Maliit na nilalang

4.8K 73 6
                                    

Ang unang kuwento na mababasa niyo ay kuwento ng aking kapatid na si Shey ( hindi tunay na pangalan). Nangyari ito nung 6 year's old pa lang siya ng mangyari ang kakaibang karanasan niya...

Huling gabi na ng burol ni Auntie namin nu'n, kaya naisipan ng mga magulang namin na imbis umuwi pa ay makitulog muna kami sa bahay ng aming kasambahay na si Nanay Salve.

"O, pagkatapos natin kumain magpahinga na kayo ha." Sabi ni Nanay Salve habang nag-liligpit ng pinag-kainan.
"Opo," sabay-sabay na sagot namin. Bandang alas dose ng madaling araw ng magising ang aking mama dahil inaapoy daw ako ng lagnat. Agad naman nila ako dinala sa hospital para ipa-check up, pero ganu'n na lang ang kanilang pagtataka dahil wala silang nakita sakin. Kaya binigyan nalang ako ng gamot ng doktor, pero kahit painumin ako ng gamot ay hindi rin bumababa ang aking lagnat. Halos umabot ng isang linggo ang lagnat ko nu'n at dahil sa sobrang taas ng lagnat ko kuwento nila sakin bigla raw ako bumangon ng higaan tapos tumapat raw ako sa aparador nila Nanay sabay turo sa gown na kulay pink. Natakot sila Mama dahil sa ginawa ko nu'n dahil parang nag-hahanap na raw ako ng pamburol ko.
"Ano kaya nangyayari kay Shey? Hindi bumababa ang lagnat niya." Takang tanong ni Mama habang nasa sala sila at naguusap nila Nanay Salve. Saglit napahinto si Papa at saka napatingin sakin.
"Hindi kaya may nakabati sa kanya pala ngiti kasi yan si Shey eh," sabat ni Nanay Salve sa kanila sabay abot ng kape kay Papa.
"Kailangan ko kausapin si Nanay bukas ng umaga. Tutal naman pupunta siya bukas sa burol ni Ate Fina. Kasi baka alam ni Nanay ang nangyayari kay Shey." Sagot ni Papa. Matagal na kasing manggagamot si Lola.
Napabuntong hininga si Mama. "Mabuti pa nga." Sambit ni Mama.

Kinabukasan ay kinausap nila Papa si Lola at sinabi nga nila ang tungkol sa nangyayari sakin. Kaya agad sinama ni Papa si Lola sa bahay ni Nanay Salve, matapos ako tignan ni Lola ay agad nag-pautos si Lola para mag-pabili ng kakailanganin niya at isang alay. Halos saglit na minuto lang ako tinawas ni Lola at doon namin nakumpirma na tatlong duwende ang nakalapit sakin at kinukuha raw ako. Ang tanging natatandaan ko lang nu'n ay may dalawang puti at isang itim na humihikayat sakin na sumama sa kanila. Maganda ang lugar at sobrang aliwalas.

"Itim na duwende ang gustong kumuha kay Shey. May balon pala kayo dito Salve" Sabi ni Lola at saka ibinigay na ang alay para raw tigilan na ako ng itim na duwende. Ganu'n na lang ang pagtataka namin dahil hindi naman sinabi ni Nanay Salve na dati ng may balon kaya lang tinabunan na lang nila ng semento kaya hindi na nagagamit.

"Dito kasi sila naninirahan, eh." Sabi pa ni Lola.
Hanggang sa ngayon ay dala-dala ko pa rin iyon na kahit kailan ay hindi ko na malilimutan.....

Tagalog horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon