CHAPTER FOURTEEN ( BANQUET PART TWO )

966 43 0
                                    

Ang larawan po sa itaas ay picture po ni David.

May mga nag tataka? Bakit nag bago ang pangalan ng ating supporting knight na naging princes.

Alamin ang susunod na kabanata.

****Chapter fourteen
Banquet part two***

Masayang nag uusap ang mga bisita ng kamahalan.
bawat daanan ko ay kina kawayan ako.
" Magandang gabi po sa inyo , prince David!" Bati ng dalaga sa aking harapan.
natigalgal ako pero, saglit lang, dahil umakbay dito ang matandang lalaki.
" Kamahalan!!.hindi ko po aakalain na nasa palasyo po pala ang nawawalang kapatid ng kamahalan ang emperor!" Nang uuyam na lintanya ng ginoo.
Sumimangot ang dalaga na nooy naka ngiti lang sa akin kanina.

Hindi ako kumibo.
Ang espresyon ng mukha ng matandang lalaki ay nang aasar at mababa ang tingin sa akin.
" Anong nangyayari dito?..
May hindi ba ako nalalaman?" Biglang eksena ng kamahalan ang emperor.
Yumuko ako at ganoon din ang dalawa sa kamahalan.

" Kamahalan!. Binabati ko lamang po ang kapatid niyo, bilang bagong royals ng palasyo" pag babago nito sa kawalan ng sasabihin ko.
Tinanggal ng dalaga sa kanyang balikat ang kamay ng matanda.
" Humnp!" Nainis na himig nito. Humarap Ito sa akin, saka sa kamahalan.
" Kamahalan!.. magandang gabi po!. Nag kakamali po siya. Minamaliit niya po ang prinsepe" nan lalaking mata na usal niya . tumawa ang matanda sa sinabi ng babae.
" Hahaha!! ..nag hahanap Ka lang ng aliw ano?.. papaanong nangyari iyon?. Maayos kong kinakausap ang kamahalan!" Pag tatanggol nito sa sarili nito. Bago pa mag away ang mga ito ay gumitna na ako.

" Pakiusap!.. ginoo! At munting binibini' , ayokong magkaroon ng hindi pagkaka unawaan ng dahil sa maliit na bagay!.. pakiusap!.. enjoy your day!" Pagka sabi ko ay natulala ang dalawa. Ngumiti na lamang ako bago inalalayan ang kamahalan na makalayo sa mga iyon.

" Okay Ka lang?" Tanong ng emperor.
Tumango ako

Nag lakad kami, hanggang sa Makarating at pumuwesto kami sa balcony sa labas ng banquet
Umiinom ng champagne red liquor ang emperor ng mauna akong mag salita.
" Kamahalan!" Yumuko ako , bilang pag bibigay galang.
Saka lumapit sa kanya.

" Alam ko, marami Kang katanungan sa iyong sarili!.. pero huwag muna ngayon!" Sabi nito , nang sa kawalan naka tingin.
Bumuntong hininga ako,
" Sige po!.." matamlay na tugon ko, siguro sa ibang araw na lamang, at baka importante ang sasabihin ng kamahalan.

maya maya ay ang kamahalan na ang kusang bumasag ng katahimikan.
" Huwag mong isipin na ..pina pangunahan Kita!.
Gusto ko kasing malaman mo na .. kahit kapatid Kita sa labas ay kahit papaano ay inaalala parin kita.. matagal na kitang pinapahanap, at sa simula pa lang ay alam ko na may kapatid ako sa labas!" Mahabang lintanya nito. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Humugot ito ng hangin sa baga bago muling mag salita

" Bukas ko na sasabihin ang lahat lahat!" malumanay na saad nito, bago tinungga ang laman ng kupita.
" Opo! Kamahalan!" Nahihiyang tumingin ako sa kanya. ngumiti ito ng tipid saka dumaan sa harapan ko.
" Sige, mag enjoy Ka ngayon, dahil kaarawan mo ngayon!.. maligayang bati sayo , kapatid!" Sakto sa aking pandinig ang binigkas ng kamahalan.

Ngumiti ako, ' papaano niya na laman na kaarawan ko ngayon?.. kahit ako nakalimutan ko na ang aking kaarawan.
napa hawak na lang ako sa bewang ko.
Saka bumalik sa harap ng terrace.
' ano Kaya ang sasabihin sa akin ng kamahalan!' sa bagay , sinabi niya na sa simula pa lamang ay kilala niya ako? Pero papaano?.. at kailan pa!.


***** Beatrice POV ****

Masayang nag uusap - usap ang mga ka gaya niyang may mga asawa na ng lumapit sa kanya si lucia.
Ang Ganda ganda ni Lucia sa soot niyang blue white dress. Ang aura niya ay masyadong malamig SA mga mata, napa ngiti ako, " wow lady lucia!.. ang Ganda ganda mo ngayon!" Papuri ko sa kanya.
Ngumiti ito ng malawak, sabay napansin ko ang pamumula ng pisngi niya.
Hindi niya na kailangan ng pink blush dahil since birth ay pink na talaga ang pisngi niya.

I save the Tyrant villain, And Became His Wife? Vol.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon