Chapter 52

233 3 2
                                    

*Kezhia

Almost TWO WEEKS na ang hindi pagpapansinan namin ni Julia. Eh kasi after nung night na yun, parang galit na siya sa akin. I tried to talk to her, Hindi nga lang umepekto.. Masyadong 'nasaktan' siya daw.

Ugh. Doon na ako naiinis. Masyadong madrama.. wala naman kaming ginawang masama :P 

Hindi niya na rin pinapansin si Darryl.. Tapos nagtatampo pa siya. May ganon pa siyang nalalaman. Che.

So kamusta na ang barkada? Si Soph at Ashley, pinapabati kami. Hah. 

Hindi na sumasama sa amin si Julia sa tambayan tuwing umaga.. doon siya sumasama kina Pamela at Serene =___=.

Hindi siya lumilingon pag tinatawag ko siya, hindi siya lumalapit sa akin --- in fact, naglipat pa siya ng upuan, and hindi niya talaga ako pinapansin.

Kakainis. Eh di wag kung wag :P

Ano ba ang nangyayari sa kanya? Babalik naman ba kami sa pagkabata?

And another thing is wrong.. 

Dahil sa hindi pagpapansinan namin ni Julia.. Hindi na rin kami masyadong pinapansin ni Darryl :|

Nandito ako ngayon sa bahay kasama si Marla at Carly.. paparating na rin dito si Andie. Saturday ngayon kaya free kami.

"Simsis!" sabi sa akin ni Carly 

"Ano ba ang problema?"

"Paulit-ulit Marl?" sabi naman sa kanya ni Carly "About her and Ate Juls of course."

"Tumigil na nga kayo diyan. I'm fine, really" sagot ko.

"Kezhia, Nandito na si Andie" sabi ni yaya Rosie, pinapasok niya na rin si Andie.

"Bestfriends" sabi niya sa akin tapos tiningnan niya sina Marla "Hey"

Tumabi siya sa akin. "Sooo.. kamusta na bestfriends?"

"Ganon pa rin." sabi ko tapos tiningnan niya ako ulit.

"May problema ka, ano yun?"

So ayun, sinabi ko sa kanya. Bigla naman siya nalungkot..

"Bestfriends, ano ba ang ikinalulungkot mo? Na hindi kayo nagpapansinan ni Julia? o hindi ka pinapansin ni Darryl?"

Bestfriend ko talaga. -__- "Both" sagot ko sa kanya. "Labas lang ako.. Marla, pahiram ng bike"

Lumabas ako at kinuha ang bike ni Marla. May bike yung dalawa, ako lang ang wala :P

Hulaan niyo kung saan ako dumeretso..

Sa Park.

Hindi magulo, masaya yung paligid at nakakagaan ng pakiramdam.

Pumunta ako sa usual spot namin ng mga kapatid ko at umupo doon.

All I did was think.

Kakainis naman eh, kung kailan perfect na ang lahat, chaka pa sisirain ni Julia.

Nung bata kami, ganon rin siya. hindi niya ako pinapansin pag may dala akong laruan na mas mahal pa sa dun sa kanya. Julia talaga. *Sigh*

Naramdaman ko may tumabi sa akin.. 

Tiningnan ko..

O__o?

Una akala ko sinundan ako ni Andie..

Si Darryl pala.

Hindi niya ako tinitingnan.. yung lake lang O__o.

Hindi man lang siya naghi or anything.. multo ba tong kasama ko?

"So kamusta na kayo?" tanong niya.. still, hindi pa rin siya tumitingin sa akin pero alam ko ako yung kinakausap niya. Salamat naman at nagkausap na kami.. kahit si Julia yung topic :P

"Ayun.. hindi niya ako pinapansin. Alam mo ba yung pakiramdam na hindi ka pinapansin ng taong mahalaga sa'yo?" sagot ko naman.. patama lang sa kanya.

Tumahimik naman siya.

"Alam mo.." sabi niya.. hindi pa rin nakatingin. "..normal lang naman sa mga lalaki ang pagiging tahimik.. hindi naman kami yung type na palasalita."

Natamaan siya?

"Eh iba rin naman yun na hindi talaga namamansin." Sagot ko naman. 

"Kaming mga lalake, pag may away.. maya-maya.. tapos na.. eh kayo? kailan niyo bang balak mag-ayos?"

Tiningnan ko siya.. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. 

"Pakialam mo?" tanong ko -- in a nice way.

"Dahil ako yung dahilan." Tiningnan niya naman ako.. eye to eye.

That moment, nagtinginan lang kami.

"Sorry Kezh." sabi niya. Tiningnan ko siya at ngumiti..

"Ba't ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan."

"Pero, still. Ako yung dahilan ng pag-aaway niyo.. diba?"

Yumuko lang ako.

I badly want to ask him kung sino ang pipiliin niya sa amin pero ayaw ko kasi ang kapal naman ng fes ko pag ganon :P

Alam kong may mga tanong kami na nananatili lang sa isipan namin at ayaw pang sabihin sa isa't-isa.

Silence.

Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Darryl yung kamay ko.

Tiningnan ko siya..

Kakaiba yung tingin niya sa akin.. parang may gusto siyang sabihin. Well, ako rin naman eh.

"D-Darryl.." sabi ko

Tumingin siya sa akin. "O, Bakit?"

"Mahal mo na ba si Julia?" Yumuko naman ako pagkatapos kong tanungin. 

"Ba't mo naman naitanong..?"

"Wala.. nevermind" ngumiti na lang ako. "Ba't ka nga ba napunta dito?"

Change ko na lang yung topic baka lalo pa akong masaktan.

"Gusto ko kasing pumunta sa isang lugar na mahangin.. tahimik.. naisipan ko na dito na lang.. nakapunta na rin naman ako dito nung..."

hindi niya tinapos.

"Nung date niyo ni Julia?" malungkot kong tinapos.

"Kezh." sabi niya tapos tiningnan ko siya. Hinigpitan niya ang paghawak ng kamay ko.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.. tila parang kinakabahan ako..

"Kezh.. Mahalaga ka sa akin.. tandaan mo yun" 

Tiningnan ko naman siya. Speechless ata ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko...

"Mahalaga ka sa akin Darryl.. Alam mo naman siguro yon diba?"

Tiningnan niya ako na nakangiti.. yung mga mata niya parang may gustong sasabihin..

Ngunit..

"Wow naman. Dito rin pala kayo nagdadate"

O/////////O

Lumingon kami ni Darryl.

Bakit siya nandito?

Oo. Siya. Si Julia.

----------------------

A/N:

Ikli lang ba ng update? Sareeeh. Kasi gusto ko na ang scene nila ni Julia sa chapter 53 na... >__< Ang arte ko lang. Oh well. Heehee. Thanks for reading :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tied Together With A Smile |ON-HOLD|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon