ulit ang kumot sa katawan ko at bumalik sa pag tulog.

Si ate Rain ay cousin ko kay mama. Pumupunta siya dito sa bahay para tumambay o mangulit sa akin pag wala siyang klase. College student siya. Magkapatid na ang turingan namin dahil sabay kaming lumaki at pareho kaming only child. Mahilig akong kulitin ni ate Rain dahil nakakatuwa daw kapag nagagalit ako. Para lang parasite eh.

"Kael, i want to do something fun. Minsan nga lang akong pumunta dito, ipagkakait mo pa", nagmamakaawa niya habang hinihila-hila niya ng mahina yung kumot.

"minsan ka jan! Andito ka nung isang araw shunga!", sinigawan ko siya mula sa loob ng kumot.

Di siya sumagot, anong nangyari dun?

"si Aries ba yang katabi mo?", ayun nagsalita. Di ko nalang siya pinansin at bumalik sa pag tulog.

"ARIEEEEEES!!!!!", sigaw niya bigla at may bigla akong naramdaman na bumigat na bumagsak sa kama. Nagsialis yung mga aso sa kama. Bumangon ako at nakita si ate Rain na niyayakap si Aries.

"a-aray ate Rain! Di ako makahinga! Ah!", sabi ni Aries na inaalis ang pagkakayakap ni ate Rain sa kanya.

"ang gwapo gwapo mo talaga Aries!!", sabi naman ni Ate Rain na di parin niluluwagan ang pagkakayakap kay Aries.

Sa kasamaang palad, crush ni ate Rain si Aries. Ang pag hug talaga kay Aries ang una niyang ginagawa pag nakikita niya ito, kawawang tao.

"Ate Rai- ah! Di ako makahinga!", ay ayun, nag iiba na ang color ng mukha ni Aries. Namumutla na.

Binitawan na ni Ate Rain si Aries at tumayo na naka pameywang. Si Aries naman ay bumalik ang dating kulay ng mukha niya at nakahinga na ng maayos.

"samahan niyo ako sa mall today! Kayo ang mag dadala ng mga bibilhin ko!", tinuro niya kaming dalawa habang sinasabi yun.

"NO WAY", diretso kong sagot.

"sige na bro! Sama kay-"

*riiiiiing! riiiiiing!*

Nag ring bigla yung phone ni ate Rain at sinagot yun.

"hello? What's the problem me bff? . . . .really?! Ok,Ok, i'll go!. . . . sige. . . bye! Muwah!". Mukhang yung bestfriend niya na si Leila yung kausap niya.

Naka Stapler sa Puso Ko (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon