Babae sa ulan

3.4K 61 4
                                    

Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag umuulan, lalo na pag sa araw ng tag-init. Pero nanainisin mo pa kaya umulan kung ang kasabay mo naman ay isang multo?
Ang kuwentong mababasa niyo ay ibinahagi sakin ni Au (hindi tunay na pangalan) sadyang nakakapangilabot ang kanyang karanasan dahil tuwing umuulan doon nagsisimula ang kanyang kinatatakutan...

Naganap ang aking karanasan sa aming bahay. Pauwi na ako galing sa eskwelahan, kasabay ko ang aking klasmate. Habang naglalakad ay nagisip kami na puwede pag-tripan sa daan para man lang mabasawasan ang pagod sa pag-lalakad. Napansin ko na medyo kumulimlim na 'yun mga bandang alas dose na ng tanghali kung hindi ako nag-kakamali kaya nagmadali na kami sa paglalakad. Nang mag-hiwalay na kaming dalawa ay agad na akong pumasok ng bahay para makapag palit na ako ng damit. Napansin ng aking mga kapatid na sila Agnes at Alma(hindi tunay na mga pangalan) na nakatingin ako sa may bintana.

"Tignan niyo 'yung labas parang bawat patak ng ulan parang mga dyamante at ang lamig-lamig, nakakawala ng pagod." Sabi ko nalang.

Alam kasi nila na nakakakita at nakakaramdam ako kaya iyon na lang ang sinabi ko. Pero ang totoo may nakita ako malapit sa bintana ng kwarto ng bahay namin. May isang babae na nakaupo at nakadungaw na tila may inaantay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila, dahil parang nanigas ang aking katawan sa takot. At paano ko sasabihin kay Agnes na ang babaeng multong nakikita ko ay katabi lang niya.
Hanggang kinagabihan ay hindi ko pa rin sinasabi kay Agnes 'yung tungkol sa nakita ko. Sa totoo lang, tuwing umuulan ay madalas ko nakikita ang babae sa bintana. Pero isinasawalang bahala ko lang.

Sabado ng umaga. Walang pasok, masarap mag-laro at makipag-laro sa mga kapatid ko nu'n.

"Pagtapos niyo mag-laro, mag-aral na kayo. Ha," sabi nila Mommy at Daddy.

Nang matapos kami mag-laro mga ala una na ng hapon, naging makulimlim na naman ang langit. Kaya agad na kaming pumasok ng bahay sabay diretcho na sa kwarto namin.
Sa kwarto namin ay may double deck kami nu'n at isa pang solong kama. Sa itaas si Agnes, sa baba si Alma at akin ang solong kama. Mag-sisimula na kaming mag-aral ng mga oras na 'yun ng bigla ng umulan.
Natatakot ako kasi baka magpakita ulit ang babaeng multo. Nagpatuloy nalang ako sa aking pagbabasa, maya-maya inutusan ako para bumili sa tindahan.
Pagbalik ko ng kwarto, nakita ko na may usok na pababa mula sa double deck nila Agnes at Alma. Gan'un nalang aking pagkabigla na nag-kurteng babae ito at ang babaeng nakikita ko ngayon at ang babae sa bintana ay iisa.
Ang aliwalas ng aura niya na animo'y isang ina na nag-aantay sa kanyang anak. Pero nu'ng araw na iyon sa sobrang takot na naramdaman ko, ay agad ko ng sinabi sa kanila.
Matapos kong sabihin sa kanila ay talagang natakot sila, pero hindi sila katulad ng iba na nagagalit sakin.

"Naiintundihan ka namin Ate Auring. Pero sana wag' mo naman kami biglain kasi aatakihin kami sa puso. Eh," birong sabi ni Agnes sakin.

Isang hapon, halos kakatapos lang namin mag-hapunan. Sinubukan kong mag-kwento kila Mommy at Daddy, pero tinawanan lang nila ako.

"Para kang baliw Auring," sabi ni Daddy sakin.
"Pinatayo ko itong bahay na ito sa magandang lote at pina-blessing pa namin ito ng Mommy mo. Paano mo naman sasabihin na ilang beses ka na pala nakakakita ng kabaliwan na 'yan." Dugtong pa ni Daddy.
"Sa susunod Auring, mag-dadasal ka. Ha," sabi ni Mommy.
Tango lang ang sagot ko sa kanila. Inaasahan ko naman talaga ang ganu'ng reaksyon galing sa kanila.

Lumipas ang mga araw at hindi ko na nakita ang babaeng multo. Pero nu'ng dumating ang bagyong Yolanda ay muli ko na naman siya nakita, kung ano ginagawa niya nu'ng huli ko siya nakita ay iyon pa rin ang ginagawa niya. Nang magtanong muli aking mga magulang kung nakikita ko pa rin ang babaeng multo.

"Dati ko na po sa inyo sinasabi 'yun, pero hindi po kayo naniwala sakin." Sagot ko.
"Naniniwala naman kami sa sinabi mo saamin, anak. Sabi ni Mommy.
"Ayoko lang kasi nakikita kayo mas lalong matakot." Dugtong pa niya.

Halos hindi ako makapaniwala sa mga kinuwento sakin ni Mommy. Na bago pala kami ay mas nauna pa palang tumira rito at nag-ngangalang "Lyn Gomez", dati pa lang may kubo at damuhan pa ito.
Kuwento pa nila nu'ng sinunog raw ng maraming beses ang lugar na ito at nakasama raw ang anak ni Lyn sa sunog. Dati na rin pala pinagkakaguluhan ng Kongreso ang teritoryo na ito.
Pero dahil sa may malapit na kamag-anak sila Daddy, sa kanila na naibenta ang lupa na ngayon ay tinatayuan na ng aming bahay. Simula nu'n kada biyernes ng ay naglalagay kami ng bulaklak sa bintana at saka nag-aalay na rin kami ng dasal para sa mag-ina.

Tagalog horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon