PROLOGO

5 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Diretso at walang kurap na tumitig si Alawi sa bagay na nasa sentro ng tahanan
ng may likha. Nakalagay ito sa sagradong kahon na puno ng ibat ibang mahika at
salamangka mula sa pinaka magagaling na Sorones at Fedyo. Sa tulong ng isang asul at mahiwagang apoy ay nabigyan sya ng kakayahang kunin ang
kahon ng walang kahirap-hirap.

Sa tanang buhay ni Alawi ay wala syang ibang hinangad kundi ang makuha ito,
hindi lang para sa pansariling kapakanan ngunit para na rin sa kanilang lahi. Ang bagay na syang makakapag pabago sa buong Legenda Metanis at sa hinaharap
nito.

"Anong ginagawa mo rito hindi kilalang indibidwal?" Tanong ng isang kawal na isa sa mga nagbabantay sa tahanan ng may likha.

"Magpakilala k—" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng makita ang hawak ni Alawi matapos nitong umikot sa kanyang direksyon. Nagugulat na pumito ang kawal gamit ang kanyang hintuturo at hinlalaki.

"Punong Fedyo!" sigaw ng kawal, paulit-ulit habang nakatitig sa binatang si Alawi.

Walang pag aalinlangan na hinagisan ni Alawi ng boteng gawa sa natuyong putik ang kawal para manahimik ito. Natamaan man ito ay huli na ang lahat. Nakarating na ang Punong Fedyo kasama ang mga lahi mula sa iba't-ibang isla na s'yang
dumalo sa selebrasyon na nagaganap.

"A-anong nagyayari?"

"Ano't hawak mo ang sagradong kahon?"

"Ano ang iyong pagkakakilanlan poha?"

Hindi pa man nakakasagot si Alawi sa agarang tanong ng mga lahing naroon ay nagsalita na ang Punong Fedyo.

"Ipagpaumanhin nyo ang kaguluhang nangyari, ang walang pagkakakilanlang Poha
ay lilitisin ng ating hukom dahil sa ginawa nyang kalapastanganan. Maari na
kayong bumalik sa selebrasyon" anunsyo ng Punong Fedyo. Ilang sandali pa at walang sino man ang kumilos sa mga lahing naroon. Hanggang sa...

"Ang lakas ng loob mong kunin ng walang permiso ang sagradong kahon, kahit
kailan ay walang nagtangkang kunin ang sagradong kahon! Ano't narito ka Poha?!"
Galit na palahaw ng isang Mekharu.

"Wala nga ba mekharu?" Agad na tanong ng Punong Fedyo. Nakangisi ito at tila hindi sang ayon sa sinabi ng Mekharu.

"Bakit hindi mo hayaang mapasa amin ang sagradong kahon Punong Fedyo?" Tanong
ng isang makapangyarihang Duwerge.

"Gayong hindi nyo ito maalagaan,
eto't nakuha ng isang walang pagkakakilanlang Poha ang sagradong kahon" dugtong
nito sa sinasabi.

"Hindi ba dapat saamin ilipat ang sagradong kahon? Hindi hamak na mas malakas
kami kumpara sa mga Duwerge" agad na tutol ng isang maharlikang Grande Malikwa.

"Sinasabi mo bang mahina ang aming lahi Nakwari? nang-iinis na tanong ng maharlikang Duwerge

"Anong sinabi mo kumyo?!" nauubusan ng pasensyang sagot ng Grande Malikwa

Walang pag-aalinlangang sinugod ng lahi ng Malikwa ang lahat ng makikita nilang Duwerge. Habang nagkakagulo at hindi alam ang gagawin ay sinamantala
iyon ni Alawi upang makatakas.

"Ang sagradong kahon! Wag hayaang mapunta sa ibang lahi!" Sigaw ng isang Pityor hindi kalayuan dahilan para maagaw nito ang atensyon ng lahat.

Nagsimula na ang kaguluhan, iba't-ibang lahi ang nagpapalakasan habang ang iba
ay nakatuon sa kung paano nila makukuha ang sagradong kahon mula kay Alawi.

Natigil sa pagtakbo si Alawi matapos makitang nasa dulo na sya isla, pag tumakbo sya ay sa nagngangalit na hampas ng alon mula sa dagat ang babagsakan
nya na maaaring ikatapos ng kanyang buhay. Hindi iyon maaari.

Dumanak ang dugong pilit iniiwasan ng Punong Fedyo. Mga dugong galing sa sakit, galit ay inggit ng mga naapakang lahi.

"Hindi ito maari" bulong ng Punong Fedyo sa sarili. Hindi man nakikita dahil
sa layo ng kinaroroonan ay lumingon ang Punong Fedyo sa gawi kung saan
kasalukuyang napapalibutan si Alawi ng Ibat ibang lahi na nag nanais na kunin
ang sagradong kahon.

Itinaas ng Punong Fedyo ang kamay upang kumonekta sa sagradong kahon kahit na
hindi nya ito hawak, pumikit at tumingala. Kasabay ng pag ilaw ng kanyang mga palad ay ang pag ilaw ng sagradong kahon na kasalukuyang hawak ni Alawi.

"Siyang may likha, ako'y dinggin
Iba't-iba ngunit pagbubuklurin.
Tungkulin ay hayaang gawin
Syang maging daan para sa pangkalahatang hangarin"

Kasabay ng matinding pagdagundong ng lupa ay ang pag liwanag ng palad ng
Punong Fedyo at ng sagradong kahon, kasunod ng nakakabulag na liwanag.

GAME OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon