Haunted Mansion

3.2K 56 5
                                    

Hindi naman iba sa atin ang mga iba't-ibang kuwento tungkol sa babae sa balete drive. Pero sa maniwala kayo o sa hindi, dati na rin kami tumira malapit mismo sa balete drive.
Ang kuwentong mababasa niyo ay ikinuwento sakin ng aking Mama sa dati naming....HAUNTED MANSION....

Kakalipat lang namin noon sa isang lumang bahay na ibinigay ng amo ni Rudy(hindi tunay na pangalan) sa Cubao.
Sobrang laki ng bahay kumpara sa dati namin tinitirahan, may kapitbahay nga kami pero malayo naman samin. Sa may bandang kanan na halos katabi na yata ng bahay namin ay may isang abandonadong opisina.
Madilim ang loob nu'n kaya halos wala kang maaaninag sa loob.
Pito lang kaming titira sa aming bahay. Ako at ang aking asawa, apat ang aming maliliit na anak at ang katulong naming si Salve.
Araw-araw, halos sabay-sabay umaalis ang aking mister para pumasok sa trabaho at ang tatlo naming anak sa kanilang eskwelahan.
Kapag wala na ang aking mag-aama ay halos sobrang tahimik na ng buong bahay.
Okay naman dahil nakapagpapahinga ako at nakakatulog din ng maaayos ang 3 month's old kong baby na si Shey(hindi tunay na pangalan).
Habang nasa kwarto kami ni Shey, nasa labas naman ang katulong naming si Salve at nagta-trabaho.
Isang hapon, habang mahimbing natutulog si Shey ay naisipan ko munang lumabas muna ng kwarto. Naabutan ko si Salve na sinisipat ang loob ng abandonadong opisina na animo'y parang may hinahanap sa loob.
"Salve, ano hinahanap mo riyan?" Tanong ko.
"Parang may nakita ako sa loob, ate." Sagot ni Salve sakin.
"Si Salve, kung anu-ano nakikita, baka guni-guni mo lang 'yun. Baka sobrang pagod lang 'yan, tara mag-meryenda muna tayo." Yaya ko sa kanya.
"Hindi nga, ate. May nakita talaga ako sa loob."
"Naku Salve, kung may tao diyan sa loob malalaman at malalaman natin. Malay mo 'yung kapitbahay natin mag-asawa lang pumapasok diyan para mag-ayos ng gamit."
"Hindi ka ba natatakot dito ate? Lalo na kapag gabi. Parang may bolang apoy na lumulutang sa loob. Tapos, pag nasa likod ka ng bahay na 'to, parang laging may nakatingin sayo."
"Salve tumigil ka na, suwerte na nga tayo sa bahay na 'to kung tutuusin. Ang laki-laki ng bahay ibinigay lang satin ng walang bayad. Saan ka pa makakakita ng ganito hindi ba?" Paliwanag ko sa kanya.
Hindi na muli nakipagtalo sakin si Salve. Hanggang sa dumating ang aking mag-aama ay hindi na namin ulit pinagusapan ang bagay na iyon.
Pero kinabukasan ng umaga, hinanap namin si Salve sa kabuan ng bahay ngunit hindi na namin siya nakita.
Naisip namin mag-asawa, hindi na siguro nakayanan ni Salve ang trabaho dito sa bahay kaya umalis na lang siya.
Nang umalis na ang aking mag-aama ay sinimulan ko ng mag-linis ng bahay. Nang matapos ako sa gawaing bahay ay agad ko ng inasikaso si Shey pinatulog ko muna siya at saka nilapag ko na siya sa duyan na gawa ng asawa ko.
Habang mahimbing na natutulog ang aking anak hinanda ko na aking labahan na iniwan ni Salve. Hindi naman masyado marami kaya madali lang ako matatapos.
Maya-maya'y hindi pa man din nangangalahati ang aking labahan ay bigla nalang umiyak si Shey. Kaya hininto ko muna saglit ang paglalaba para puntahan si Shey.
"Iyak ka ng iyak, Shey." Inis na sabi ko marahil dala na rin siguro ng pagod. Habang nakatingin ako sa kanya may naramdaman ako ng kakaibang lamig, pero binalewala ko lang 'yun.
Ganu'n nalang ang aking pagkabigla ng may isang malaking boses ng lalaki ang nagsalita sa aking likuran na ang sabi
"PINAPAIYAK MO KASI...."
Sa sobrang takot ko ay nagtatakbo ako sa labas ng bahay namin at pumunta ako sa kapitbahay.
Gabi ko na lang naalala na naiwan ko nga pala si Shey sa duyan, ng dumating ang aking mister ay agad ko binanggit sa kanya ang nangyari kanina sakin.
Kinabukasan ay agad-agad na kaming umalis ng aking pamilya sa bahay na 'yun.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang kakaibang karanasan na iyon....


Tagalog horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon