CHAPTER SEVENTEEN DATING PART TWO

853 32 6
                                    

Continued..





" Kumusta kana?.. kamahalan!" Mababang tinig na saad ni lady lucia.
Malungkot ang mga mata nitong naka titig sa akin,
naka upo ako ngayon sa higaan namin ni kalel.
nang malaman ni lady lucia ang nangyari sa akin ay kaagad itong pumunta upang kumustahin ako.
kaya wala akong nagawa kundi ang harapin siya ng maayos.












" Maayos na ang pakiramdam ko lady lucia"
Naka ngiting saad ko sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko. " Huwag kang mag alala!!. Magiging okay rin kamahalan, dadalawin Kita palagi para hindi Ka mainip dito sa palasyo!" Mahinhing saad nito, bakas sa mukha nito ang determinasyon na gagawin ang sinabi niya.
Pero umiling iling ako,
Ayokong sirain ang moment nila ng male lead.








" Hindi na!.. lady lucia, mas maganda kung... Mag. ..magka intindihan kayo ni ginoong zander!.. ang duke!!" Masigla kong saad sa huli kong sinabi,
Bigla ang pagka ilang Ng mga mata niya.
" Ah!.. naku !.. hindi po, hindi po iyon ang mahalaga!. Ang importante ho ay kayo' kamahalan!" Kaba ang nakikita ko sa mga mapupungay niyang mga mata. Ngumiti ako, parang gusto ko tuloy siyang tuksuhin.





" Hahaha!!. Huwag kanang magka ila?.. lady lucia, mas maganda kung magka usap kayo ng maayos!" Naka ngiting saad ko habang naka titig sa mga mata niyang nag aalala at nag aalinlangan.
Sakto niyang ibubuka ang bibig para mag salita ng may kumatok sa pinto.






" Kamahalan?.. may bisita po kayo!" Magalang na paalala ng aming butler.
bumuntong hininga ako,
Saka muling ngumiti sa kaharap, " sandali Lang huh?" Sabi ko Kay Lucia.
" Sige , papasukin mo!" Malakas kong saad sa butler sa labas ng kuwarto.
Maya-maya ay kaagad na bumukas ang dobleng pintuan.






Nan laki ang mga mata ko, ng makita pa lamang ang guwapong mukha ng duke.
Ang Male lead,
Saktong sakto, ang FEMALE LEAD ay nasa harapan ko.
Ang nasa novel, na siyang magka pareha ay dapat na mangyari, upang wala nang masaktan o masawi sa kwento.






" Pasok Ka, ginoong duke' zander!" Malapad ang ngiti ko nang makalapit sa amin ang duke. Nang mag tugma ang mga mata nila ay kaagad na kita ko ang sparks, ngumiti ako.
" Kumusta na po kayo kamahalan!" Kaagad na naka baweng saad ng duke.
" Okay lang , ang pakiramdam ko!.. ikaw?.. Lucia? Okay lang ba pakiramdam mo?" Bigla kong panunukso sa katabi ko na wala man lang kakibo kibo.





" Oh-.. okay.. okay lang po ako  ... Kamahalan!" Nauutal na wika nito sa Amin,
Kinuha ko ang baso ko, saka ngumiti bago uminom ng tubig.
" Kung ganoon, nais ko nang mag pahinga!.. umaatake na kasi ang antok ko!" Pag iiba ko ng usap, gumawa ako ng alibay para magka sarilinan sila.








" Ah, .. sige po, mukhang na mali po ang araw nang pag bisita ko kamahalan!" Nahihiyang saad ng duke,
Kaagad ko siyang tiningnan at umiling iling,
" Naku!.. hindi ho' ginoong duke!.. nais ko lamang maka pahinga ng konti.. pero hindi dahil sa pag dating mo!" Maayos na paliwanag ko, kumindat pa ako sa kanya na ikina pag taka niya. Pumikit muna ako ng may pagka ilang.
' naalala ko nga pala, hindi niya alam ang ibig sabihin ng kindat na iyon!'
" Lady lucia?.. nais kong makausap ng sarilinan ang ginoo!.. kung maari Sana!" Hinging pasensya ko sa binibini.
Ngumiti ito at yumuko sa harapan ko.
" Ah, ganoon po ba?.. sige po , sige po kamahalan!.. ma..mauna na po ako!" Tumango tango ako, at kaagad na umalis ito sa harapan namin.






Bumuntong hininga ako,
Kailangan kong mag salita ng mabilis, para masundan niya kaagad ang lady.
" Ginoo, ang ginawa Kong pag kindat ay may ibig sabihin iyon.. mali ang iniisip mo sa akin!" Pag iiba ko ng iniisip niya, na baka may gusto ako sa kanya.
" Ano po ang ibig sabihin ng kindat?.. kamahalan!" Naka ngiting saad nito, sa sarili ng duke ay kakaibang Gawain pala ang pag kindat.
" Ang pag kindat ay may ibig sabihin na... Kunwari lamang ang gina- gawa!.. gusto ko lamang magka usap kayo ng maayos ni lady lucia!.. kaya kumindat ako, para sabihin sayo na nag kukunwari akong matutulog!.. gusto kong magka usap kayo ni lady lucia!.. Kaya Hala!.. umalis kana at habulin mo siya!" Pag mamadali ko sa kanya.
Buti naman at naunawaan niya ang sinasabi ko.




I save the Tyrant villain, And Became His Wife? Vol.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon