Chapter 1 : City of Gorgo (Day 1)

39 0 0
                                    

Chapter 1 : City of Gorgo (Day 1)

Naghanda na silang lahat para pumunta sa siyudad ng Gorgo . Sila ang isa sa mga pinaka kinatatakutang assassins hindi lamang sa kanilang siyudad kundi halos sa buong mundo . Ngunit hindi sila pumapatay ng ma inosente . Ineeliminate lamang nila ay yung nga deserve ang execution . Sila ay tinawag na mga Huntres.

"Kunin niyo lang ang mga gamit na sa tingin niyo'y makakatulong sa atin . Siguro'y magtatagal tayo roon ng halos tatlong araw . Kaniya kaniyang dala ." Maawtoridad sa sabi ni Near sa mga kasamahan . Siya si Near . Ang leader ng grupo . Pero kahit na ganiyan ang ugali niya , mabilis magalit , seryoso sa lahat ng bagay , alam nilang Near always care for them . Ayaw niya lang ipakita .

"Opo sir !" Siya naman si Krystal . Mabilis ring magalit . Girl Version ata ni Near . Siya ang tracker ng grupo .

Sa may lamesa ay nakaupo ang isang napakagandang babaeng violet ang buhok at nakaputi . Nakasuot siya ng glasses na bagay na bagay sa kaniya . Ang cute niyang tingnan sa itsura niyang iyon . Ang kaniyang pangalan ay Alison . Tahimik lang siya at mahilig magbasa ng libro .

Sa kabilang banda naman ay si X . Ang miyembro ng grupo na may pagka gangster . Mahilig kasi itong makipag-away.

Next naman ay si Sean . Isang playboy . Magaling rin siyang makipaglaban ngunit talo siya sa babae . Nakalaban siya noon ni Haden , isang babaeng Shinigami . Talo si Haden ngunit nang lambingin niya si Sean, nakapagtataka'y nahulog si Sean sa bitag nito . Buti na lamang at dumating sina Krystal kundi malamang ay natigok na ang binata .

--- flash forward ---

"Nandito na tayo ." Tumigil ng kaunting segundo si Near at nagsalita agad .
"Simulan na !" Hudyat na simula na ng kanilang misyon .

Ang plano ay ganito . Nakabuddy buddy system sila . Hinati nila ang Gorgo sa tatlong bahagi . Kaniya kaniya sila ng Location . Si Near at Alison , sa North side ng Gorgo . Samantalang si Sean at Krystal ay sa East . Si X at Luna naman ay sa West .

Krystal's POINT OF VIEW

Naghiwahiwalay na kami ng mga kagrupo ko at nagpunta na kami ni Sean sa East side ng Gorgo . Hindi ko alam kung anong naisip ni Near kung bakit ito pang bansot na to ang nakapartner ko eh !

Ang una naming punterya ay dito sa Yale Forest na nakalocate sa East part ng Gorgo. Malamang ay marami ritong Denizen at marami kaming Denizens na maeeliminate.

Denizens are monsters that eat humans . Kapag nagpatuloy pa sila , maaaring maubos ang lahi ng humans . Ang isang Denizen ay kumakain ng halos limang tao . Paano pa kaya ang libo libong Denizens na nakakalat sa mundo . At hindi lang Denizens ang kalaban . Nariyan rin ang mga Shinigamis na higit na mas mapanganib kung ikukumpara sa mga Denizen .

Nang makarating na ako sa Yale Forest, nagcast agad ako ng sinulid . Ginagamit ko ito para magtrack ng enemies , pero ang actual na gamit ng sinulid ko ay for battles. Kasing talim ito ng kutsilyo . Advantage pa na mahirap itong makita pagkat napakatalim nito .

Naglagay ako ng mga sinulid sa mga parte ng kagubatan . Mahusay ako sa paggawa ng mga traps gamit lamang ang aking mga sinulid . Si Sean naman ay inihanda na rin ang gamit niya . Pero medyo malayo layo ang distance niya sa akin . Parehas kaming mas nagagawa ng maayos ang misyon kung mag-isa . Pero kahit na malaki ang distansya namin , kita pa naman namin ang isa't isa .

May nasense agad ako sa paligid . Pumikit ako at pinakiramdaman ko ang mga paggalaw . Naramdaman kong tumatakbo ito .

"Isang werewolf ?" Tsk tsk . Bakit sakin ka pa lumapit ? Madali ka tuloy mamamatay . Hindi ito isang Denizen . Pero worth naman niya ang mamatay pagkat pumapatay siya ng mga inosenteng tao .

HuntresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon