CHAPTER SIX

26 4 0
                                    

LITERAL na kanina ko pang tinititigan ang panyo sa kamay ko simula ng makarating ako dito sa condo ko, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko hanggang ngayon! Lalo na at tinanong pa ni Ro kung saan daw galing yung panyo na nasa kamay ko! But because I don’t want him to know the truth eh inirapan ko na lang at sinabi wala syang pakialam, pero ang loko tinawanan lang ako

Nang wala din naman akong maisip na magiging reaksyon ko eh pumunta na lang ako sa kusina para magluto ng lunch ko, hindi naman ako makagala dahil wala na dito si Cloudeth at wala ding time si Ryne kaya mas magandang magtigil na lang ako dito sa condo

Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang maisip si Timothy, alam kong mahal nya si Ryne pero bakit parang hindi ko parin matanggap ang totoo? Lahat ng plano ko ay masasaktan si Ryne pero masyado kong mahal si Timothy para isipin ang magiging consequences ng lahat ng gagawin ko. Ayaw kong maging masama pero dahil sa lintik na pag-ibig na ‘to eh parang nangyayari na

Ayaw kong masaktan si Ryne but ayaw ko din naman na mawala si Timothy sakin, he’s my first boyfriend and I promise to myself that he will be my last, pero paano kung may iba na sya at pinsan ko pa?

Mariin kong ipinilig ang ulo ko saka nagfocus na lang muli sa pagluluto. Habang hinihintay kong lumambot ang karne ay tiningnan ko muna ang instagram ko saka nagscroll scroll, pero agad din akong natigilan ng makita ang two hours ago lang na post ni JD. Nakasuot sya ng uniform ng waiter habang nakasandal sa railing ng resto, nakatingin ito sa camera while grinning at naka peace sign

@jeydeeelookas
O_OV I’m happy because I saw her again LOL XD
>>>>Insert photo<<<<<

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya pero parang feel ako yun, o assuming lang talaga ako? Tsk…

Hindi ba nya alam dahil sa pacomment comment at like nya sa mga post ko eh talagang nagulo nya ang buhay ko? Tsk, hanggang sa university namin ay kilala sya at ako ang pinagdiskitahan, tinatanong kung kami daw o nanliligaw sakin, o kilala daw ako

Sobrang dami ng mga nagtatanong sakin at kahit si Ro ay nagtatanong tungkol dun lalo na at kilala nya daw din ang lalaking yun, hindi na ako nagme-message sa kanya dahil baka lalo lang lumaki ang sinasabi nilang “fandom” namin, na ni-ship na kami

Ito ang ayaw ko na mapalapit sa isang sikat, masyadong malawak ang buhay nila, pati privacy nila ay nawawala na din, tapos nadamay pa ako edi pati privacy ko nawala na din! Ang daming mga picture ko na lumalabas ngayon, habang nasa university ako at kung saan saan pa kaya lalo lang nagulo talaga!

Kahit mga batang prof ko eh tinatanong ako tungkol sa kanya eh wala din naman akong alam sa kanya! Nakakainis lang! Eh syempre kahit mga kuya ko nagtanong tungkol sa lalaking yun pero sabi ko nakiki-comment lang din naman yun

Nang maluto ang lunch na ginawa ko ay kumain na din ako, napadako muli ang paningin ko sa panyo na nasa kamay ko parin

Hindi ko man lang naramdaman na may sugat pala ako

Napabuntong hininga ako saka kumain muli, ibabalik ko na lang sa kanya kapag nagkita kami? Tsk. Nang matapos ay dun ko na-feel na nakakabored talaga dito sa loob.

I decided to open my insta and chat this JD guy

Typing…

Putek! Anong sasabihin ko? Online din ang lalaki!

Hey, mister handkerchief!
Wala akong masabi eh! Wala pang ilang minuto ay nagreply ito!

Yes miss bawi?

Midnight Memories: Our Boundless Trial Love (Memories Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon