Chapter 50

110 3 2
                                        

A/N : I dedicate this Chapter to @ImCrazyJustLikeYouuu -- Thanks sa pagsupporta sa story ko at salamat dahil naiinspire ako lalo :*

-----------------------------

Kezhia's POV

This is it ^___^.

Gumising talaga ako ng maaga para lang ihanda ang ibibigay ko kay Darryl. 

*Sigh*

Sana magustuhan niya at sana magkabati na kami.

Kinuha ko yung Card na ginawa ko para sa kanya. Napangiti ako. Ginawa ko talaga 'to with love ^__^. 

Sa front may nakalagay na " THANK YOU, DARRYL" gamit yung mga pinamili naming stickers (na letters, of course >.<) 

Tapos nasaloob na yung sinulat ko :D

T^T Kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit. 

Nagbihis na ako: light blue dress and silver dollshoes. Simple lang naman ^__^

Nandito na ako sa school. Iniwan ko lang yung isa kong gift kay Darryl sa kotse --- mamaya ko lang ibibigay sa kanya.. private kasi eh ^__~ heheheee. Anyway, saka lang aalis si Manong Johnny pag nabigay ko na kay Darryl (mga after the party na siguro. Hindi naman mababagot si Manong sa kakahintay dahil pwede naman siyang tumambay sa mga kainan sa harap ng school namin kaya no probs). Tapos hindi naman naman siguro magpapahatid after ng party kasi baka may lakad kami ng fuh-riends ko :)

Dun muna ako dumeretso sa every morning tambayan namin ng friends ko.

Nandoon na silang tatlo. Si Ashley, naka-orange. Si Julia naka-violet at si Sophie naman, black w/ pink and white polkadots.. Nakadress kaming lahat ^__^.

"Kezhhiaa!" tinawag ako ni Sophie. 

Lumapit naman ako agad at umupo.

"Guess what?" sabi ni Julia

"What?" tanong ko

"Walang class mamayang hapon ^__^" sagot naman ni Ash.

"Really? so anong plano?" tanong ko. Baka kasi magmamall naman kami mamaya or whatever.

"Ewan nga eh.. Magmamall tayo?" tanong ni Ash

"Sige.. Tanungin na natin iba nating classmates" sabi naman ni Juls.

I hope na by that time, bati na kami ni Darryl.

Darryl's POV

Pinark ko na yung kotse ko pagdating ko sa school. Iniwan ko lang ang isa kong gift kay Kezhia kasi gusto kong sorpresahin siya. Basta.. marami akong surprise sa kanya. Araw-araw, isusurprise ko siya. Antagal kaya naming hindi nag-uusap.. Siya pa nga yung unang kaibigan ko dito. Magaan na kasi yung loob ko sa kanya noon pa. Parang bestfriends nga at magkapatid yung turingan namin eh.. Palaging nagkukulitan, nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Isang tingin niya lang, alam ko na kung ano ang ibig sabihin.. Parang nagclose kasi kami agad.. Pano ba, first day ko palang, may kasalanan na ako sa kanya. hahaha.. tapos siya pa yung unang babaeng dinala ko sa bahay.

~___~ 

I've missed her. 

Babawi talaga ako. Promise yun.

Pumasok na ako sa room. Wala namang nagbago sa classroom namin. Walang mga designs o kung ano man maliban lang sa mga guhit at messages sa blackboard. At yung armchairs pala namin, nilipat sa sides para malaki yung space sa gitna kung saan naroon ang isang table na lalagyan ng gifts.

Tied Together With A Smile |ON-HOLD|Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon