Part 3

19 4 22
                                    


Ilang araw na rin ang nakalipas noong nakatanggap ako ng text mula sa hindi ko kilalang number. Hanggang ngayon din ay nagtataka pa din ako at nagtatanong kung sino 'yon.

" Hoy, gabing gabi na pinag t-tripan n'yo ba ko! Sinong nag text sa'kin?" Singhal ko sa gc namin.

" Pinagsasabi mo beh, bebetime ako hindi ako 'yan." Sabi ni Janna.

"Me too!" Sabi naman ni Jas at Dane na parehong single.

Nag seen naman si Echo at Jen siguro busy sila at may ginagawa. Ngayon mas lalo akong nagtaka kung sino talaga, Simula kase ng nabasa ko ang huling text n'ya sakin ay agad agad kong binlock ang number n'ya feeling ko kase scammer kahit wala naman s'yang makukuha sa'kin miski singkong duling.

" Hoy! Sabado bukas alis tayo? Sagot na daw ni Colleen ang sasakyan." Sabi ni Dane.

Nanlaki naman ang mata ko dahil hindi man lang ako tinanong kung pumayag ba ako, sa mga gala kase namin ang kotse ko ang ginagamit nila para makapag road trip at puntahan ang mga bagay na kadalasan makita namin sa tiktok.

"Wow, desisyon! Anong akala mo teh mura ang gas ngayon at may taga drive ka pa? Ambagan sa gas ang babaho ng ugali nang mga 'to ah!"

Sinamaan nila akong lahat ng tingin. Grabe, ang kukuripot talaga ng mga kaibigan ko pero wala naman silang nagawa dahil mas mapapamahal pa kami kung mag c-commute kaming lahat kaya pumayag na sila na mag ambagan sila sa gas at ako naman ay hindi na dahil ako na ang mag mamaneho.

Wala kaming ginagawa ngayon kase daw busy ung mga teacher sa graduation namin, ilang araw nalang kase g-graduate na kami ng Senior High, nakakalungkot kase iba ibang school na kami papasok dahil na rin sa iba't ibang profession namin.

Habang ako ito nakatunganga nanaman at iniisip kung sino ung nag text sa'kin. Hindi ko alam pero hindi siya mawala sa isip ko, iniisip ko nga minsan unblock ko na ung number niya tapos kausapin ko nalang ulit s'ya. Hindi ko alam basta ang gulo.

Kinuha ko nalang ang earphones ko at sinimulan magpatugtog ng kanta.

Sleep Tonight
December Avenue

Tell your goodnight to the light and close your eyes
There's a better place for you than to stay awake
You'll get closer to a paradise of dreamers in love
You'll get better like heaven has done something

Bigla nanaman akong nalungkot dahil sa kanta, minsan naiisip ko what if mag take risk ulit ako? Pero kada naiisip ko 'yon parang ikakamatay ko nanaman if susubukan ko ulit, parang hindi ko na kayang masaktan ulit.

So lay now, I'll take over the night
There's no teardrop, you can count on me tonight
Or I'll stay up with you

Hindi ko namalayan na unti unting pumapatak ang mga luha sa mata ko, hindi ko alam kung bakit ngunit ayaw nitong tumigil.

Baby, it's alright, I'll be right by your side
No need to cry out loud, nothing to cry about
Baby, it's alright, I'll be just by your side
I'll keep you on my sight, I'll never leave 'til you sleep tonight

Palihim ko na pinunasan ang luhang pumapatak sa mga mata ko, hindi ako pwedeng makita ng mga kaibigan ko at sigurado akong mag a-alala sila at ano namang sasabihin ko? Nalulungkot ako kase miss ko na yung feeling ng madiligan? Eme.

Matagal tagal na nung huling nagkaroon ako ng relasyon, matagal din kami umabot kami ng 3 years ang sumpang taon. Kaya siguro simula lumandi ulit ako gi-no-ghost nila ako kase 3 years daw kami ng ex ko. E, sabi nila pag 3 years daw hindi agad agad makaka move on at gagawing rebound lang ang makakausap. Ewan ko ba sa mga palusot nila, takot lang sila na magkaroon ng label, ayon lang 'yon kadalasan naman sa nakakausap ko fubu lang ang hanap or worst gusto lang ako maging kabit.

My Summer RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon