Story 1: Mr. Library
Anong magagawa mo sa library?
Chismis?
Pabulong
Kumain?
Patago
Kumanta?
Sa sarili mo
Sumayaw?
Basta you don't disturb anyone.
Maglaro?
Kung kasintahimik ng chess, pwede...
Matulog?
Pwedeng-pwede
Sana nga may unan at banig na rin eh,...
Hayy..
Napatingin ako sa paligid ko...
Nag-aaral
Nagbabasa
Gumagawa ng Project
Nag-reresearch
Nagsusulat
Ba't ang boring ng mga tao rito?
Hayyy...
I really find the library, SO BORING...
Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nandito sa library, kahit ganito ko ka hate dito. Obvious naman sa description ko di'ba?
Paano ba naman, may isang paboritong bagay ako na ginagawa dito sa library...
Sightseeing...
Siyempre mga gwapo, matalino at hot guys ng campus. Idagdag mo na roon ang ultimate crush ko. Si Gabriel Cruz. Narito kasi siya palagi, eh.. Palagi ko siya nakikita rito every 1:30-2:30pm same time sa break ko.Minsan 5:30pm nakita ko rin siya rito.
Ako na ang stalker. Ako na ang babaeng palaging nasa library pero hindi ito love kundi ang taong nakikita ko palagi rito.
Paano ko siya na meet?
Kakasimula lang ng second semester noon at hinihintay ko ang bestfriend ko. May pinagawa kasi akong assignment sa kanya. Ang sama ko ba?
Na-bored ako noon sa paghihintay.
>FLASHBACK<
Ang tagal-tagal ng bestfriend ko. 15 minutes na akong naghihintay rito. Sabi niya parating na siya pero wala pa rin. Hayyyy...
Isinubsob ko ang ulo sa libro sa harap ko.
Hindi akin 'yan ha!
Nariyan na 'yan kanina pa.
"Miss?"
Inangat ko ang ulo ko. Grabe kakahiga ko lang may istorbo na agad?
Tiningnan ko ang nasa harap ko.
Lalaki.
Ang cute niya.
"Gagamitin mo ba ang book na 'yan?" tanong niya sabay turo sa book na hinigaan ko. "Hihiramin ko sana, kung ok lang?"
"Hindi ko gagamitin." sabi ko sabay ngiti at binigay sa kanya. Nagpa-cute lang? hahhah.. Akala ko ba badtrip ako sa panira BORING moment ko? Hayyy, mahirap talagang makakita ng gwapo, lumalabas ang kalandian ko.
BINABASA MO ANG
Library Love Stories (one-shot collection)
Teen FictionNapakatahimik na lugar. Napakaraming librong mahahanap. Puno ng mga taong nag-aaral. Iyan ang library. Pero sa tahimik ng lugar na ito, maaari kayang matotong mag-ingay si puso? Pwede mo rin bang mahanap dito ang mga nawawalang pahina ng buhay mo...