Kabanata 13

213 10 2
                                    

Kabanata 13




Gone






We go abroad for vacation. After one week in Canada ay tinungo naman namin ang Switzerland at nilibot ang Europa. This is my first time going to this country and I feel happy. I diverted my attention every time we go out for a tour and doing such recreational activities outside.

Nakasama namin sila Pierce at Rhadmus kahit pa nung nasa Europa na kami. Ngunit hindi na sila nakasama pa sa amin patungong Canada dahil naging abala sila sa trabaho sa kumpanya at tinapos ang mga kailangang asikasuhin para makahabol patungong Switzerland.

I can say that it was thoroughly a nice vacation for me. Kahit pa mas sanay ako sa beach at island hopping every summer vacation ko tuwing uuwi ako ng Pilipinas noon. Masaya rin pala ang pagpunta sa ibang bansa.

Lola Ophelia is with us. Tita Stella and Tita Aurelia as well. Sila Lolo, Tito Leonard at Papa kasama ang dalawa ko pang pinsan ang humabol lamang nung nasa Europa na kami. Halos ilang linggo rin kaming nanatili sa ibang bansa bago kami bumalik muli ng Pilipinas.

"Sama ka?" Pierce asked me one-morning nang makauwi kami sa mansyon pagkatapos ng ilang linggong pagbabakasyon sa abroad.

I was laying on my bed when he got into my room. He's topless and only wearing his Calvin Klein white boxer shorts when he sat on my bed. Seems like he just woke up cuz his jet black hair was cutely disheveled.

"Saan?" Tanong ko naman sa kaniya.

Naupo ako sa kama at inilapag ang librong binabasa. Tiningnan ko siyang nakaupo sa paanan ko.

"In motorsport. Car racing, are you in?" He lazily drawled.

Napanguso ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Matagal na rin nang huli ko iyong nagawa. At ang huli pa ata no'n ay 'yong kasama ko pa sila Marcos.

"Rhadmus and Enzo are coming. Pinapatanong nila if you're interested."

"Sige, sasama ako." Ani ko dahil wala rin naman akong gagawin sa maghapong ito.

Sa sasakyan ako ni Enzo sumakay nang makababa ako sa hagdan ng mansyon. Nakita kong nag-aantay nga sila sa akin kasama si Nics. Simula nang huling pag-uusap namin ni Enzo ay bumalik naman ulit sa dati ang lahat.

Though, he seems skeptical that I acted like a tame kid dahil nasa ibang bansa kami. But no, dahil nang makabalik kami ng Pilipinas ay hindi na ako nagpupunta pa ng club. I just go to the gym instead. Or whenever I feel drinking ay tinutungo ko lang ang mini bar ng mansion at do'n nagpapakalango.

We do car racing when we arrived at the place and I must say that I had a great time with it. Kahit pa nung una ay medyo nanibago ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa suot kong mga gear at suit sa loob ng race car. Rhadmus assisted me while Nics assisted by Enzo and Pierce.

Hindi naman na bago sa akin ito pero nang mag-iba lang ang pakiramdam ko nang makaisang ikot ako sa field ay bumagal ang andar ko at itinigil ko ang sasakyan.

"What happened?" Rhad asked me pagkahubad ko ng aking helmet. I unzipped my suit bago ko siya binalingan nang makalabas ako sa sasakyan ko.

"I can't breathe. Nahilo ako." Usal ko sa nahahapo na tono at agad na naupo sa bench. Natanaw ko naman sila Rainier at Gabriel na mga kaibigan ni Enzo na tumungo na rin sa aking gawi.

Inabutan ako ni Rhad ng tubig at sila Pierce, Enzo at Nics naman ay tumungo na rin sa amin.

"Anong nangyari?" Enzo asked me when he got near. His voice was hostile and mixed with worry.

Fill My Naked Empty Space | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon