Nag d-drive na 'ko ngayon papuntang nuvali kase doon ang susunod naming pupuntahan. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari kanila. Bakit kaya n'ya ako kilala? Nagkita na ba kami? Magkakilala ba kami?Or baka stalker ko siya...
Bigla naman akong natawa habang nagmamaneho dahil parang masyado s'yang gwapi para maging stalker lang, kung ganon lang pala sana ay jinowa ko na s'ya nilaplap, ni luhudan, pinagsilbihan at pinakasalan.
Tiningnan ko ang mga kasama ko sa byahe, ang iba ay nahilik ang iba naman ay nag c-cellphone.
Si Janna ang katabi ko sa unahan dahil s'ya ang may alam nang pasikot-sikot mula biñan hanggang sta rosa.
" Alam mo, napansin ko din ung lalaking nakatingin sa'yo kanina. Ang weird nga e parang kilala ka n'ya." Sabay tingin sa'kin.
" Ayon din ang pinagtataka ko, hindi ko nga 'yon kilala e, kung kakilala ko man jowa ko na siguro 'yon ngayon."
Sabay kaming tumawa at muling natahimik ang paligid.
Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa nuvali, sa totoo lang hindi naman kalayuan ang nuvali sa pinuntahan namin kanina siguro inabot kami ng 20 minutes bago makarating sa pupuntahan namin.
Pumunta kami sa Lakeside around Solenad para bumili sa Starbucks. Gustong gusto talaga namin dito lalo na pwede mong gawin ang gusto mong drink.
"Hi, can i order one venti iced white mocha with 2 pumps of hazelnut, vanilla sweet cream cold foam with caramel drizzle."
Sumunod naman umorder ang mga kasama kong bruha at pagkatapos kong magbayad ay umupo na 'ko para hintayin ang order ko.
Hindi naman ako matagal naghintay nakuha ko na din agad ang order ko, nagsimula na din na uminit kaya sakto na bumili ako ng something malamig.
Nakatapat ako sa bintana, tanaw na tanaw ko ang labas. Nakikita ko ang mga taong naglalakad at ang iba naman ay papasok dito upang bumili din ng kape.
Habang nahigop ako sa kape ko ay halos mabilaukan ako dahil sa nakita ko.
Siya nanaman, anong ginagawa n'ya dito?
"Are you okay?" Pangambang tanong ni Dane.
"Yes."
Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa lalaking nakita ko kanina. Hindi ko alam kung sinusundan n'ya ba 'ko or coincidence lang 'to pero malakas ang kutob ko na sinusundan n'ya ako.
Gaya ng inaasahan ko pumasok s'ya sa loob ng Starbucks. Diretso ang tingin n'ya habang nakikinig ng music gamit ang kanyang airpods.
Grabe kahit paglalakad n'ya parang nag m-model lang.
Dumaretso agad siya sa counter para sabihin ang order n'ya. Napaisip ako na baka nga coincidence nga kase hindi niya naman ako nakita or kahit tumingin sa'kin ay hindi n'ya din naman nagawa.
Nakipag usap at tawanan nalang ako ulit sa mga kaibigan ko dahil ma-mi-miss ko ang mga chanak na 'to kase magkakahiwalay hiwalay na kami sa college. Iniisip ko nga paano na 'ko manlalait n'yan if wala sila, baka manghina ako.
Muli akong napatingin sa direksyon kung saan siya nakaupo at umiinom ng kape n'ya wala s'yang kasama at nag t-text lang sa cellphone n'ya. Napaisip nga ako if girlfriend n'ya ba ung kausap n'ya, sana naman hindi, sana single s'ya.
Napabulong nalang ako.
"Lord, now nalang ako hihiling sa'yo if siya ang para sa'kin pakibilisan naman ng pagbigay."
Napatingin naman sa'kin si Echo na may halong pagtataka kaya iniwasan ko s'ya nang tingin at humigop sa kape ko.
"Mga teh, kinukulam na ata ni Colleen ung poging malapit sa may counter, ayon oh." Sabay turo.
BINABASA MO ANG
My Summer Romance
Teen FictionNais malaman ni Colleen ang tunay niyang halaga sa mundo. Sa murang edad ay marami na siyang nararanasan na pagsubok sa buhay, Siya ay nagsusumikap dahil siya lang ang inaasan ng kanyang pamilya na mag-aahon sakanila sa kahirapan. Ngunit hindi lubos...