CHAPTER 4

222 4 0
                                    

CHAPTER 4

A/N : Hello mga bhe!!! Kuya RR is back with a new update. May gusto lang akong i-announce. First, una sa lahat, I’ll be changing the POV style ng story na to. Siguro, more on third person POV ang pagnanarrate. Napansin ko kasi na mas madali itong isulat kaysa sa POV ng characters dito sa story. At  second naman, inannounce ko na to dati. Pero uulitin ko. Regular UDs will be Monday and Friday. Minove ko from Thurdsay to Friday dahil may isang story akong gagawin, which I think, is a very heavy yet erotic story na tiyak na magugustuhan niyo. Oh siya, sige, tama na ang litanya ko. –Rated_Romantiko

( KATE’S POV)

Magkahalong pagod at saya pala ang pagiging isang P.A. Nakakatuwa kasi sa bawat photoshoot ni Tyler, may sikat na artista akong nakikita. Pero nakakainis din kasi umaandar ang topak ng boss ko. Sinusungitan niya ako at kung ano-ano ang inuutos!! Hindi ko maintindihan ang ugali niya. Salas a init, sala sa lamig pero napansin kong medyo bumait na ito sa akin nitong mga nakaraang araw.

“ Ihahatid na kita..” sabi niya. Katatapos lang ng shoot dito sa Makati at wari ko’y magaalas-dose na ng gabi.

“ Wag na----” pinutol niya ang sasabihin ko. “ Wag ng matigas ang ulo” tinitigan pa niya ako. Jusko po!! Ang mga tingin niyang ganyan.

“ Wag na Tyler. Nakakahiya” pagtanggi ko. Eh gusto kong magpakipot, bakit ba??!? Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang beywang ko tsaka niya ako binuhat “ Ahhhh!!!” napatili ako ng wala sa oras. “ Ano ba Tyler!!??! Ibaba mo nga ako!!!” patuloy lang siya sa paglalakad.

“ Ano ka ba Tyler!!?! Isa!!!” sigaw ko. Napatigil ako ng marealize na nakatingin na pala ang mga tao sa amin!! Nakakahiya!!

“ Tyler!! Ano ba???!!! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh??! Ibaba mo na ako!!” ginalaw-galaw ko pa ang hita ko para makawala pero sadyang malakas si Tyler. “ Ano ba--------” naputol ang sasabihin ko. “ Shut up or else, I’ll kiss you” parang kuryenteng sumakop sa sistema ko ng narinig ang sinabi niya. Muli, bumalik sa isip ko ang nangyari ng nakaraang lingo.

“ I want to kiss you now..”

“ I want to kiss you now..”

“ I want to kiss you now..”

“ I want to kiss you now..”

 

Paulit-ulit ko itong nagrereplay sa utak ko. Nung gabi ding iyon, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sinabi niya. Ginulo na naman niya ang sistema ko sa pangalawang pagkakataon.

“ Why are you smiling???” nabalik ako sa kasalukuyan ng nagtanong siya. Kung alam mo lang, ikaw ang dahilan ng pagngiti ko. “ W-wala” pagdadahilan ko.

Pinaandar niya kaagad ang kotse pagkapasok sa loob. Habang nasa biyahe, tahimik lang kami and believe me, yung music na lang sa loob ang nagsisilbing ingay. May pailang-ilang napapatingin ako sa gawi niya. Hindi ko kasi mapigilan mapatingin sa gwapo niyang mukha. Ilang beses ko rin siyang nahuling nakatitig sa akin.

Making Love to Tyler ReidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon