CHAPTER TEN

27 2 0
                                    

Congratulations to Batch 2021-2022!” Napangiti ako sa masayang anunsyo mula stage, nakangiti akong sinalubong ng ma kaklase ko

“Oh my! Congrats to us!!” Nakangising saad ni Antonio saka niyakap pa kami isa isa

“Ms. Summa Cum Laude!” Angelica greeted me, I laughed and shook my head

“Hay naku Ms. Magna Cum Laude” parehas na kaming natawa, we took some picture bago kami lumapit sa aming pamilya

“Naku! Tapos na nga din naman ang anak namin!” masayang bati sakin ni Daddy kaya masaya ko syang niyakap

“Congrats sa aming bunso!” masayang bati ni kuya Jace, niyakap din niya ako

“Salamat kuya” nakangiti kong saad, natawa pa ako ng malakas ng lumapit samin ang mga kaibigan ko at nagmano pa sa mga magulang ko, kahit mga kaibigan kong lalaki ay kinikindatan ako pagkakatapos na magmano sa magulang ko

“Eh si Cairro? Talagang hindi umuwi?” saad ni Mommy habang palabas kami ng lugar, umiling ako saka ngumiti

“Marami daw pinapagawa sa kanya sa States, pero umattend naman sya kanina via Live” tumango sila, nang malaman nila ang biglaang paglipat ni Ro sa State ay nalungkot sila dahil patapos na din naman daw si Ro eh pinalipat pa

“Aria!” napalingon ako ng may tumawag sakin at agad akong napangiti ng makita si Cloudeth na palapit sakin habang may dalang isang paper bag

“Clou!” niyakap nya ako ng mahigpit kaya natawa ako

“Congrats! Grabe! Magiging abogado ka na!” parehas kaming natawa sa sinabi nya

“Wala si Miaryne?” tila agad akong nakonsensya dahil sa aking tinanong, alam ko kung bakit wala sya pero bakit ba nagtanong pa ako?

“Alam mo ang nangyari sa kanyang nung isang araw, I didn’t expect na yung jowa ni Miaryne ay ex mo! Bakit di mo agad sinabi kay Miaryne?” napayuko ako sa sinabi nya dahil kahit ako ay walang makuhang isasagot sa kanya

“By the way, umuwi sya kahapon lang. Alam mo naman siguro kung anong nangyari sa lola nya diba? Kahit ako ay uuwi na din ngayong hapon. Pinapauwi ako ni kuya Cyan eh” tumango ako sa paliwanag nya, biglang binalot ng konsensya ang isip ko, kung hindi ko ba itinuloy ang plano ko nung graduation ni Miaryne eh mangyayari iyon? Napaka selfish ko sa ginawa ko pero wala na din naman akong makitang paraan sa lahat ng gusto kong mangyari

“Baka umuwi na din kami bukas nila mommy pra makiramay kay Miaryne” napuno ng lungkot ang paligid namin dahil sa nangyari, gusto ding umuwi ni Bea galing America pero may pasok na sila kaya naman sobrang lungkot nito

“Kung ganun ay hindi pala kita makakasabay?” tumango ako saka pilit na ngumiti, malungkot ang mata nito dahil sa nangyari gn biglaan sa Lola ni Miaryne pero wala na din naman kaming magagawa

Nang makaalapit muli kami sa pwesto ng pamilya ko ay bumalik din ang sigla ni Cloudeth, nabanggit din nito ang pag-uwi niya dahil kay Miaryne, nasabi din ng magulang ko na uuwi nga kami bukas para makiramay. Hindi na din nagtagal si Cloudeth dahil sa byahe nya pauwi

“Sana lang ay hindi nahihirapan ng sobra si Miaryne ngayon, bukod sa nangyari sa lola nya, pero dahil din sa nangyari sa kanila ni Timothy” natahimik ako sa biglang sinabi ni Cloudeth, naglalakad kami patungo sa bus station dahil pauwi na din sa Lipa si Cloudeth

Hindi naman ako umimik sa sinabi nya, tahimik lang namin hinintay ang bus, pero agad akong napatingin sa kanya ng tawagin nya ako

“Aria” napatingin ako sa kanya, malungkot ang mata nito ngunit seryoso ang tingin sakin kaya nakaramdam ako ng kaunting takot

Midnight Memories: Our Boundless Trial Love (Memories Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon