EPILOGUE

155 2 4
                                    

“NATAPOS mo na ba?” tanong ko kay Joy nang makarating ako sa labas ng court. Nakita ko siyang may hawak na papel sa kaliwang kamay at sa kanan naman ay pulang ballpen.

“Isang chapter na lang,” saad niya. Ipinailalim niya ang nasa unahan kanina at bumungad ang malinis at walang correction na papel. “Actually, hindi pa tapos ang story na ito, patuloy pa ring sinusulat ng author,” aniya habang binibilugan ang ilang salita, ang iba naman ay ginuguhitan niya at sinusulatan niya ng correction.

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. “Akala ko ba last five chapters na ‘yan?”

“Noong pinasa niya,” binigyang-diin niya ang salitang noong. Pinailalim niyang muli ang papel at bumungad na naman ang isang malinis na bersyon.

“Anong title pala n’yan?” tanong ko. “Baka mahahanap ko sa---”

“Na-delete na ang blog post tungkol dito kasi kontrobersyal, pero balak itong i-publish ilang taon matapos ang manalo sila sa kaso,” paliwanag niya.

Tumango-tango ako nang malaman ko ang title sa kaniya. Napalingon ako sa bandang kaliwa at nakita ko ang clerk na papunta sa gawi namin. He smiled to us as he got closer.

“Nakalimutan niyo pong pirmahan, Prosecutor Trinidad,” saad niya. I held the paper at pinirmahan na ito saka muling iniabot sa kaniya. “Prosecutor Ty, kayo rin po,” he smiled at her. Kinuha rin ni Joy ang papel at iniabot pabalik sa clerk nang matapos pirmahan.

“Anong trip mo sa korte kanina?” tanong ng clerk sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko dahil kanina ko pang napapansing parang magkakilala ang dalawang ito. Bahagyang napatawa ang clerk nang maalala ang nangyari.

“Tigil-tigilan mo ‘ko, Dan. Marami akong ginagawa,” sabi ni Joy nang hindi lumilingon sa kaniya. Napakunot ang noo ko sa pagmasid sa kanilang dalawa.

“In case you don’t know,” panimula ni Joy habang nagbibilog pa rin at nagcocorrect sa mga bond paper. Pinailalim niya na naman ang isa bago muling nagsalita. “Si Dan. Schoolmate namin nina Bea.”

“Nice to meet you po---” natigil ang pagsasalita ni Dan nang hampasin siya ni Joy sa kaliwang braso  ng mga bond paper. Napahawak si Dan dito, at kahit ako ay napangiwi dahil alam kong masakit iyon. Ang kapal naman kasi ng hawak ni Joy.

“Ungas! Mas matanda ka r’yan!” pigil ni Joy sa sasabihin sana ni Dan.

“Kasuhan kaya kita, ‘no? Para matanggalan ka ng lisensya!” sabi ni Dan habang hinihimas pa rin ang kaliwang braso. Napatawa ako sa kanilang dalawa. “Tapos susunugin ko ‘yang mga papel na ‘yan para wala kang trabaho bukas.”

“All done?” napalingon ako sa aking likuran nang makarinig ng baritonong boses na nagmula sa isang taong kilala ko.

“Yup,” I answered. I heard my phone beeped, which made me get it from the pocket of my coat inside the prosecutor’s robe.

From: Kuya Jile
Bunso? Ikaw muna sumundo kay Jacene, ah? Wala pa kasi ang ate mo tapos may bisita kami ngayon dito sa bahay.

As I read the message, I excused myself para matanggal ang robe sa katawan ko. I hangged it and left in my office saka muling lumabas. I saw Cairro the moment I went out.

“Saan ka?” tanong niya. I smiled.

Sa school ni Jacene. Susunduin ko lang,” maikling sabi ko.

“Are you sure about that? ‘Di ba---”

“I can manage, okay?” I assured him. Just then he smiled at me.

Midnight Memories: Our Boundless Trial Love (Memories Series #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon