~15~ 'TEARS'

175 11 0
                                    

~15~

•Elle•

"good, Elle nag-practice ka ba?" kinuha ko ang tuwalya at ibinalot sa katawan ko

napatingin ako kay sir yung teacher ko sa swimming

"po? diba pinaturuan nyo po ako kay Ivan?"

"ha? Wala akong natatandaan na sinabi ko yun. anyway you're good. keep it up" sabi nya at umalis na

napa-'huh?' na lang ako

Edi kung ganun ginawa nya yun para hindi talaga ako bumagsak sa swimming?

nakita kong nagsisidatingan na ang mga section A, time na nila ng swimming

syempre kasama dun si Ivan tinignan ko lang sya habang naglalakad at kung paano sya lingkisan nung babaeng bumangga saakin sa may locker

tumingin sya saakin saglit tapos dumiretso na ng shower room ng boys
pumunta na lang din ako sa shower room at nagbihis ng uniform

bumalik ako sa klase at nakinig na lang pero pano ba naman ako makikinig kung yung pinagku-kwentuhan ng nasa tabi ko ay si Ivan?

"Oo! at ang gwapo nya kahit nakasimangot sya diba?"

"syempre! alam mo naglagay ako sa locker nya ng love letter sana mabasa nya!"

"ay pang-old school. love letter? hahaha"

Anong old school? love letter never gets old. ayan napapa-english tuloy ako

"tignan mo nag-download ako ng pictures nya sa cellphone ko!" sabi nung babae at pasimpleng nilabas ang cp nya at ako namang chismosa, nakitingin din
ako at sa swerte kong ito ako nanaman ang nakita ni mam na kung ano-anong ginagawa pag nagkaklase sya kaya syempre pinalabas ako

napangiwi na lang si Camille saakin

dire-diretso akong lumabas

"psh. ako nanaman? masama bang tignan yung picture ni Ivan?" bulong ko habang sinasarado ko ang pinto when i accidentally bumped into someone

natapon ang pagkain nya omg!

"waahh sorry po!"

"mabubusog ba ako sa sorry mo?" sa boses palang na yun kilala ko na agad

hinawi nya ako at nagdiretso na sa paglalakad

it feels like tearing me up inside pero infairness nagka-skin to skin contact kami

wahahaha

nagpunta na lang ako ng canteen nang maalala ko yung babae kanina gumawa ng love letter

kinuha ko ang special paper ko sa bag at gumawa din

sinigurado kong iba yun sa lahat. atsaka naisip ko na Hindi ko yun ilalagay sa locker nya ibibigay ko to personally

kaya nung nag-uwian..

"sigurado ka ba dyan?" tanong ni Camille

"Oo noh!"

"hayy, sige na uwi na ako, tumatawag na si mama eh, bye! wag ka ng sasama kay Dave!"

I waved at her

"oo sige ingat ka!"

ngumiti lang sya ilang minuto pa at lumabas na si Ivan

sinundan ko sya pero napatigil ako nung tumigil sya sa harap ng isang babae nagtago ako sa poste para hindi nila ako makita

kitang kita ko kung pano sya niyakap nung babae at kitang-kita ko kung paano nya din ito niyakap pabalik

para akong na-estatwa

may kung ano sa loob ko na ang bigat

sila na ba?

oh well. baka nga. they kissed infront of me

nabitawan ko ang love letter na ibibigay ko sana

tumakbo ako palayo sa lugar na yun

It feels like something stabbing in my chest

"I'm not gonna cry" Sabi ko habang natakbo

but as soon as i stop running tears started to fall

darn it! bakit masakit?

bakit?! girlfriend nya ba yon?! napaasa ba ako all this time?

nagulat na lang ako nang may tumapik sa balikat ko and it was

"Camille" Sabi ko at niyakap sya wala naman syang sinabi at niyakap na lang din ako damn! Wala pa akong iniiyakang lalaki sa tanang buhay ko

Hi CRUSH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon