Unti unting bumuhos ang mga luhang matagal nang hindi kumakawala sa mga mata ko, ilang taon na ang lumipas ngunit ang sakit na nararamdaman ko ay tila walang pinagbago." Pasensya ka na lola ngayon lang ako nakabisita, hindi ko lang matanggap na ako nalang ang mag k-kwento sa ating dalwa." Kasabay ng pagbugtong hininga ko.
Muli nanamang tumulo ang mga luha sa aking mga mata, sinabayan pa ito ng hangin na tila pinupunasan ang luhang dumadaloy sa aking mukha. Nakakalungkot na tanging lapida nalang ang sasalubong sa akin tuwing magkikita kaming muli.
" Marami po akong kwento sa'yo lola." Sabay kumawala ang pekeng ngiti sa aking mga labi.
Sinimulan ko nang mag kwento at sabihin lahat ng bagay na nararating at nagagawa ko sa buhay, kung diary lang ang pag u-usapan alam na alam lahat ng lola ko ang saya at hirap na nararamdaman ko, siya lang ang nakakaintindi sa'kin na hindi ako hinuhusgahan.
Hindi ko namalayan ang oras at pawala na ang sikat ng araw. Ayoko pang umalis ngunit kailangan dahil alam kong hahanapin na ako ni mama.
Tiningnan ko pa ng ilang minuto ang lapida, hinawakan ko ang kanyang pangalan. Sa ganitong paraan ko nalang ulit nararamdaman ang presensya n'ya, alam kong hindi siya magiging masaya na ganto padin ako hanggang ngayon. Alam kong gusto n'ya na magpatuloy ako sa buhay.
"Pangako, babalik ako dito at sa muling pagbalik ko masaya na ako." Ngumiti ako ng mapait.
Pinilit kong pigilan ang luha ko at sinimulan ng tumayo. Nagligpit na ako ng mga gamit at magbabalak na umalis. Sa aking pagtayo tiningnan ko sa huling pagkakataon ang lapida ng lola ko.
Katahimikan ang bumalot sa loob ng ilang segundong pagtitig ko sakanya, at ngumiti ako habang hindi tinatanggal ang paningin sa lapida.
Alam kong masaya na s'ya kaya masaya na rin ako.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng sementeryo, hawak ko ang cellphone ko at kinuha ang earphones sa bulsa ng aking bag. Pagkatapos ko itong makuha ay sinimulan ko nang magpatugtog.
Nilakad ko lang mula sementeryo hanggang saamin tutal ay hindi naman ito ganon kalayuan gusto ko din kase na ma-exercise ako kase ang tagal ko na rin na hindi nalabas ng bahay. Halos 15 mins din siguro ako naglakad bago ako makarating sa bahay, agad naman akong sinalubong ng aso ko na si cobi at ganon din ako. Pumasok na ako sa kwarto ko dahil tambak nanaman ang pinapagawa saamin ng prof namin sa Biology.
Ngayon ko lang naramdaman ang pagod pagkaupo ko sa may study table ko, hindi ko alam if sisimulan ko na ba agad mag-aral dahil may long quiz din kami bukas ngunit umiiral ang pagod at antok sa aking katawan kaya hinayaan ko na muna na magpahinga ako. Nag set ako ng alarm 10:00pm para may lakas ako gawin ang mga pinapagawa samin sa subject at makapag-aral na din ako.
Nakahiga na 'ko sa kama nang mag check ako sa gc naming mag ka-kaibigan. As usual pinag uusapan nila ung kaklase naming halos landiin na lahat ng lalaki sa classroom, isa pa 'tong kaklase namin na naiinggit sa grupo namin kaya kung ano anong storya ang pinapakalat tungkol samin.
Wala naman na akong pakielam, maraming may ayaw sa'kin at okay lang 'yon hindi ako para pag aksayahan sila ng oras para gustuhin ako.
" Wow, sinisiraan nanaman tayo ng mga 'yan! Galing galing manira 'di naman makagawa ng essay." Sabi ni Janna.
" Oo nga, feeling coolkid mga 'yan nagko-kopyahan lang naman tuwing exam!" Sagot naman ni Jas.
"Feeling mga pogi pa, araw-araw nalang silang nagiging delulu." Sabat ni Dane.
"Mga teh, kumalma kayo ako nang bahala d'yan." Pag a-awat ni Echo.
Natawa naman ako sa nakita ko dahil hindi talaga sila papayag na inaapi sila, ako naman hinahayaan ko nalang ung mga unggoy na 'yon tutal may karma naman. Nag haha react nalang ako sa mga chat nila bago ako matulog, tiningnan ko muna ang iba kong social media kase baka may nag chat sa'kin.
Wow, sino namang mag c-chat sa'yo? Tanong ng sarili ko.
Hindi ko alam, malay mo naman.
At hindi nga ako nagkamali may nag text sa'kin na unknown number, nung una iniisip ko na baka scam 'to at pinag t-tripan ako kaya hindi ko pinansin pero halos sampung text na ang sinend n'ya sa'kin kaya kahit ako ay nagtataka kung ano ba 'yon.
*Unknown Number *
Baby, please. Talk to me.
Ayan ang huling chat n'ya sa akin kaya takang taka ako ANONG BABY!? wala naman akong jowa o manliligaw o miski kaibigan na baby ang tawagan, pinagtitripan ba 'ko ng bwiset na 'to?
Dahil sa pagtataka ko binuksan ko ang lahat ng message n'ya sa'kin.
-1 message-
Baby, I'm sorry.
-2 message-
Baby, can we talk?
-3 message-
Pupuntahan kita.
-4 message-
Send me your location.
-5 message-
Answer me, please.
-6 message-
I can't lose you.
-7 message-
Baby, mag reply ka please.
-8 message-
I'll explain everything
-9 message-
Where are you?
-10 message-
Baby, please. Talk to me.
Napamura ako dahil hindi ko alam ang reaksyon na mararamdaman ko, adik ba 'to? Wth who the fuck is this. Wala naman akong binibigyan ng number ko bukod sa mga kaibigan ko.
Hindi ko alam pero may ka-demonyohan na pumasok sa utak ko, naisip ko na what if magpanggap nalang ako na ako ung girlfriend n'ya? I mean for fun lang naman saka hindi naman ako malalaman nito kung sino ba talaga ako tutal text lang naman.
Sinimulan ko s'yang replyan.
Unknown Number
What do you want?
Hinintay ko ang reply n'ya sa'kin, alam kong hindi aabot ng isang minuto bago s'ya mag reply
* 1 message*
Binuksan ko ang message at laking gulat ko sa nabasa ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala ang antok na bumabalot kanina sa buong katawan ko. Halos hindi ako makahinga sa nabasa ko, paanong — hindi maaari.
-1 message-
I want you back, Colleen.
Nanlamig at nanginginig ang buong katawan ko, isa lang ang tanong na gusto kong masagot sa aking isipan.
"Pa-paanong nalaman n'ya ang pangalan ko?" Nalilitong tanong ko sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
My Summer Romance
Teen FictionNais malaman ni Colleen ang tunay niyang halaga sa mundo. Sa murang edad ay marami na siyang nararanasan na pagsubok sa buhay, Siya ay nagsusumikap dahil siya lang ang inaasan ng kanyang pamilya na mag-aahon sakanila sa kahirapan. Ngunit hindi lubos...