Part 1

20 4 5
                                    

Colleen POV

" Ugh, fuck. Nakakapagod!" singhal ko. Eto ako at gumagawa nanaman ng panibagong activity na pinapagawa nang prof namin sa isang subject.

" Bigay nang bigay ng gawain 'di naman magawang pumasok dito at magturo man lang" singhal naman ng kaibigan kong si Janna.

Sa totoo lang hindi naman talaga kami mag re-reklamo kung maganda at maayos ang pagtuturo sa eskwelahan na pinasukan namin, akala nga namin noong umpisa ay maganda dito pero mali pala kami, nadala kami sa salita nila at mga pangako na magandang edukasyon na napagtanto naming hindi totoo simula ng nakapasok kami dito.

" Shuta beh, ang init naman pahiram nga ako ng pamaypay mo bago ko pugutin yang ulo mo" sabi ng isa ko pang kaibigan na si Dane.

Paano ba namang hindi kami nag-aagawan sa pamaypay naturingan itong private school pero ang electric fan ay dalwa lang parang wala pang buga kaya naman para kaming piniprito dito lalo na't summer na ngayon.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na naming magkakaibigan ang aktibidad pwede na mag chikahan tutal ayon lang naman ang dahilan bakit pa din kami magka-kaibigan hanggang ngayon, Eme. Pero sa totoo lang ayon talaga ang pastime talaga namin ang mag-kwentuhan.

Sa totoo lang masaya ako na nakaka-bonding ko sila ulit noon kase ay hindi talaga ako pumapasok kahit na dalwang araw lang ang face to face namin dahil sa nangyari sa lola ko. Hindi ko kaya na makipagsalamuha sa tao at makipag-plastikan na okay lang ako kahit ang totoo ay hindi. Pasalamat nalang ako na naintindihan nila ako sa panahong kailangan ko munang lumayo at mapag-isa.

" Hoy, Colleen! Tunganga ka nanaman d'yan, I told you to sleep early para hindi ka nagkakaganyan. Ano okay ka lang ba? May problema ba?" Sabi ng pinsan kong si Jen. S'ya ang pinaka mabait sa grupo namin at laging nag-aalala sa lahat. Ewan ko ba sobrang bait n'ya minsan nga naiisip ko baka maging santo na 'tong pinsan ko dahil sa kabaitan malapit na naming luhurang magka-kaibigan.

"I'm fine" tipid na sagot ko sabay ngiti sakanya para mawala ang takot sa mga mata n'ya.

Minsan naiisip ko if okay na ba 'ko, if naka move on na ba 'ko sa lahat ng sakit na nangyari sakin.

FLASHBACK

" Wala na si Nanay, Colleen. Hindi n'ya na kinaya ang tubo at kung ano ano pang mga nakasaksak sa katawan n'ya. Alam kong mahirap din 'to sa'yo pero kaya natin 'to"

Parang tumigil ang mundo ko at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi pwede, hindi pwedeng mangyari 'yon. Noong huli ko s'yang makita at naglalaba pa s'ya at sinalubong ako ng mga ngiti n'ya sa muli kong pagbabalik, masaya kaming nag kwentuhan at kamustahan kung ano ang mga nangyayari sa buhay ko.

Wala, hindi ko alam anong reaksyon ang gagawin ko, basta ang alam ko pinatay ko at tawag at napaupo sa sahig na kinatatayuan ko, umiyak ako nang umiyak paulit ulit na parang isang bata na nawalan ng laruan. Hindi ko matanggap, kung panaginip man ito gusto ko nang magising.

Simula ng nalaman ko ang balita ni hindi ko nagawang lumabas ng kwarto, wala nagtangkang pumasok dahil alam nila na gusto kong mapag-isa. Lalabas lang ako tuwing kakain o maliligo, naging routine ko 'yon araw-araw.

Binisita ko ang lola ko na nasa isang maliit na lagayan, mas nalungkot ako. Dahil hindi ko lubos matanggap na nasa loob s'ya non, isa na lamang s'yang abo.

" Colleen, ikaw muna ang magbantay kay Nanay, papatulugin ko lang pamangkin mo."

Tumango ako habang nakatingin padin sa maliit na lagayan kung saan nandon ang lola ko.

Ako at S'ya nalang ang magkasama, wala nang bisita dahil anong oras na din iyon. Nakatingin lang ako sakanya, sabi ko sa isip ko "duwag akong tao, duwag ako sa multo, pero mas gugustuhin kitang makita ngayon pangako hindi ako matatakot." Muling tumulo nanaman ang mga luhang ilang araw kong pinigilan. Ayokong umiyak lalo na sa harap n'ya dahil alam kong nakikita n'ya ko at masasaktan s'ya na umiiyak ako dahil sa pagkawala n'ya.

Pinunasan ko ang mga luhang pumayak sa mga mata ko, hindi ko alam kung hanggang kailan ang sakit na nararamdaman ko pero sa ngayon gusto kong namnamin ang bawat oras na magkasama kaming dalwa.

END OF FLASHBACK

Bigla akong nagulat ng magtawanan nalang ang mga kaibigan ko, napakunot ang noo ko dahil hindi ko malaman bakit sila nagtawanan.

"Hoy, carps ba kayo later?" Sabi ni Jas na pinaka matalino sa grupo.

"Carps? Nu pinagsasabi mo teh?" Singhal naman ni Echo na ka-isa-isang lalaki sa grupo namin, S'ya ang laging nanlilibre at pinaka sabog sa amin.

Nagtawanan muli kami at biglang tumunog ang bell sinyales na maaari na kaming umuwi.

" Una na 'ko guys, may pupuntahin pa me eh."

Tumango sila at sinabihan na mag i-ingat ako sa byahe, pagkababa ko ng jeep ay bumili muna ako ng mga puting bulaklak na alam kong magugustuhan n'ya. Napaka ganda, napaka bango, nagsisimbolo ng katahimikan at kapayapaan.

Sumakay na ako ng tricycle para mapuntahan na ang pupuntahan ko, 4:30 na at kailangan ko ng magmadali habang may sinag pa, hindi ako maaaring mag-pagabi.

Sa wakas, nakarating na din ako.

Habang naglalakad ako ay pagsalubong sa akin ng malamig na hangin, sumabay ang buhok ko sa hampas ng hangin. Napaka tahimik at wala masyadong tao kaya't masayang magpahinga lalo na't kung gusto mo nang panandaliang katahimikan at kapayapaan.

Narito na ko at napatigil sa taong nais kong bigyan ng bulaklak at bisitahin.

"Kamusta ka na Lola? May dala akong bulaklak para sa 'yo."

At naupo na 'ko at hinimas ang lapida sa harap ko.

Perfecta E. De Guzman
April 18,1946 - April 15,2021




PS: ALAM KONG SOBRANG IKLI NITO HUHU PERO TA-TRY KO NA PAHABAIN NA SIYA EWAN KO IF ITUTULOY KO PA KASE WALA NAMAN NAGBABASA PERO IF WANT NYO TULOY KO COMMENT KAYO KAHIT DOT LANG PARA LANG MALAMAN KO IF INTERESTED KAYO. HIHI ENJOOOY!🫶🏻

My Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon