"Ate talaga bang di ka pwedeng mag trabaho malapit dito sa atin Bakit kailangan dun ka pa mag stay ang layo layo nun,..... eh kung isama mo na lang kame dun ayoko maiwan dito" pinipigilan ni Nemo na wag umiyak habang nag uusapan sila ng ate Mayo nya.
"Alam mo naman na kailangan ko mag trabaho saka kasama mo naman si Nana Lourdes dito. Saka isa pa di ko kayo pwedeng isama sa titirhan ko dahil empleyado lang ang pwede dun at mahihirapan ka mag transfer ng school 2 yrs. na lang gra graduate ka na sa High school. Intayin mo maka ipon ako sasama ko kayo ni Nana Lourdes sa Cebu. Dun ka na mag ka collage." Pag susuyo nito sa kapatid.
"Ate ang tagal pa nun alam mo naman na lagi ako pinag iinitan nila tita at tito. Wala na nga sila Mama at Papa tapos iiwan mo rin kame ni Nana Lourdes." Sabay talikod nito sa kapatid dahil tuluyan ng bumagsak ang luha nito ng maalala ang magulang.
"Intindihin mo naman ako Nemo alam mong para sayo lahat Tong ginagawa ko isa pa kailangan natin mag ipon para mabayaran natin sila tita at makuha na natin ang bahay at lupa Alam mo naman na ito na lang ang naiwan na ala-ala nila mama at papa diba" sabay yakap nito sa likod ng kapatid.
Labag man sa loob ng kapatid ay inunawa na lang sya nito. Nangako naman sya na bibilhin sya ng bagong cellphone para lagi silang mag-uusap at isa pa dadalaw sya sa kanila pag day off nya isang beses isang linggo. Kaya pumayag na rin ang kapatid na bunso.
"Buti naman at naisipan mong magtrabaho aba malaki ka na dapat lang mag banat banat ka ng buto. Kame ng bahala sa kapatid mo basta wag mong kalilimutan mag padala alam mo na pang gastusin sa bahay. Mahirap kse mag hanap ng trabaho dito sa probinsya kaya ikaw na muna ang bahala sa lahat hayaan mo nag hahanap na rin ng trabaho ang tito
Alvin mo para makatulong sa gastusin" sabay taas ng paa habang kumakain ng mangga ang tita Nessy nya.Hindi na lang sya kumibo. Sa isip isip nya paanong makakahanap ng trabaho ang asawa nya eh halos maghapon nka hilata sa bahay inaantay na lang ang grasya pag nananalo sila sa sugal. Wala na talaga syang choice kundi ang mag trabaho at maka sakay ng barko para maka pag ipon at ng makuha na nya ang buong bahay at lupa nila. Nang lumayas na rin ang tita at asawa nitong walang hiya.
Unang buwan pa lang nya ng pag tratrabaho ay naging ma ayos ang lahat mababait ang mga kasama nya sa trabaho lalo na sila Romina at Lani. Ganun din si Archie na nanliligaw sa kanya pero wala syang balak mag nobyo balakid lang sa mga Plano nya ang pagkakaroon ng nobyo. Gusto nya ay mag focus lang sya sa pangarap nya para sa kanilang tatlo ng kapatid nya at Nana Lourdes.
Pero sa kabila ng maayos na pag tra trabaho nya ay pinag iinitan sya ng HR supervisor pa lang noon na si Ms. Ynez. Hindi nya alam kung bakit tuwing magkakaharap sila ay iniirapan at hinahanapan sya ng butas buti na lang at mabait ang manager nila na si Ms. Katarina kaso nag resign na agad ito 1 at kalahating taon nyang pagtratrabaho sa hotel. Kailangan nitong magpahinga dahil sa karamdaman nito kaya pumalit sa pwesto nya ay si Ms. Ynez.
"Wag mong pansinin yung bruha na yun alam mong insecure na insecure sayo yun walang binatbat ang ganda nya sa ganda mo." Saad ni Lani sa kanya habang umiiyak sya. Sinabon nanaman kse sya ni
Ms. Ynez dahil sa pagkakamali ng iba sa kanya isinisisis talagang mainit ang dugo sa kanya."Kaya pa, naku kung hindi lang tlga amo natin yan matagal ko na nasabunutan yan lalo na nung muntik ka na ma promote bilang Front desk assistant tapos hinarang nya. Sa ganda mong yan d ka bagay mag kuskos ng banyo at mag linis dapat sayo dun sa harapan ng hotel bagay na bagay ka dun." Turan sa kaya ni Romina
Sa totoo lang masama tlga ang loob nya pinangako sa kanya ni Ms. Katarina na gagawan nya ng paraan na makuha nya ang pwesto bilang Front desk assistant dahil bilib ito sa kanya pagdating sa trabaho isa pa sa tangkad nyang 5'7 at sexy na katawan, napaganda at maamong mukha nababagay sya sa harapan ng Hotel at hindi sa pag kuskos ng banyo at paglilinis. Pero dahil emergency ang pag alis ni Ms. Katarins ay hindi na ito natuloy kahit pa binilin ito kay Ms. Ynez. Hindi na nga binigay ang pwesto sa kanya ay nilait pa sya paano daw ito ma pro promote eh di naman daw sya tapos sa pag aaral. Kaya pigil na pigil lang sya sa galit nya dahil kailangan nyang matapos ang 3 taon na experience para makasakay sya isa pa 1 taon na lang ang kailangan nya para matapos ito.
Mabuti na lang at nailipat nya ng apartment ang kapatid nya at si Nana Lourdes kahit maliit ay panatag sya dahil wala na sila sa poder ng tita nya. Ilang beses nag sumbong ang kapatid nya at si Nana Lourdes na lagi silang pinapagalitan ng tiyahin nya pero ng saktan nito at ng asawa nya ang kapatid nya ay di na nya napigilan ang sarili at sumugod sya pauwi sa kanila nung araw ding iyon ay inilipat nya ang kapatid at si Nana Lourdes sa studio type na apartment na nakuha nila Mabuti na lang at tinulungan sya ni Archie na makahanap ng malilipatan na malapit din lng sa bahay nila para kahit papaano masisilip silip nila ang bahay nila. Hindi naman basta basta maibebenta ang bahay lupa ng tita nya dahil automatic na kalahati ng property ay sa kanila ng kapatid nya.
Kahit paano ay napanatag Ang loob nya hindi na sya kakaba kaba pa para sa kaligtasan ng kapatid nya at nana Lourdes. Yun lng mas malaki ang gastos dahil nag babayad pa sya Ng upa. Gusto nya tlgang maiyak ng lumipat Sila Ng apartment dahil mahal na mahal nya ang bahay nila maraming magagandang ala ala Ang naiwan sa kanilang pamilya lalo na sa magulang nila.
BINABASA MO ANG
falling for Mr. Barumbado
Romancethis is the story of Andreas Pontevedra. A wild beast that cannot be tame by anyone until he met his match.... Can a simple yet strong independent woman change a person like Andreas...