Change Positions
"Faye.."
Napatuon naman ang atensyon ko sa nagsalita. Nilingon ko ang matandang ito na hanggang ngayon ay palaisipan parin sa'kin kung bakit sa alaala ko ay tinatawag ko siyang daddy.
Hindi kaya... tatay ko talaga siya?
"Y-Yes?" Natutuliro kong tanong. Wala parin ako sa sarili kakaisip kay Jash. Pati sa mga nangyari sa'kin noong naging zombie ako.
"Anak..naaalala mo ba ako?" Masuyo nitong tanong saka umupo sa tabi ko. Napakagat labi nalang ako habang nakababa ang tingin.
"A-Ahm..hindi p-po malinaw sa memories ko pero... naalala kong tinawag kitang Dad—"
Hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin nang bigla ay yakapin niya ako nang mahigpit. Nagulat ako ro'n ngunit hindi nakatakas sa pakiramdam ko ang saya na makayakap siya.
"Salamat... salamat!" Masaya niyang sigaw. "Salamat at naaalala mo pa ako kahit papa'no.." Bahagya naman siyang lumayo sa'kin at sinapo ang buo kong mukha.
"Wala parin nagbabago sa'yo, Faye. Mas lalo ka pang gumaganda kahit pa na naging zombie ka noon." Halos mangiyak-ngiyak niyang sabi. Pero natigilan ako sa huli niyang sinabi.
"A-Alam mo pong.. naging zombie ako?" Gulat kong tanong. Ngumiti lang siya sa'kin. Bumaba naman ang kamay niya para hawakan ang kamay ko.
"Sa totoo lang, bago ko lang 'yon nalaman. Noong nakita kong nakipaglaban si Jash sa mga zombies at nakita kitang kasama niya, gusto kong maiyak." Madamdamin niyang sabi. "Kasi, hindi ko man lang naprotektahan ang anak ko na naging biktima narin pala nang mapanganib na mundong 'to. Hindi kita nakita... Faye. Matagal rin kitang hinanap.." Tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Pakiramdam ko nadudurog ang puso kong makita ang Daddy ko na ganito.
"Kaya bumuo ako ng grupo para tulungan nila ako sa paghahanap sa'yo." Patuloy niya. "At 'yon na nga.. noong nasa Levin City na kami at nakamasid sa paligid, balak rin naming kuhanin ang zombie antidote na nandoon lang at pakalat-kalat. Iniipon namin ang mga 'yon, reserba para sa mga mangangailangan pero huli na pala ang zombie antidote na 'yon." Paliwanag niya pa. Napangiti naman ako. Hindi ko inakala na may tatay akong katulad niya.
"Noong kuhanin ni Jash ang zombie antidote, doon palang alam ko nang sa'yo niya 'yon gagamitin kaya hinayaan ko siya... hinayaan namin siya. At nagpapasalamat talaga ako nang sobra dahil may kaibigan kang katulad ni Jash." Ngumiti siya nang malawak sa'kin. Pero halos matulos ako sa kinauupuan dahil sa huli niyang sinabi.
"H-Ha? Kaibigan?" Natutuliro kong tanong.
Paano niya ako naging kaibigan e.. asawa niya nga ako?!
Nagtataka siya sa inaakto ko pero ngumiti lang siya saka tumango. "Mm. Kaibigan...hindi mo ba siya kaibigan?" Kunot-noo nitong tanong.
Napalunok naman ako nang wala sa oras, hindi makapagsalita. Magagalit kaya siya kapag nalaman niya ang tungkol sa'min ni Jash?
"A-Ahm..." Parang naubusan ako nang sasabihin. Sasabihin ko ba? O 'wag nalang—
"Ang ganda naman nang singsing na ito...sinong nagbigay niyan sa'yo? 'Yon bang crush mo?" Baling niya sa singsing na nakasuot sa daliri ko. Nanunukso ang ngiti niya kaya bahagya rin akong napangiti.
"Alam mo rin po 'yon?"
"Oo naman. Noon, ako palagi ang sinasabihan mo tungkol sa buhay mo. Palagi rin tayong magkasama.. malapit tayo sa isa't-isa bilang ama at anak. Hindi mo 'yon maalala dahil kapag naturukan ka nang zombie antidote, 'yong mga alaala mo noong nabubuhay ka pa bago ka maging zombie ay unti-unting babalik sa memorya mo." Paliwanag naman niya kaya napatango-tango nalang ako. Wala sa sariling napatingin ako sa singsing sa daliri ko at napangiti habang himas 'yon.

BINABASA MO ANG
MY ZOMBIE CRUSH
Avventura(SHORT STORY) Ang mapayapang mundo na biglang napalitan ng nakakagimbal na pangyayari ang nakapagpabago sa buong paligid. Na sa simpleng pagdampa ng hangin sa iyong balat ay titindig ang balahibo mo sa takot, lalo na't kasabay nito ang pagkadinig sa...