Chaper 2 : Joker

15 0 0
                                    


" Luna's POINT OF VIEW "

"Hindi ka isang Denizen o isang tao tama ba ? Anong ginagawa mo rito ?
.
.
.
.
.
.
.
.
Shinigami ?"

Sigurado na ako ngayon . Isa nga siyang shinigami . Ngunit , anong ginagawa niya rito ? Coincidence ba to ? O alam niyang papunta kami rito ? May nakasalubong rin bang shinigami ang iba ???

"Alam mo na pala ? Hihihi ." Nakakaloko ang tawa ng babaeng to . Nakakatakot . Sabayan mo pang nakakatakot rin ang tingin nito sa amin . Nanlalaki ang mga mata nito na para bang gustong gusto niya kaming patayin .

"Anong ginagawa mo rito ? Alam mo bang papunta kami rito ? O hindi sinasadya ang pagkikita nating ito ?"

Naging alerto kami ni X nang biglang parang may kinukuha ito sa likod niya .

"X ! Ilag !" Nagsummon ito ng card at in-aim samin . Nailagan namin iyon ni X .

Napatingin ako sa likod namin . Nahati nito ang isang parte ng puno .

"Kaya niyang magsummon ng matalim na cards ."

Nagpatuloy siya sa pagsummon ng cards at tinira niya ang lahat ng iyon sa amin .

"XX970-A2" Nagsummon ako ng isa sa mga special guns ko at in-aim ko rin ang babae . Ngunit napakabilis niya ! Hindi siya masundan ng tira ko . Palapit siya ng palapit sa akin habang iniiwasan ang bawat atake ko .

"Tapos ka na !" Hawak hawak niya ang card at balak niya nang isaksak sa akin iyo nang mahawakan siya ni X .

"Sinong tapos ?" - X .
"Aaaaaaahhhhhhh !" Ibinato ni X ang babae sa puno . Napakalakas ng pagkakahagis niya na naputol mismo ung puno sa lakas ng impact . Iyan ang ability ni X . Sobrang lakas ng strength niya . Kaya niyang hugutin ang isang napakalaking puno ng halos walang kahirap hirap . Napakataas din ng stamina niya . Halos lahat ng physical abilities ay naenhance niya na .

Ang ability ko naman ay magsummon ng baril . Mula pistol hanggang sa pinakamalakas ng baril . Lahat ng baril ko ay hindi nauubusan ng bala dahil una sa lahat , hindi ito gumagamit ng bala . Ang ginagamit nito ay ang aura ko mismo . Mas mataas ang will power , mas malakas ang epekto ng baril ko sa kalaban .

" X's POINT OF VIEW"

"Sino tapos ?" Inihagis ko agad yung babaeng shinigami pagkahawak ko sa ulo nito . Sobrang nilakasan ko ang pagkakahagis dahil na rin sa galit . Walang pwedeng manakit sa Luna ko ! Teka ?

"L-Luna !" Itinutok sakin ni Luna ang kaniyang baril . T-teka ? Gusto niya ba akong patayin ? Napapikit ako . Narinig kong pumutok ang baril niya .

Pero wala akong naramdamang tumama saking kung ano . Unti unti akong dumilat.

"Yung babae sa likod mo ang inasinta ko at hindi ikaw ." Kaya pala . Ang akala ko'y papatayin niya na ako. Nasa likod ko pala kanina yung babae at inasinta niya iyon . Pagtingin ko sa babae'y halos hindi na ito makilala pagkat gutay gutay na ito . Samahan mo pang hineadshot pa ni Luna kanina . Hahaha .

"Itutuloy ba natin ang papgpunta sa West o pupunta tayo kila Near para ipaalam to ?" Tanong ko kay Luna . Tingin ko'y kailangan naming puntahan ang iba naming kasama dahil baka may naencounter rin silang shinigami .

"Tutuloy tayo sa West . Tingin ko'y hindi sinasadya ang pagkikita natin at ng shinigami na iyon . At kung may maencounter man silang shinigami , sigurado akong matatalo nila iyon ." Tama siya . Lalo na si Near . Napakalakas niya at napakagaling lumaban . At ang misyon ay misyon . Kailangan iyong gawin. Kaya na siguro nila ang sarili nila . At isa pa . .
.
.
.
.
.
"Masosolo ko si Luna !" Bulong ko sa aking sarili . Napangiti tuloy ako ng wala sa oras . Kahit na nasa misyon kami , pwede ko ba itong ituring na isang date ? Hahaha .

HuntresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon