Chapter 1

108 0 0
                                    

[Joyce’s POV]

            Sabado ngayon. Alam nang ginagawa ko kapag ganitong araw. Puwes, iyong nasa isip mo, mali ‘yan. Akala niyo siguro tanghali ako magising ‘tapos ‘yung tipong magpapakasasa rin sa TV o sa Internet. Dahil tinaya ko ang apat na taon ko sa kolehiyo, kakambal na rin n’yan ang pagsasakripisyo ng mga sabado ko sa isang taon. NSTP namin. Eto yung sinasabi nilang pasakit sa buhay ng isang first year college student.

            Oo nga pala, Joyce pangalan ko. Isang MassCom student ng isang university dito sa Pinas na tingin ng lahat e, walang ginagawa kundi mag-aral ng mag-aral. Actually di naman. Actually, cramming nga pinapairal dito e. Oo, MassCom ang course ko, boses ko lang ang maganda, kaya nga ‘yan ang kurso ko at hindi Tourism. Ayoko rin ng Math kaya special thanks rin at may kurso na one degree lower ang Math. Di ko naman masasabi na mayaman kami. Mama ko, radio anchor sa DZJK. Oo, siya ‘yung paboritong DJ ng mga nakatambay sa tindahan ni Aling Petra. Papa ko naman, instructor sa College of Engineering sa school naming. Ewan ko na kung bakit di ako namanahan ng Papa ko ng kanyang kagalingan sa Math.

            Okay, balik tayo sa present.

            Ako ang group leader ng NSTP naming sa pagpunta naming sa isang barangay kaya halos lahat ng responsibilidad, nasa akin Good luck naman dun!

            After 2 hours, natapos na naming ang work At after syempre, pagod at gutom ang inabot ng grupo naming. “Girl, lunch tayo sa Mall!” sabi ng groupmate ko na close friend ko rin kasi blockmate ko siya. E grabe kaya ako kapag nagutom, kulang na lang e, manglamon ako ng tao. Sabay sakay na rin kami sa jeep papuntang Mall. Yung iba, umuwi na rin kasi napapagod daw sila. Actually, kami lang ng blockmate ko ang pumunta at kumain nang sabay.

YES, MAYBE WE'RE DESTINED (Ongoing book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon