Chapter 14

489 32 16
                                    

Chapter 14

Adi's POV

Days passed and everything went back to normal. Nakalabas na ng ospital sina kris at ryle nung gabing yun din mismo. Naging busy narin kami dahil malapit na yung exam namin at kailangan muna namin magfocus doon.

"Hey"

Nag angat ako ng tingin sa taong nagsalita sa harap ko. Nasa library ako ngayon para makapag aral ng tahimik dahil sobrang gulo nila sa classroom at di ako makapagfocus doon, sasamahan pa sana ako ng dalawang itlog kanina pero tumanggi ako dahil mas hindi lang ako makakapag focus sa gulo nila.

"Pwedeng makiupo?" Simoun asked before putting down his books.

Nagkibit balikat lang ako at binalik na ulit sa libro ang atensyon ko.

Hindi na siya kumibo at naging busy narin sa pagbabasa. Ilang minutong tahimik bago ulit siya nagsalita.

"Magkaibagan kayo ni Ivan?" Tanong niya na umagaw sa atensyon ko. Nakatitig lang ako ngayon sa kan'ya, hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

Ngumiti naman siya bago isarado ang libro na binabasa niya kanina. "I was just asking, nakikita ko kasi kayo na laging magkasama"

Tumango tango nalang ako bilang sagot at binalik na ang tingin sa libro na binabasa ko.

"Regulus, Leo's brightest star" maya maya ay sabi niya na umagaw sa atensyon ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Takang tinignan ko siya at nakangiting pinakita naman niya sa'kin ang libro na binabasa niya.

"It is composed of 4 stars and organized into two pairs" dagdag pa niya na mas nagpakunot ng noo ko.

"Why?" Takang tanong niya dahil hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Ano ba ang gusto niyang iparating? Magulo na nga ang utak ko, mas ginugulo pa niya.

"Do you wanna drink coffee outside?" I asked, not minding his confused face.

"Are you asking me for a date?"

"Nope, just asking you if you want some coz I'm going"

"I'll be glad but I'm not into coffee, tea will be fine" nakangiting sagot niya at nauna ng tumayo para ibalik ang libro na hiniram niya.

Hindi muna ako tumayo at pinagmasdan lang siya mula rito sa pwesto ko.

"Dj" wala sa sariling tawag ko sa kanya at saktong lumingon naman siya. Mahina lang ang pagkakabanggit ko sa pangalan ni Dj kaya alam kong nagkataon lang ang paglingon niya at hindi niya ako narinig.

"Let's go" nakangiting tawag niya sa'kin kaya tumayo na rin ako.

Pumunta kami sa pinakamalapit na coffee shop mula rito. Kanina ko pa gustong magkape dahil puyat din ako kagabi sa pagre-review.

"Thanks" aniya bago uminom sa milktea niya.

"Bakit ayaw mo sa kape?" I asked

Binitawan na muna niya ang hawak niya bago niya sagutin ang tanong ko

"I just don't like the taste" sagot niya na para bang nandidiri pa bago natawa ng mahina.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa sagot niya. Is it possible for someone who looks the same and also have the same taste bud?

"Are you okay, Selene?" Tanong niya ng siguro mapansin na tahimik lang ako.

"I also know someone who really hates coffee"

Scarlet TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon