Habang kumakain sa foodcourt, nagkabackground music ang Mall na siyang buumulabog sa buong building.
Nasa Iyo na ang Lahat
Minamahal kita ‘pagkat
Nasa Iyo na ang Lahat
Pati ang puso ko
Nasa Iyo na ang Lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa iyo na ang lahat
Pati ang puso ko
“Uy girl, may mall show pala ngayon! May artista!”
“Ha? Sino naman? Si Daniel Padilla?” sabi ko.
“Ewan ko lang. Pero parang. Kanta niya ang pinapatugtog e.”
“Tingnan na lang natin pagbaba natin. Kain muna tayo.”
“Oh sure.”
Pagkatapos naming kumain, bumaba muna kami para silipin ang Activity Area.
“Ay teka Joyce, CR muna ako,” sabi ni Aria.
“Sige, tingnan ko muna ang backdrop ng stage sa Activity Area, susunod na lang ako sa CR,” sabi ko.
“Sure.”
Tiningnan ko ang Activity Area.
Jeremy Pascual? Ha? Sino siya? May artista palang Jeremy Pascual? -.- Okay. Di ko siya kilala. Iuwi ko na lang siguro ‘to. Pumunta na ako ng CR para yayain umuwwi si Aria.
“Aria! Uwi na tayo.”
“Teka, teka!”
Lumabas siya ng cubicle at kinausap ako.
“Teka girl, di ba tayo manunuod nung mall show?” sabi ni Aria sa akin.
“Ses. Di naman kilala ang artista. Itutulog ko na lang ‘yan. Jeremy Pascual daw. Sino siya? Haha,” sabi ko.
“Damn you girl! You don’t know him? Better kill yourself right now. He’s so cute kaya! Siya kaya ‘yung sa palabas sa ABS-CBN bago mag balita.”
“Ses. Di naman siguro magiging worth ang show na ‘to.”
“Please Joyce, please!”
“Oo na. Oo na. Basta alam mo na kapalit nito.”
“Opo madam, din a ako malalate sa NSTP.”
“Buti alam mo.”
Inantay naming ‘yung Jeremy Pascual na ‘yun para kay Aria. Kung di ko lang firend ‘to e, iniwanan ko na siguro ‘to dito.
After ilang oras, lumabas na ‘yung event host sabay sigaw at tili ng mga tao including Aria. Nasa isip ko , grabe naman ‘tong mga tao na ‘to. Di pa nga nalabas ‘yung Jeremy, grabe na makatili, pa’no pa kaya mamaya? Tss.
“Handa na ba kayo mameet ng personal si Jeremy Pascual?” hiyaw ng event host sabay ng malakas na response ng tao. “Please welcome Jeremy Pascual!”
Lumabas na ‘yung artista. As expected, 400% ang volume increase ng mga tao. Infairness cute siya, pero kahit na. I think he does not deserve to treat him like this. Kung iaanalyze natin, tao lang din naman siya, di ba?
Good morning and good night
I wake up in twilight
It’s gonna be alright
We don’t even have to try
It’s always a good time
Ayun, kumanta na ang artista. Kamusta naman ang lip sync, kuya? Haha.
After ng nakakapesteng lip sync act ng Jeremy Pascual na ‘yun, nagyaya na akong umuwi. Mas lalo pa ang inantok sa kanta niya.
“Teka friend! Mamimigay pa siya ng freebies!” sabi ni Aria.
“Tss. Aanhin mo rin naman ‘yan? Tara na!” sinagot ko siya.
Hinila ko siya pasakay ng escalator nang biglang tumili si Aria.
“OMG! Jeremy smiled and winked at me! OMG!” ani Aria.
“Ses. Banlag kasi si Jeremy,” sambit ko naman.
Kumunot ang ulo ni Aria sabay simangot. Kaya siya na mismo ang nagyaya umuwi. Da best emotera talaga si Aria.