Angelo's POV
First day na ng school year. And as usual, nagkaka-gulo dito sa loob ng school. Yung mga teachers, nagkaka-gulo dahil sa mga magulang na ngayon lang na nage-enroll. Parang ako lang ngayon.
"Papilahin niyo nga ng maayos yung mga estudyante sa labas!" sigaw nung isang teacher sa loob ng office.
Pina-pila kami sa labas ng office, siguro kami yung mga bagong enroll lang at walang section.
First time 'ko dito sa school na 'to. Medyo weird lang kasi sa lahat ng schools dito sa Marikina, ito ang pinili ni Mama. Ang bago lang ng facilities kasi bago lang ata itong school na 'to.
Umakyat kami sa hagdanan at pag-kanan, meron ng mga classrooms.
Lumapit yung teacher sa pinto nung unang classroom. At may binasa siyang papel.
"Vince Manalo, Angelo Madrid, at Raine Sarmiento." sabi niya at tumingin sa aming naka-pila. Lumapit ako sa kanya at yung dalawa dahil na-mention mga pangalan namin. "Dito classroom niyo." tuloy pa niya.
Pumasok kami sa loob, at naka-tingin silang lahat sa amin. Agaw pansin naman talaga kasi ka-gwapuhan ko eh. Haha! Dejk. I'm here to start a new life, kaya no girls muna.
"Welcome!" sabi nung teacher. "Please take any vacant seat." Umupo ako sa may gitnang row kasi para sakin ang mga normal na estudyante lang ang nasa middle row.
Ang mga nasa front rows, ang mga nerd. Sa middle rows, mga normal na tao. At sa dulo naman ang mga bad-ass or famous people.
"Okay, so let's start with introductions." sabi nung teacher.
"Tell us your name, age, school you came from, and hobbies."
Isa-isa na silang tumayo.
Pa-tayo na sana ako ng biglang may nag-salita sa tabi ko. Isang babae, naka-tayo.
May katabi pala ako? Bat hindi ko siya napansin?
She has a middle-length pure black hair, and a and tinted very dark brown eyes. Her skin is normal, not so white and not so tan. And her lips are natural pink.
"My name is Ericka Nina Cortez p-pero ang tawag nila sakin ay Ricka, 14, JDPNHS, M-music." sabi niya at umupo na siya. Tumayo naman ako.
"Angelo Madrid, 15, TNHS, Sports, at Music." at umupo na ako.
Napa-tingin ako sa katabi ko.
"Gaano ka na ka-tagal andyan?" tanong ko sa kanya pero hindi siya umimik.
Wow. Snobber.
Kinalabit ko yung tao sa harap 'ko.
"Uhm, hello. Bingi ba to o Pipi? Or both? Kasi kinausap ko, hindi sumasagot e." tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba, syempre, hindi 'yan bingi at pipi. Hindi lang talaga 'yan madaldal, hindi ko alam kung bakit. Sabi nila, hindi naman raw yan ganyan dati. Andaming nagtataka kung anong nangyare dyan." sagot niya.
"Ahhh. Kaya pala. By the way, bro, Angelo." sabi ko, offering a handshake at tinanggap niya naman.
"Ken, Ken Cruz." sagot niya.
"Thank you, bro, ha." sabi ko.
At sumandal na ako sa upuan ko.
*Sigh*
Naka-titig ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit pero
Ericka Nina Cortez, why are you so mysterious?
-------------------------------------------------
Oh yesss! Chapter '01 done. Watch out for Chapter '02! ≧∇≦ Please comment or vote. Thank you! And I love you guys! (╯3╰)
- Erin ☺
YOU ARE READING
Love Me
Random"A Dead Ghost" Ayan ang naging bansag kay Ericka Nina Cortez, when she started in 7th Grade. Palagi niyang dine-deadma ang mga taong kumakausap sa kanya kaya lahat sumuko na. Why? Nobody knows, 'cause nobody tried in breaking the boundaries she mad...