Chapter 47 2/2

99 3 9
                                    

A/N : Dedicated to ALL :{ )

----------------

~ Darryl ~

Ba't umabot pa sa ganito ang lahat? Dati, Kapag nagkamali ako, magsosorry lang ako-- kahit nagtatampo parin siya --- pinapatawad niya ako. Siguro, nag-iba talaga nung tinulak ko siya...

Grabe.. May halong galit yung inis niya.. Parang may tinatago niya siya diyan.. Deep inside of herself. At ako naman, Dahil nagulat ako, nasaktan at nainis, nagsimula naman kaming mag-away.. Then nagtampuhan.. Pinairal yung pride.. Naalala ang mga ginawa namin dati at pano bigla nalang nag-iba...

Baka nasaktan siya dahil sa mga kilos ko minsan.. Minsan kasi.. Pinapakita ko ang pagkagusto ko kay Julia.. yun siguro yung dahilan kung bakit siya nag-eemote (sabi ni Carly kasi nag-eemote si Kezhia palagi). Minsan kasi, naalala ko sila ni CJ and minsan pumapasok lang sa isipan ko na hindi nakikinig sa akin si Kezhia kaya naiinis ako. Si Julia siguro.. Crush ko lang.. HIndi ko naman sinasadya minsan na ipahalata yan >.<

But still, ba't kailangan pang umabot sa ganito? Naisip ko tuloy na parang mga bata kaming nagtatampuhan over some silly stuff. Ba't hindi ako nagsorry sa kanya tulad ng dati? Yung medjo sweet na nakakaasar ^__^ tapos alam ko namang papatawarin niya ako.. Ba't hindi ko yun ginawa? Ba't ba ako humingi ng favor kay Pamela na sabihan si Kezhia na nanliligaw ako kay Julia.. Sumasakit lang siguro yung ulo ko nung ginawa ko yun..

So ngayon.. Nagsisisi na ako. Lumala na yung sitwasyon.

But I'll make it up to her. Sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko...

Mahal ko siya.. hindi ko lang maamin sa sarili ko yun dati kasi yung utak ko, sinasabing si Julia eh kahit parang hindi naman. Si Kezhia yung mahal ko. Teka.. Baka isipin ni Julia na pinaasa ko lang siya kapag nagtapat ako kay Kezhia.. Nah. I'm sure she'll understand and I'll do something.

Ba't ko pa kasi pinipilit gustuhin si Julia.. Ayan tuloy.. nasaktan si Kezhia at dahil diyan, madali na siyang maggalit dahil sa sakit na dinadala niya. At dinagdagan ko pa.

Don't worry, gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanya.

* * *

MALL: 10:50

Nandito ngayon ako sa Cafe' namin. .Hinihintay sina Carly..plano ko kasing surpresahin si Kezhia sabay sorry sa kanya. Eto yung plan namin ni Carly: Hindi muna ako magpapakita sa kanila. Oorder lang si Carly ng isang Cake----- at ang cake na yun ay may nakasulat na "I'm sorry..." at kung ano pa. Then maya-maya.. Lalapitan ko siya at hihingi ng sorry ^___^ I'm sure it will be okay because narealize kong hindi nagbago si Kezhia, she's still the same.

Maya-maya nakita ko na si Carly na parang dinidistract pa yung ate niya.. Umupo ako sa may dulo at nagkunwaring bumabasa lang ng dyaryo para hindi mahalata >.<

Maya-maya, nag-order na si Carly ng Cake at tiningnan niya ako ( Nakikita ako ni Carly kasi sa akin siya nakaharap... Si Kezhia naman nakatalikod ).

Tiningnan ko si Manong waiter at tumango lang ito.. Maya-maya.. dala na niya yung cake na pinagawa ko.. Chocolate cake na may "I'm sorry. I need you.". Then sinenyasan na ako ni Carly at agad naman akong lumapit... Sa likod ni Kezhia at sinabing..

"I need you. Please, patawarin mo na ako Kezh.." sabi ko

Lumingon siya at nakita kong tumutulo na yung mga luha niya at agad ko naman itong pinunasan.

Pero mas ikinagulat ko ang sinabi niya..

"Tama na Darryl.. Pagod na pagod na ako." sabi niya

Tied Together With A Smile |ON-HOLD|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon