CHAPTER 20:

43.7K 925 102
                                    

  "Are you sure you're gonna do this Gianna?"

  "Yes kuya. Gusto ko muna magpakalayo-layo."

  "Okay na ba lahat ng kailangan mo?"

  "Yeah, naimpake na lahat."

  "Ayaw mo ba talagang ihatid kita sa airport?"

  "Wag na nga kuya, ako na lang, kaya ko naman na. Please."

  "Okay. Mag-iingat ka doon, tawagan mo ako kaagad kapag dumating ka na."

  "Yeah I will."

Inalalayan si Gianna ng kuya nya na buhatin ang maleta nya palabas ng bahay. May naghihintay na sa kanyang taxi sa labas ng bahay. Isinakay na nila ang mga gamit nya sa compartment ng sasakyan.

Humarap sya sa kuya nya at niyakap nya ito, niyakap naman din sya nito ng mahigpit. Huminga sya ng malalim bago sya sumakay ng taxi. Ilang araw nyang pinag-isipan ang pag-alis, at napagtanto nya na kailangan nyang umalis sa lugar na iyon para makalimot. Pinikit nya ang nga mata ay tumulong luha sa mga mata nya. Hindi tumawag si Ezekiel sa kanya, ni kahit text ay wala syang natanggap. Gianna! Di ba sabi ng professor mo dati, ang isang psychology major ay dapat dalawang minuto lang umiiyak dahil alam nya kung papaano magcope-up sa problema nya, ilang araw ka na bang umiiyak? Tama na! Lalaki lang iyan. Pinunasan nya ang luha sa pisngi nya. Huminga sya ng malalim.

  "Magiging okay ka din Gianna."

Bulong nya sa sarili.

  "Mam, may sinabi po ba kayo?"

Tanong ng taxi driver, mukhang narinig nito na nagsalita sya.

  "Ah, wala naman po."

Binuksan ng driver ang radyo at ang bumungad na kanta sa kanya ay Breakeven. Hay! Nang-aasar ba talaga ang tadhana? Nakakaasar. Habang pinapakinggan nya ang kanta ay di na naman nya mapigilang maiyak. What am I gonna do when the best part of me was always you and what am I supposed to say when Im all choked up that you're okay... Im falling to pieces... Mukha ngang wala nang balak magpakita si Ezekiel sa kanya.
Is it really true that when a heart breaks, no it don't break even? A little part of her brains is saying that she needs Ezekiel, she needs to feel his hug, those kisses that make her feel alive. But not anymore. Tama na ang pag-iilusyon Gianna. Tama na.

--------------------------------

Huminto ang sasakyan ni Ezekiel sa tapat ng bahay nila Gianna at bumaba ang lalaki at tinawag si Gianna.

  "Gianna! Gianna! Please come out, talk to me."

Sigaw nya. Pero hindi si Gianna ang lumabas kundi ang kuya nito.

  "Anong ginagawa mo dito?"

  "Please Greg, let me talk to Gianna. Please."

  "Hah! Ang kapal talaga ng mukha mo bumalik pa dito? Alam mo ba ang ginawa mo sa kapatid ko?"

Sabi ni Greg kay Ezekiel.

  "I know, I know I hurt her, please that's why Im here, I want to talk to her. Please. Gianna! Come out!"

Pero tinulak lang sya ni Greg. Di pa din nagpatinag si Ezekiel.

  "Her whole world shattered because of you! Buti na lang hindi lang normal na babae si Gianna, alam nya ang hanggan ng pagpapakatanga sayo Ezekiel Fontalejo! Kaya umalis ka na dahil wala nang Gianna dito bahay!"

Nagulat si Ezekiel sa huling sinabi nito.

  "What do you mean wala na si Gianna? Where is she?"

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon