Chapter 5

74 0 0
                                    

[Jeremy’s POV]

            “Thanks guys for that wonderful crowd. #EpicMallShow”

            Tinweet ko siya pagdating ko sa bahay dahil sa overwhelming factor na naramdaman ko.

            Siguro flood na naman ang mentions at interactions ko. Inisa-isa ko lahat nang ...

            “This is a wonderful day for me. I met @pascualJJ for the first time. Sayang lang di sulit kasi si friend. #JeremyPascual #EpicMallShow”

            Seems suspicious! Si @AriaVlsco ‘yung kasama ni random girl. Per saying, di niya tinag si Random Girl sa tweet. Finallow back ko na lang si @AriaVlsco na Aria Velasco pala ang name. Siguro kinikilig na naman ‘yun.

            Kinalkal ko ang profile niya per wala talaga.  Di ko rin talagang nakikilala si Random Girl. Ilologout ko na sana ang twitter account nang mapansin ko na may facebook link siya sa profile ni Aria.

            Badass! Private account siya. I have to add her :l Lightbulb! Meron nga pala akong account FB account na di ko masyadong ginagamit. Binuksan ko ang account na ‘yun at inadd siya. I wait and wait pero di pa rin niya inaaccept ang friend request ko :/

[Joyce’s POV]

Kung inaakala mo

Na ang pag-ibig ko’y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit di mo na ako marinig

Ikaw pa rin ang buhay ko

“Ate, i-volume down mo nga ‘yung stereo!” sabi k okay Ate Jessie, kapatid ko. Ang senti senti kasi ng music.

“Hoy Joyce! Huwag kang bitter d’yan! Ni di nga kita dyan pinapakialam dyan e!”

“Tss.”

Naggagawa ako ng accomplishment report tapos ganyan ang mga naririnig ko. Lightbulb! Kinuha ko yung headphones ko sabay salpak sa laptop.

I’m going back to the corner

Where I first saw you

Gonna camping my sleeping bag

I’m not gonna move

            Shet! Senti rin si Danny O’Donoghue! Alex Gaskarth, save me!

            Yeah, I got your picture

            I’m coming with you

            Dear Maria, count me in

            Oh la la! I really love this musical genre!

            1 Message Received ...

            Lloyd: Naupload ko na ang mga pics, girl! Keribells mo ‘yang accom report! Go leader!

            Tss. Nakakaynes ang text ni Lloyd. Maloka-loka na ako sa report na ‘to.

Me: San mo inupload?

1 Message Received ...

Lloyd: Bakla ka! Sa photo album ng lola mo, testing mo! Malamang sa FB!

Me: Tss. -.-

Bakla talaga ‘tong si Lloyd! Haha.

Aftter two hours, natapos ko na ang accom report, documentation na lang. Let’s do this, FB!

Hinanap ko aang mga pictures na inupload ni Bakla para matapos na ‘to. Okay lang naman na kahit 10 pics lang. So, madali na lang ‘to.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nag-open ako ng incognito window at binuksan ko ang FB Account ni Aria. Ewan ko ba dun, ex-CompSci student siya pero di alam ang essence ng password.

Oy, andaming friend requests ang bruhilda. Grabe, dib a ‘to nag-oopen?

Inisa-isa ko ang friend requests.

“Unico Sistobrillantes.” Hahahahaha! Kacool ng name! Accept! Hahaha.

Before ko ilog-out, napost ako ng kabalbalan sa profile niya.

“Tiredom ang beauty ko. Kaya saludo ako kay Joyce Mendiola. IDOL!”

Hahaha. The funny me!

YES, MAYBE WE'RE DESTINED (Ongoing book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon