Alarm

400 21 13
                                    

This is dedicated to her (supersimple)..

Thank you for reading Library Love Stories and voting for it. I really appreciate it. Thank you.

Story 4: Alarm 

Yawn!!

Hayy.. Wala ang teacher namin sa Statistics. Nakakainis naman. 11:30 pa lang 1:30 pa next class ko. Nakakain na ako ng lunch at narito ako ngayon sa library kasi.. Wala lang.. Wala akong mapuntahan, eh. Absent kasi ang bestfriend ko.

Alone.

Ano kaya ang magandang gawin?Siguro, matutulog muna ako.

Zzzz...

Zzz...

Zzzz...

Zzz...

(Rooster Alarm sound)

Hmm, Teka.. May manok ba sa school. Siguro. 

Teka! Bakit parang ang lakas?

OMG!!

Bigla akong napabangon at hinanap ang phone ko.

Yeah! That is my alarm. 

My gosh! Nakatingin na ang lahat sa akin.

"Excuse me, can you turn that off?" sabi ng librarian. Galit na siya. OMG. 

Mas lumakas ang tunog. Nanginginig kasi ako, hindi ko siya ma-off. Nalimutan ko kung ano ang pipindutin.

"Miss!"

"Yes, wait lang po. "

Turn alarm off. 

Good. 

Napagod ako doon. 

Tumayo agad ako dala ang bag ko.

Shocks! Nakakahiya. Nakatingin lahat sa akin. 

Sana walang nakakilala sa akin. Nakahiya sobra.

================

Sa classroom...

Nakahiga ako sa armchair ko. Shocks. Nakakahiya iyong kanina. Nalimutan ko kasi na everyday ang alarm ko at kahapon na adjust ko iyon ng ganoong oras. Shocks! Sobrang nakakahiya!

May pumasok na student at pumunta sa gitna. "Excuse me everyone, Mrs. Cruz is not feeling well today. She just left a library work for you. By pair. Please pass before the time."

Ok.

Seatwork by pair?

Wala akong pair!

Wala kasi bestfriend ko kaya wala akong pair. 

"Excuse me," sabi ng isang lalaki. Hindi basta lalaki. Si Terrence. Ang crush ko. 

"Bakit?"

"May pair ka na?"

Umiling ako.

"Ako rin eh. Tayo na lang."

Tumango ako.

Nasa heaven na yata ako. 

=============

Papunta na kami sa library. Bigla siyang lumapit sa akin. OMG! Anong gagawin niya?

Lumapit siya sa tainga ko. "Na-off mo na ba ang alarm mo?"

"O-" What? Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya. OMG! Ang gwapo niya, pati ngiti niya. Pero-- Ang alarm ko? 

Library Love Stories (one-shot collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon