Isang malakas na katok sa gate nila ang gumulat sa magkapatid habang kumakain sila ng tanghalian. Habang si Nana Lourdes naman ay nanonood ng tv sa sala dahil katatapos lang nitong kumain. Dali dali binuksan ng matanda ang gate kilala nya kung sino ang nasa labas pero nagulat ito ng ipasok isa isa ng mga kasama nito ang mga gamit at maleta. Hindi na naka pag react pa ang matanda dali dali syang pumasok at sinabi kay Mayo ang nakita. Hindi pa nkakatayo sa lamesa si Mayo ay bumungad na ang tiyahin sa pinto.
"Ipasok nyo yan dito lahat dali, oo nga pala Mayo pasensya na di ko nasabi sayo nung lamay ng ate na dito na kme titira ng tito Alvin mo" sabay ngiti na may kasamang taas ng kilay.
"Tita Nessy ganun po ba eh ano po kase" halos wala n syang masabi sa pagkagulat nya na sa kanila na titira ang tita nya at asawa nito
"San dito yung master's bedroom dun kme mag stay. Actually dapat noon pa namin gagawin to di lang kme nka pag usap ng mama mo malaki din pla tong lupa na naiwjan sa amin nila Papa Sabagay matagal din akong di pumasyal dito alam mo kse yang nanay mo masyadong pakeelamera sa buhay kaya nung namatay ang papa ko nilayasan ko n sila ng nanay nya." Tinutukoy nito ay ang nanay at lola nya na nagpakasal sa tatay ng tita nessy nya
Matanda lang ng 12 yrs ang tita nessy nya sa kanya di nya halos matandaan ito dahil 18 yrs old pa lang ay lumuwas na ito ng Maynila. Natatandaan nya lang ay laging nagpapadala ng pera ang mommy nya dito kada buwan. Sabi ng mommy nya di daw sila magkasundo nito dahil bukod sa mas bata sa kanya ay napaka salbahe nito sa kanila lalo na sa lola nya. Hindi man lang dumalaw sa burol ng mamatay ang Lola nya. Nagpakita lang ito nung burol ng mama nya at may ipinakitang titulo na nagsasabing ipinamana sa kanilang dalawa ang lupa na kinatitirikan ng bahay nila. Hindi naman nya akalain na dito na maninirahan at tita nya sa bahay nila hindi na rin sya maka tutol dahil may karapatan ito sa lupa kahit pa ang mga magulang nya ang nagpatayo ng bahay.
Halos isang linggo pa lang na nakatira ang tita nya at ang batang batang asawa nito ay hindi na nila matagalang makasama ang mga ito panay ang utos kay Nana Lourdes pati ang kapatid nya ay inuutusan ng asawa nito bumili ng sigarilyo at alak kahit pa gabing gabi na.
Isang beses ay hindi na sya makatiis at sinabihan nya ang Asawa Ng Tita nessy nya na wag utusan ang kapatid lalo na pag hating gabi dahil delikado sa labas. Agad naman itong pinagtanggol ng tita Nessy nya pinag sisigawan silang magkapatid. Hirap na hirap man ang kalooban ay wala silang magawa. Gusto nya mang lumipat ng bahay para matahimik sila pero di nila kayang Mangupahan dahil kapos din sila at isa pa ayaw nilang iwan ang bahay na pinag hirapan ng magulang nya.
Isang araw ay sinabihan siya ng tita nya na aalis lang sila ng bahay na iyon kung babayaran nila sila ng 2million. Kapalit iyon ng titulo ng lupa na nka pangalan sa kanila ng mommy nya.
Masyadong malaki ang 2 million kumapara sa hatian nila sa lupa pero nandito lahat Ng ala-ala Ng mga magulang nya at Walang katumbas na halaga iyon. Napaka laking halaga ang kailangan nya para sa katahimikan nilang magkapatid at Nana Lourdes. Pero saan naman sya kukuha ng 2 million halos pati pagkain ng tita nya at asawa nito ay siya ang gumagastos.Kaya ayaw man nyang iwan ang kapatid at si nanang Lourdes ay napilitan syang magtrabaho sa malayo para mka ipon ng 2 million at matupad ang pangarap na makapag trabaho sa barko kagaya ng daddy nya.
Gusto nyang mabawi ang bahay at lupa nila sa tita Nessy nya at isa pa gusto nyang maka iwas sa asawa nito.
Isang araw wala ang tita Nessy nya nag punta ng parlor ang kapatid naman nya at si Nana Lourdes ay namalengke naiwan lang sila ng tito Alvin nya sa bahay kakalabas lang nya ng banyo nagulat sya na nasa pinto na ito ng banyo at tila inaantay sya.
Walang ano ano ay ipinasok sya ulit pabalik sa banyo. Hawak ng tito Alvin nya ang braso nya at pilit na isinasandal sya sa pader ng banyo. Sa sobrang takot at kaba nya ay muntik na syang mapaupo sa sahig buti na lang ay nahawakan nya ang pang bomba sa banyo at isinubsob nya sa mukha ng tito Alvin nya kaya na out of Balance ito dali dali syang pumasok sa kwarto at ni lock ang pinto.
Hindi sya lumabas hanggang kinabukasan. Sa totoo lang ayaw na nyang lumabas pero kailangan nya mag pasa ng requirements para sa bago nyang trabaho, sa isang malaking Hotel. Pinagpasalamat na lang nya n wala ang dalawang bwisit sa buhay nila lumabas daw ito at nag punta sa majongan. Araw araw walang ginawa ang tita at asawa nito kundi mag sugal uminom at matulog. Hindi na nya talaga matatagalang makasama pa ang dalawang yun sa bahay. Buti na lang at sa quarters sa hotel siya titirhan pag nakapag simula na sya sa bago nyang trabaho. Pero nag aalala sya sa kapatid at kay Nana Lourdes dahil maiiwan nya sila kasama ang mag asawang buwisit.
Hindi nya alam kung paano nya sasabihin sa kapatid nyang si Nemo na stay in sya sa bagong trabaho sigurado hindi ito papayag na iwan nya lalo ngayon na may buwisit sa bahay nila buti na lang at nandyan si Nana Lourdes.
BINABASA MO ANG
falling for Mr. Barumbado
Romansathis is the story of Andreas Pontevedra. A wild beast that cannot be tame by anyone until he met his match.... Can a simple yet strong independent woman change a person like Andreas...