"Pare magpalamig ka muna sa Cebu or kahit saang lugar na safe ka. Hindi nag sampa ng kaso si Monching sigurado may binabalak yun na masama sayo." Kausap ni Hans si Andreas tatlong araw pagkatapos ng gulong kinasangkutan ni Andreas.
"Pare di ako takot sa mga gago na yun. Wag nila akong subukan." Pinitik ang sigarilyo sabay hagod ng mahabang buhok.
"Ako na ang nakikiusap sayo Andreas please try to go out of town malayo sa Manila magpalamig ka muna. Im very concerned of what you're doing to your life. Hindi na tayo bata si Joaquim mukhang nagbabago na bihira ng sumama sa atin busy sa business nya ako gusto ko ng seryosohin ang pagiging abogado ko. Sa totoo lang gusto ko na ring hanapin ang sarili ko. Gusto kong bumalik sa Palawan kailangan ako ng mama ko may mga properties na dapat isalin sa pangalan ko.
Ayaw kong iwan ka dito sa Maynila ng mag isa lalo ngayon." Seryosong nakikiusap si Hans kay Andreas"Pwede ba akong sumama sa Palawan?" Tanong ni Andreas
Pare pasensya na pero hindi pwede di kita maasikaso pag nasa Palawan tyo. Ahhhmm... saka baka ma bored ka lang dun dahil di naman ako actually mag stay sa bahay namin may ibang lalakaran ako kung mag Chill lang tyo sa Palawan pwede pa but sorry this trip is too personal sasabhin ko din sayo pag na tapos na ang mga dapat kong gawin..." pagdadahilan ni Hans halatang may itinatago sa kaibigan kaya ayaw isama si Andreas.
Naintindihan naman ni Andreas na may personal na bagay na dapat asikasuhin si Hans, isa pa ayaw nyang maging pabigat sa mga kaibigan ilang beses na rin syang kinausap ni Juaquim na lumayo muna sa gulo. Pinipilit din syang umuwi muna sa Cebu pero ayaw nya. Ayaw nyang makita ang daddy nya. For him he is an orphan, alone, and miserable. All the money in the world can't make him happy.
That night lumabas sya at nag tungo sa bar na lagi nilang pinupuntahan sa high-end bar na isa sa pagaari ni Joaquim. Hindi na nya inaya ang mga kaibigan gusto nyang mapag isa. After ng ilang beer lumabas sya para magpahangin at manigarilyo, di nya napapansin na may taong nag mamasid sa kanya sa di kalayuan. Sumakay ito ng motor at pinahaturot papunta sa kanya. Ng malapit na sa kanya ay Biglang itong bumunot ng baril at itinutok sa kanya. Mabilis ang pangyayari buti at mabilis ang reflexes nya at madaling nyang nasangga ang baril na naiputok sa kanya dumaplis ito sa bandang balikat nya. Mabilis na ipinaharutot ng bumaril ang motorsiklo kaya di na abutan ng mga guard at mga taong naka saksi sa pangyayari. Mabilis na tinulungan sya ng mga iyo na madala sa ospital.
Para sa kanya balewala lang ito mas marami pang gusot ang pinasok nya ilang bala na rin ang tumama sa katawan nya at hindi sya natatakot dito.
Isang tawag sa cellphone ang na receive nya. Sa kabilang linya ay si Joaquim.
"Asan ka" galit pero may pag titimping tanong ni Joaquim sa kabilang linya
"Sa Makati medical Pare may tama ako sa balikat" mahinahon na sagot ni Andreas
"Papasundo kita sa driver ko naka ready na ang lahat kami na ni Hans ang bahala dito. You have to leave Manila Right now. Kahit kaladkarin pa kita pagsakay ng eroplano papuntang Cebu." Seryosong sabi nito alam nyang sa kanya lng makikinig ang kaibigan bilang nakakatanda sa kanilang tatlo at sya din ang sinusunod ng dalawa pagdating sa mga payo at mga desisyon sa buhay.
"Hey calm down, what's wrong with you, Alam mo naman na sanay na ako sa mga gantong bagay trust me. I'll be alright" Tatawa tawa pang sinagot ito
"I'm Dead serious just give yourself a break. I'm begging you hindi titigil ang kampo nila Monching. Isa pa Hans will go to Palawan for a month and I have to leave for 3months may kailangan akong asikasuhin. I'm on my way there don't you ever move stay where you are." At agad na ibinaba ni Joaquim ang linya 45 minutes nakarating na si Joaquim sa ospital kung saan nagpapagaling ng sugat si Andreas.
Dala ni Joaquim ang plane ticket at iba pang gamit ni Andreas na kinuha ni Joaquim sa bahay nito.
" what's this Pare i told you hindi ako aalis ng Manila. Im not scared of them. Kaya ko to." Pasigaw na sabi ni Andreas
" Hindi kami makakakilos ng maayos ni Hans hangga't nandito ka. Pare tignan mo itsura mo ilang taon na tayo please just for once listen to me. Don't make any mistake that would kill you. Hindi kami mkkaalis ng Manila hanggang nandito ka mas magiging panatag kami kung nasa ligtas kang lugar hanggang bumalik kami pls just give us a month para hindi ka namin inaalala pa.
"Ok Pare, pagbibigyan ko kayo. I'll go to Cebu sa Ceasar's Hotel ako tutuloy pero pag balik nyo sa Manila babalik rin ako". Kahit labag sa loob nya ang pag uwi sa lugar na ayaw na nyang balikan ay gagawin nya para sa mga kaibigan nya. Pwede syang pumunta sa kahit saang lugar sa Pilipinas pero uuwi sya ng Cebu dahil na miss na rin nya ang lugar kung san sya lumaki. At isa pa gusto nyang makita at makamusta ang nag iisa nyang tiyahin si tita Emma. Sana lang ay di sila magkita ng Papa nya dun Sabagay kung mag kita man sila wala naman din syang pakialam.
Mabilis lang ang isang buwan. Babalik din sya ng Maynila pag balik ni Hans at Juaquim. Masyado na rin syang pabigat sa dalawa. Gusto nyang magbago pero sinusundan sya ng gulo kahit saan sya magpunta ay walang taong mkapagpabago sa kanya.
BINABASA MO ANG
falling for Mr. Barumbado
Romansathis is the story of Andreas Pontevedra. A wild beast that cannot be tame by anyone until he met his match.... Can a simple yet strong independent woman change a person like Andreas...