Chapter 48

75 2 2
                                    

Kezhia's POV

It's been a week na hindi kami nag-uusap ni Darryl dahil sa nangyari sa kanila ni CJ.

Hindi naman kami galit sa isa't-isa...

Parang hindi lang kami komportable.. Nakakalungkot.. Masakit..

Pero alam ko naman na hindi kami nagtatampuhan or nag-aaway eh.. Still, Mahirap parin >.<

Feeling ko nagiging mas close siya kay Julia.. Nag-uusap.. Nagtatawanan..

Gaya namin.. Nung una. :'(

Parang hina-hammer yung puso ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Nakikita ko na masaya si Darryl kay Julia.. Yung ngiti niyang matagal ko nang hindi nakikita.. 

Naalala ko si CJ.. Langya. Masakit dahil hindi ko pinakinggan si Darryl.. Hindi ko siya pinaniwalaan.. Sinunod ko lang yung gusto ko.. nalaman ko na.. girlfriend pala ni CJ si Aya...

O__O 

ANDIE.

Ba't hindi ako sinabihan ni Andie? Alam ko na nakita niya kami ni CJ na magkasama.. Ba't hindi man lang niya sinabi ang tungkol sa kanila ni Aya at CJ??? BESTFRIEND ko siya. Kahit hindi kami nagpapansinan.. He should've told me.

Ugh. Mga importanteng tao sa buhay ko ngayon ay unti-unti nang lumalayo sa akin.. Si Darryl at si Julia, palagi nalang sila magkasama.. Si Andie...

Gusto ko na nga sana kausapin si Andie... Na pwede na kami magpansinan.. Pero hindi ako makapaniwala na naglihim siya sa akin..

Nandito ako ngayon sa Kwarto ko at nakita ko na nasa labas si Andie ng bahay. Hindi ko na pinakawalan ang pagkakataon para kausapin siya. Bumaba na ako at pinuntahan siya.

"O__O Bestfriends?" sabi niya 

"Ba't ka naglihim sa akin?" tanong ko agad at parang nagulat siya sa sinabi ko. "..Tungkol kay CJ.. Alam kong alam mo na.."

Napayuko lang siya.

"Kezh.. Sorry.." sabi niya "Hindi ko naman alam nun na nililigawan ka niya.. Tapos.. hindi naman tayo nag-uusap..."

"Hindi ka naman gumawa ng paraan upang mapaalam sa akin na si CJ yung manliligaw ni Aya.. Nakita mo na kami sa Cafe'... Ba't wala kang sinabi.. Ba't tinago mo lang?"

"Hindi ko naman kasi alam.. Akala ko.. kaibigan mo lang.. Akala ko makakaistorbo lang ako..Sorry.."

"Sana man lang nagsalita ka... Kahit hindi ka sigurado.. sana.. ipinaalam mo lang sa akin.." sabi ko "Hindi na ba tayo magkaibigan?"

Bigla niya lang ako niyakap at sinabing "sorry"..

Ewan ko ba sa sarili ko pero bigla nalang akong umiyak.. Naalala ko lang siguro yung taong sobrang mahalaga sa akin.. Yung hindi nagkulang sa pagsorry at pagtulong sa akin..Yung taong alam niya kung ano yung nararamdaman ko...

Yung taong sobrang namimiss ko na ngayon dahil hindi kami nag-uusap. :'(

"Bestfriends, Ba't ka umiiyak?" tanong ni Andie "Pinapatawad mo naman ako diba?"

Tumango lang ako...Papatawarin ko na nga 'to. Para naman mabawasan na yung mga taong malayo na sa akin..

Tumulo naman ulit yung mga luha ko..

Namimiss ko na talaga si Darryl.. Kahit anong gawin ko, siya yung naaalala ko.

Aish >.< Ang iyakin ko talaga.

Tied Together With A Smile |ON-HOLD|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon