~20~ 'YOU'LL BE MY PARTNER'

231 9 0
                                    

~20~

•Elle•

"Goodmorning" bati saakin ni manong guard, nakipag-appear na lang ako medyo masakit pa din kasi katawan ko

"Tara na?" Camille, inintay nya kasi ako dito sa may gate para daw may mag-alalay sakin

Hindi ako nagpahigit sakanya, tinanaw ko ang labas ng gate at nakita ko syang papasok

si Ivan, may mga band aid sya at may mga sugat pa sa mukha pero para sakin gwapo pa din

hanggang sa hindi ko namalayan na nandito na pala sya sa pwesto ko

"Stop drooling" sabi nya at nilampasan ako

napansin kong napatawa si Camille kaya hinampas ko sya

mabilis natapos ang maghapon, ina-nounce ni Ma'm na malapit na raw ang JS sa feb. 14

may nag-aya na kay Camille pero sakin wala pa

tinatamad din naman akong pumunta eh

may napapansin akong lalaking lumalapit saakin na may sasabihin tapos hindi matutuloy

katulad nito lalapit saakin ang classmate kong lalaki, he's not that bad tho

"Hi Elle, itatanong ko sana kung pwede kitang-" he trailed off

"pwedeng?"

"nevermind! sige see you around!" at tumakbo na sya

see? tinignan ko si Ivan na nasa likod ko

"What do you want?" kunwaring naiinis na sabi ko

"You"

"I told you. you're off limits" tinignan nya ako sandali tapos tumalikod na

"BOOM!" muntik-muntikan ko pang madagukan tong si Camille na biglang sumigaw sa tenga ko

"Anong nakakatawa?"  sabi ko sakanya habang nanliliit ang mga mata

"wala. kinikilig ka noh? hahahaha "

"No." sabi ko at nagpunta na ng locker sinundan nya ako

"come on. You can't lie with me Elle"

napairap ako. fine. tama sya syempre may gusto pa din ako sakanya

kayo ba pag nagka-crush, sabihin nyo lang sa sarili nyo na 'Sana mag-iba yung crush ko yung mas pogi' pag ba ganun? mawawala na agad?

ganun ba kadali yun?

Hindi diba. nagpaalam na ako kay Camille na mauuna na ako. pagkalabas na pagkalabas ko ng gate may humawak sa braso ko

"You'll be my partner sa JS" it was Ivan

omg! did he just ask me?

"ayoko nga!" pabebe ang bida nyo hahaha

"I'm not asking you. you will be my partner that's final, so go home have a beauty rest because that will be a long night" kumindat sya at ngumisi tapos he left me there

the wink! omygas bigas!!

Si Ivan ang partner ko sa JS! yung crush ko yung partner ko! hearts everywhere

biglang may sumundot ng tagiliran ko

"Asus! oh itsura ba yan ng hindi kinikilig? Kulang na lang mapatae ka dyan sa pwesto mo eh! tara na nga!" at hinigit ako ni Camille

hindi ko matago ang ngiti ko lalo pa at ang dating numero unong kontra saming dalawa ni Ivan na si Camille eh ang lakas ng mang-asar na ngayon

Sa bahay namin natulog si Camille, at tinulungan ako sa pagpili ng kulay ng gown na susuotin ko

hanggang sa nakapag-decide kami na black na lang since maputi naman daw ako

am I too excited? 4 days pa bago ang JS pero mabuti na rin ang maaga

kinuha ko ang cellphone ko may nagtext kasi

Ivan❤: okay ka na ba? I mean yung sugat mo

mabilis akong nagtype ng reply pero bago ko pa yun masend ay naalala ko nga palang may girlfriend sya

yeah right. Hindi ako relationship wrecker at lalong hindi third wheel

binura ko ang tinype ko at pinatay ko ang cellphone ko at natulog na lang

Hi CRUSH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon