Habulan

2.7K 49 3
                                    

Unsual story na mahirap paniwalaan. At sa totoo lang, aaminin ko, kahit ako mapasahanggang ngayon ay hindi naniniwala. Nangyari ang kwentong itong noong 4 year's old pa lamang ako nang minsang mamasyal kami ng aking pamilya

"Sali naman ako, o," sabi ni Ate Red(hindi tunay na pangalan) habang naglalaro kami ng nila kuya Romy(hindi tunay na pangalan).
"Sige, isali natin si Ate." Sagot ni kuya Romy.
"Okay, basta siya ang taya ha," pagsang-ayon ng kapatid kong si Beng.

Nang sulyapan namin sila mama ay tila wala naman silang reaksyon. Nagsimula na kami maglaro kung saan enjoy na enjoy kaming apat.

"O, dahan- dahan lang ha. Baka madapa kayo." Sabi ng ni mama saamin.

Hindi kami sumagot sa halip ay nagpatuloy lang kami sa paglalaro. Maraming alam na laro sila ate Red at kuya Romy. Huling laro na ginawa namin ay habulan si Beng ang taya. Paikot-ikot lang kami sa jeep ng Auntie ko, iyon kasi ang sinakyan namin lahat kanina. Ganun nalang ang pagkabigla namin ng biglang nadapa si Beng, agad naman nataranta sila mama nang makita nila na hindi gumagalaw ang aking kapatid.

"Anong nangyari?" Tarantang tanong ni mama sakin.

Hindi namin alam kung ano isasagot kay mama kaya agad kinarga ni Auntie Edith si Beng. Matapos madala siya hospital, halos abutin na kami ng gabi dahil sabi nila hindi pa rin nagigising si Beng. Halos lahat sila ay nag-iiyakan na bukod sakin marahil shock pa rin ako sa nangyari. Maya-maya pa'y nagising na daw si Beng at ang bukod tanging bukang bibig lang niya ay may humahabol raw sa kanyang manika at itim na lalaki. Inaabutan daw siya ng candy ng manika saka hinihikayat na raw siya sumama sa kanila.

Abot-abot ang pasasalamat nila mama nang magising ang aking kapatid. Ang hindi ko lang maintindihan sino ang itim na lalaki at manika na tinutukoy ng kapatid ko. Marahil isa lamang siyang ligaw na kaluluwa na patuloy pa na gumagala sa ating kapaligiran..

Tagalog horror storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon