~3~'WAY TO GO'

213 14 1
                                    


~3~

•Elle•

"So friends na kayo?" Camille

"sa tingin ko oo." umiling-iling si Camille

"Hayy, maghanap ka na lang kasi ng iba"

"sinubukan ko naman, pero sya talaga ang crush ko"

"Hindi kasi crush yan. inlove ka neng wag kang in-denial" Camille

sasagot na sana ako ng biglang nagbell bumalik na kami sa classroom nakita ko si Ivan sa may hallway nginitian ko sya pero inirapan nya lang ako tch.

half day lang kami ngayon kaya makakauwi ako ng maaga umuna na si Camille kasi may part time pa daw sya kaya eto ako ngayon naglalakad mag-isa papunta sa gate nakita ko syang mag-isa na naglalakad din

"Ivan!"

Hindi sya lumilingon binilisan nya ang paglalakad kaya halos tumakbo na din ako

"Huy! Ivan!"

nahigit ko sya sa laylayan ng uniform nya kaya napalingon sya saakin

"what do you want?"

"May friend bang nang-iiwan?"

tinaasan nya ako ng kilay

"Friends na tayo diba?" nakangiting tanong ko sakanya

"Seryoso ka talaga?"

"Oo."

"kung ganon bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit gusto mo akong maging kaibigan?"

Hindi ako makasagot. anong sasabihin ko?

"Kung sa tingin mo ay magugustuhan kita sa ginagawa mo, nagkakamali ka. hindi yun mangyayari" sabi nya at tumalikod na ulit. Napayuko ako dahil para bang sapul na sapul sakin ang sinabi nya 

"sandali!!!!" pigil ko pa din tumigil sya

"Girl and boy can never be friends." inis na pagkakasabi nya pagkaharap  nya sakin

"Let's be an exception." desparadang sabi ko. ngumiti sya omg nginitian ako ng crush ko!

nauna na syang maglakad

"Huy intay!" sabi ko

"Anong gusto mong gawin? maaga pa naman, hmm? gusto mong kumain?"

"No."

"eh? anong gusto mong gawin?"

"matulog."

"hala, yung pwede nating gawin pareho"

"then let's sleep together."

napanganga ako sandali hanggang sa naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko

"Kidding. hahaha let's eat. treat ko" napatingin ako sakanya. seryoso?

"Talaga?"

"yeah. ngayon lang to kaya sulitin mo"

"oo naman! hahahaha!"

tignan mo nga naman. Hindi ako makapaniwala dati tinitignan ko lang sya tapos ngayon kasabay ko syang kumain at libre nya pa

"Magkwento ka naman" sabi ko

"ang daldal mo, kumain ka na lang dyan"

"eeehh! ang boring kaya"

"anong ik-kwento ko?"

"basta tungkol sayo." sabi ko

"there's nothing special on me."

"ngek?"

"Ano bang gusto mong malaman?"

"hmm.. San ka papasok sa college? anong course?"

"Well, wala pa akong naiisip"

"nako dapat mag-isip ka na. " tumahimik ang paligid kaya nagtanong ulit ako

"Kamusta na si Jamie?" tanong ko. oh wrong question. kapatid nya kasi yun  magtataka sya kung bakit ko kilala

"seems like you're stalking me" nakangising sabi nya

"Hindi ah!"

"Really?" tumango ako

"hmm.. she's fine. still a spoiled brat"

"ay ako nga pala si Elle." pakilala ko sabay abot sakanya ng kamay ko, nakalimutan ko kasing magpakilala. tumawa syaemegerd ilang beses na syang tumatawa huhuhu nakakainlab na

"I know. classmate tayo nung freshman right?"

"n-naalala mo pa pala ako"

Hindi ko matago yung ngiti ko akala ko kasi hindi nya talaga alam ang existance ko

"Ikaw yung, nahuhuli kong laging nakatingin saakin" aniya atsaka ininom ang pineapple juice nya habang hindi pa din inaalis ang tingin nya sakin. napatungo ako nakakahiya

hanggang sa natapos na kami sa pagkain

"Uwi na ako" sabi nya at naglakad na palayo

"Wait!! anong gusto mong kainin bukas? mag-iiwan ako sa locker mo"

Hindi sya sumagot pero for the 2nd Time ngumiti sya saakin ng tagos tagos  at sumakay ng kotsena tumigil sa gilid nya

dalawang beses syang ngumiti ng matamis saakin waaahhh! kinikilig ako! okay.. Way to go Elle!

Hi CRUSH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon