Kabanata 25

196 11 5
                                    

Kabanata 25







Irish







Maaga akong nagising kinabukasan. Pababa pa lamang ako ng hagdan ay natanawan ko na agad sila Nics na mukhang tutungo palabas ng mansion kasama si Pierce. Napalingon ang mga ito sa aking gawi nang mapansin ang aking presensya pababa ng hagdanan.

"You're awake Kuya. I was about to knock on your door to wake you up mabuti naman at maaga kang nagising ngayon." Umagang bungad ni Nics sa akin, malapit na ako sa paanan ng hagdan kung nasaan sila.

Sinuri ko pa ang kanilang suot na mukhang kanina pa sila gising at nakapaghanda na para sa agahan. But still, I opt to ask them when I notice something weird with their smiles. My forehead creased at that as I get neared them downstairs.

Binalingan ko si Pierce ng nagtataka kong mga tingin. "Anong meron?" Nagtataka kong tanong dahil ang dalawa ay may parehong nakakalokong mga ngiting nakaguhit sa kanilang mga labi.

Nagkatinginan pa muna sila bago ako sinagot ni Pierce. "Nothing, let's go. Nagpahanda si Lola ng breakfast sa gazebo. Kanina pa niya tayo hinihintay do'n." Simpleng aniya sa akin na parang wala naman akong dapat na ikataka.

Ngunit nang mapalingon ako sa bulwagan ng mansion at matanaw sa labas nito si Rhadmus na sakay ng kabayo ay mas napakunot ako ng noo.

"He's here," dinig kong sabi ni Pierce sa aking tabi.

Hindi naman naalis ang paningin ko kay Rhadmus na bumaba ng kaniyang kabayo. Ibinigay nito ang tali sa isang lalaki at saka umakyat ng hagdan paakyat ng bulwagan. Malayo man siya ay para bang ang lapit ng kaniyang presensya sa aking mga mata.

"Tara na, he is probably here to call us," Nics uttered.

Naglakad sila ni Pierce palabas ng bulwagan at mabagal naman akong sumunod sa kanilang likuran. Dahil palabas kami ng bulwagan ay makakasalubong namin si Rhad na papasok naman ng mansion. At nang pasalubong na kami sa isa't isa ay natigilan kami sa paglalakad.

"Bakit ka pala bumalik Kuya Rhad?" Bungad ni Nics rito na mukhang nagtataka.

"May gagawin lang ako sa kwarto. Magtungo na kayo Nics at Pierce sa gazebo. Kanina pa kayo hinihintay ni Lola ron. Susunod nalang ako at saka si Neil," sagot nito na bahagya ko pang kinagulat nang hanapin pa ng kaniyang mga mata ang aking gawi sa likuran ng dalawa.

"Alright, gamitin namin yung kabayo mo patungo ron." Paalam na sabi ni Pierce.

Nakita ko namang tanguan lang ni Rhad ito bilang pagsang-ayon. Lumabas ang dalawa at naguguluhan man ako kung susunod ba ako kila Nics palabas para sumabay na sa kanila patungong gazebo o manatili rito at hintayin si Rhad. Nakasunod ang mga mata ko kila Pierce na sumakay na ng kabayo. I was about to take a step to go outside as well nang biglang magsalita si Rhad na nagpatigil sa akin.

"Wait for me, magpapalit lang muna ako ng damit sa itaas saka tayo aalis. Sa'kin ka sasakay." Mabilis nitong ani na hindi na hinintay pa ang sasabihin ko.

Sinundan ko naman siya ng tingin nang mabilis niya akong iniwan paakyat ng hagdan. Napansin kong pawisan nga siya kaya siguro siya magpapalit ng damit. Bumuntong-hininga pa ako habang naghihintay sa kaniya sa salas. Ilang minuto na ang nakakalipas at hindi pa rin siya nakakababa.

I was sitting on the sofa waiting for him. Tumayo ako at sinilip siyang muli sa hagdan kung pababa na ba siya pero wala pa rin. At nang mag-iwas ako ng tingin para bimalik at maupo muli sa sofa ay nahagip naman ng aking paningin sa labas ng bulwagan ang isang kulay puting kabayo na hawak hawak ng lalaking rantsero. Natuon don ang paningin at atensyon ko kaya naman lumabas ako ng bulwagan para tanawin iyon sa ibaba ng hagdan. Ang kabayo ay animong naghihintay sa amin roon nang pagmasdan ko ito.

Fill My Naked Empty Space | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon