Chatbook

386 17 0
                                    

Story 3: Chatbook

"Sa dinami-dami ng mga libro sa library, posible bang isang libro lang ang palagi mong binabalik-balikan?"

Noon kung anong libro lang ang kailangan ko, iyon ang ginagamit ko.

Pero simula ng araw na iyon may isang libro na hindi nawawala sa lamesa ko tuwing nasa library ako. Oo noong araw na iyon, exactly a month ago...

>flashback<

"Human resource management..."

Hmmm...

Kinuha ko ang libro isang dark blue hardbound book sa shelf at binuksan iyon..

Table of Contents...

Functions of HRM...

Gotcha!

Salamat naman at may nakita agad ako,...  :D

Assigment kasi namin. Dapat daw mag-borrow ng book sa library at sasagot ang questions na binigay ni miss.

Hiniram ko ang book at naghanap ng upuan. Plano ko kasing gawin ito ngayon mismo para maiwan ko na rin ito mamaya sa locker. Mabigat kasing dalhin pa sa bahay.

Tinungo ko ang dulong bahagi ng library iyong malapit sa bintana at umupo sa bakanteng upuang nakita ko. :)

...

...

...

Tapos na!

Yehey!

Halos 30 minutes din ako ha!

Sinara ko na ang book at nag-stretch.

Ahhh!!

Nakakapagod din iyon...

Hm?

Napatingin ako sa libro at napansin kong may papel na parang naka-bookmark sa last page ng book na iyon.

Kinuha ko iyon . I think parang half ng short bond paper ang size nito.

and I opened it...

 Hello... God bless sa studies.

Wow... Sino kaya ito?

Sumulat din ako:

Thank you

Tapos finold ko ulit at inipit sa last page.

Binalik  ko siya pagka-next day...

...pero dahil may nakalimutan ako, binalikan ko ulit iyon pagkahapon. 

At naroon pa rin ang papel at nadagdagan ang nakasulat.

I'm Xander. Nice to meet you.

Xander? Cute name.

Nag-reply ulit ako. 

Jane. Same to you.

Pero siyempre hindi ang real name ko ang sinulat ko no. Alangan naman sabihin kong 'Hi! I'm Cassandra Jane Santos. Nice to meet you. Stanger pa rin kaya ito kahit paano..

>end of flashback<

At nagpatuloy pa iyon hanggang ngayon. Parang ginawa namin chatbox ang libro. Ewan ko ba kung bakit hindi nawawala ang papel na iyon. O di kaya'y may ibang nakakita. Ewan.

Yes, it was on 22nd day of January nang mabuksan ko iyon.

Binuksan ko ulit ang naka-fold na papel at binasa ang buong usapan namin this past two weeks.

Library Love Stories (one-shot collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon