~12~ 'UNATTENDED'

193 11 0
                                    

~12~

•Elle•

"Hindi! lulubog ka talaga nyan" Ivan

tinuturuan nya kasi ako mag floating, takot kasi ako

Ewan ko kung ilang feet to basta nasa ibaba ng ilong ko yung tubig

kaya tatalon-talon ako kasi minsan napasok na sa ilong ko

mukha na akong tanga dito huhubels

"Hayy. bibili lang akong pagkain" sabi ni Ivan tapos umahon sya at nagpunas ng tuwalya

naiwan ako dito, kanina nya pa ako sinisigawan kasi hindi ko makuha yung freestyle at floating na tinuturo nya

sino bang marunong dyan? paturo naman oh. ang hirap naman kasi kapag crush mo yung nagtuturo. nakakailang, nakakaconscious gumalaw

nagmuni-muni na lang ako habang wala sya

malapit na mag-uwian pero heto pa din kami

nilalamig na tuloy ako

brrrrrrr... suminghot ako nang maramdamang parang may tutulo galing sa ilong ko

may sipon na rin hayst habang hindi pa sya nabalik ginawa ko ulit yung tinuro nya

mga ilang try sa freestyle at medyo nage-gets ko na

"Waahh! malapit na kaya ko to" sabi ko sa sarili at tinuloy na

nung medyo gets ko na sya floating naman takot na takot ako pero sabi ni Ivan magrelax lang daw I was shocked nung tatlong try ko ay nagawa ko magfloating for seconds! sa sobrang tuwa ko lumubog ako

pero men! nagawa ko sya!

"good. mga ilang try pa tapos pwede ka ng umuwi" sabi ng boses lalaki na nasa likod ko

kanina pa sya dun? malamang nakita nya ako? nakakahiya umupo sya sa upuan at nag cross arms

"Sige, dalawa pang freestyle at floating" sabi nya at uminom ng zesto na dala nya

ako naman eto nanginginig na gusto ko ng umuwi mama huhuhu

"wag kang manood, Hindi ako makakapag-concentrate" sabi ko sakanya

"Gusto mo bang umuwi o hindi?"

huminga ako ng malalim at niyakap ang sarili sa lamig

ang sakit sakit na ng katawan ko at gutom na gutom na rin feeling ko magkakasakit ako

wala akong nagawa kung hindi sumunod sakanya

para sakin din naman to. kasi naman si sir pede namang sa iba na lang ako pinaturuan

nagfloat ako at nandun na ako sa part na medyo malalim at nagpanic ako kaya lumubog ako

sinubukan kong iangat ang kamay ko para humingi ng tulong kay Ivan pero patuloy ako sa paglubog. Dito na ba ako mamatay? naku lord wag muna

Hindi na ako makakuha ng hangin
biglang may humatak sa braso ko pataas

habol hininga ako nang nakaupo na ako sa gilid ng swimming pool

muntik na yun

ang lakas ng tibok ng puso ko dala ng kaba

napatingin ako kay Ivan na katabi ko at nagligtas saakin

hinawakan nya akong maigi at ayoko mang umasa pero kita kong nagulat sya at nag-alala

"s-salamat."

Inabot nya ang tuwalya na nasa gilid ko at umahon sa pool para ibalot yun sakin

"sige na mag-ayos ka na ihahatid kita"

katulad ng sinabi nya nag-ayos ako pagod na pagod ako at gutom na gutom gusto kong matulog

sabay kaming lumabas ng school

"Ang tamlay mo" aniya

excuse me? ikaw kaya ang magswimming maghapon wala pa nga akong kinakain eh

tinanguan ko na lang sya

pasakay na sana ako ng trycicle nang tawagin nya ako

"bakit?"

May inabot sya saaking paper bag

"Ano to?"

"Kainin mo habang nabyahe ka"

pagtingin ko puro pagkain like
ang dami! Pasasalamatan ko sana sya ng lubos pero pag-angat ng tingin ko ay naglalakad na sya at malayo na saakin napatingin ako sa cellphone ko nang nag-vibrate ito

From: Ivan ❤

Ingat.

SHIZZZZZ!!!

"Ineng sasakay ka ba?" ay nakalimutan ko si Kuyang Driver

"opo" Syempre nireplayan ko sya

Me: Opo tay, joke! salamat nga pala tsaka pasensya ka na kung mahirap akong turuan

Ivan❤: Kung ipapahamak mo sarili mo siguraduhin mong wala ako

Me: sinadya ko ba hindi naman ah.

Ivan❤: sige na, pagdating mo sa inyo matulog ka na

Me: eh?

Ivan❤: Goodnight Elle ;)

Me: Goodnight Ivan :)

damn that wink symbol back at it again! Hindi na sya nagreply at gaya nga ng sinabi nya pag-uwi ko natulog na ako

grabe. nakakapagod

haayyy pinindot-pindot ko ang ilong ko

ano ba yan! barado! huhu

•Camille•

absent si Elle at hindi sya nagrereply o sinasagot manlang ang mga text at tawag ko

ay! ayun pala ang lalaking yun

nilapitan ko sya

"anong ginawa mo kay Elle?"

Hindi nya ako pinansin

aba talagang!

"absent sya anong ginawa mo sakanya?" tumingin sya saakin, good taste talaga si Elle gwapo ni Ivan

"Hinatid ko lang sya sa faculty kahapon wala akong ginawa sakanya" Sabi nya at paalis na sana nang tawagin ko ulit

"Alam mo naman siguro na crush ka ni Elle hindi ba?" Magkalinawan na tayong lalaki ka

"I know."

"please lang wag mo syang paasahin kung wala kang nararamdaman para sakanya"

"sinong may sabing wala?"

he smirked at nilagay ang kamay sa bulsa bago umalis. Ghawd! Sa hindi inaasahan ay nakaramdam ako ng kilig kay Ivan at Elle, Ako na numero unong hindi fan ng loveteam nila

•Ivan•

"uy nakasimangot ka ata" lapit saakin ni Rex, dumaan si Dave

may band aid pa sya sa may labi nya serves you right asshole

iniwas nya ang tingin nya saakin

"pare, tanda mo pa yung Elle hindi ba?"

"oh?" tamad na sabi ko, akalain mong nandito palang ako sa tapat ng room hindi pa ako nakakapasok nakikichismis na agad tong si Rex. kalalaking tao

"Absent daw, may sakit eh"

walang sabi sabi kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan sya. kumunot ang noo ni Rex pero hindi ko na yun pinansin dahil unattended tong tinatawagan ko. Ilang ulit pa at unattended pa rin shit.

Hi CRUSH!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon