CHAPTER 2:

40.9K 942 29
                                    

  "3,2,1" Pagkatapos ng bilang ay humarurot na ang mga sasakyan sa race track. Pangalawa sa dulo ang pwesto ng sasakyan ni Ezekiel ngunit dahan dahan nyang nauunahan ang mga kalaban, tutok sya sa daanan. Ngayon ay pangalawa na sya sa nauuna. Naglalaban sila ngayon ng kaibigan nya na si Calive. Wala sa kanilang dalawa ang balak magpatalo. Gitgitan ang laban at nanguna na nga ng tuluyan si Ezekiel. Sya ang unang makatapos ng lap. Nagpalakpakan naman ang iba pa nyang kabarkada na nasa gilid ng race track.

  "Nice race bro! Wala talagang tatalo sayo! Bakit kasi di mo tinanggap ang offer sayo na maging racer?" Sabi ni Calive sa kanya.

  "How many times I told you that this is only my hobby."

  "Pero sayang pa rin pare. Sa galing mong yan sigurado sisikat ka nyan sa mundo ng karera."

  "Yeah right"

  "Im just sayin' bro."

  "Hey bro! Bakit ngayon ka lang pala ulit nakadalaw dito?" Tanong ni Ashton na kabarkada din ni Ezekiel.

  "Im busy." Sabi nya habang tinatanggal ang gloves at iba pang protective gear.

  "You're always busy. So anong pinagkakaabalahan mo? A girl?" Biro ni Calive

  "Girl?! Huh! Seriously? I dont have time for those clingy girls okay??"

  "Hahaha! Okay chill men!" Itinaas ni Calive ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

Ezekiel was unzipping his upper gaments when suddenly there are two hands wrapped in his bare abdomen.

  "Hi honey!" Sabi ng babae. Agad namang tinanggal ni Ezekiel ang mga kamay nito sa tyan nya.

  "Get off your damn hands on my abdomen Maxine!"

  "Whats with the cursing Ezekiel? Namiss kita, did you miss me either?" Balak sana nitong yumakap sa kanya ngunit agad syang dumistansya. Nagtawanan naman ang mga kabarkada ni Ezekiel.

  "Miss you?? Come on? Are you kidding me? Did we even date? Hindi naman di ba? So nothing's between us okay? So get lost. I dont want to see your face." Paasik na sabi ni Ezekiel sa babae. Hindi naman nakaimik nag babae. At muling nagsalita si Ezekiel.

  "And oh by the way, before I forgot. Wag mo masyadong kakapalan ang blush on mo. Gotta go guys! I still need to finish something."

  "WHAT??" Gulat na gulat na sabi ni babae. Tuluyan nang pumasok si Ezekiel sa sasakyan nya na nakaparada. Bago pa nya mapaandar ang kotse ay narinig nya ang sigaw ni Maxine.

  "You are so rude Ezekiel Fontalejo! Makakarma ka din!!"

Napailing na lang sya sa narinig.

  "Sakit talaga sa ulo." Sabi nya sa sarili at pinaharurot nya ang sasakyan pagkalabas ng parking lot ng race track.

-----------------------

  "Bye bye Ms. Joan! Una na ako sayo ha?" Sabi ni Gianna sa katrabaho nyang nurse sa ospital. Isa syang psychiatric nurse pero naka toka sya sa children ward. Maaga syang uuwi ngayon dahil may sakit ang kapatid nya at wala ang nanay nya sa bahay dahil nasa probinsya ito may inasikaso.

  "Okay Gian! Ingat ka! May payong ka ba? Malakas ang ulan sa labas." Sabi ni Ms. Joan sa kanya.

  "Ah oo may payong ako, ikaw na lang bahala sa mga alaga ko ha?"

  "Oo naman. Ako nang bahala. Sige, ingat uli."

Di pa sya nakakalabas ng ospital ay naririnig nya na ang lakas ng ulan at lamig na hatid nito.

  "May bagyo ba? Ano ba naman yan. Ayoko sa lahat uuwi ng umuulan" maktol nya sa sarili. Agad nyang binuksan ang payong pagkalabas ng ospital. Naglakad sya papuntang sakayan ng jeep. Kahit naka payong ay nababasa pa din sya.

  "Bakit ba kasi kailangang umulan? Di na lang magsnow para sosyal? Nakaboots ako kapag uuwi. Nakaputi pa na--"

Naputol ang pagmomonologue nya nang biglang may tumilamsik sa kanyang tubig at tuluyang nabasa ang puti nyang uniform.

  "HOOOOYYYYY!!!! ABNORMAL KA! AKALA MO SAYO TONG PUNYETANG KALSADANG TO??? HOOOOOOYYYYY!!!" nagsisigaw sya sa pag aakalang hihintuan sya ng kotse ngunit lalo pang humarurot ang takbo nito.

  "MABANGGA KA SANA!!! ANG ANGAS MO!!!" patuloy syang sumisigaw sa sobrang asar.

  "HAY! ANO BA TO! ANG HIRAP MAGING DUKHA! WALANG KOTSE! MAG AASAWA TALAGA AKO NG MILYONARYO!"

para syang tanga na sumisigaw at kausap ang sarili.

  "ISA KA PANG ULAN KA! ARGH!!!!"

Binato nya ng tissue paper ang langit ngunit nabasa lang ito ng tubig ulan.

Kung sino man yang driver ng Dodge Viper na iyon ay masusuntok nya ng wala sa oras.


A/N: konting intay lang ay magkukrus din ang landas ni Ezekiel at Gianna. ;)
Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. ;) xxxx

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon