Chapter 15
Tulala ako nang makarating sa classroom. Kinailangan pang katukin ng guro ang mesa para mapabalik ako sa sarili.
"You okay?" Si Silas. Ni hindi ko nga namalayang nandito sa tabi ko si Silas dahil bumalik ako sa dati kong pwesto at wala rin naman ang katabi ko.
Hindi ko siya pinansin at kumuha lang ng papel sa bag, pero napagtanto kong wala akong papel kaya binalikan ko siya ng tingin.
"Papel?" I asked. Napakunot ang noo niya.
"Aanhin mo?" Napailing nalang ako, mas may malala pa pala ito saakin.
"May long test, manghingi ka sa mga kaibigan mo." Utos ko. Akala ko ay hindi niya ako susundin pero tumayo siya para humingi dahil wala rin naman nito. Bumalik siya na dala ang isang buong papel ng kaklase, tumango ako ng binigay niya iyon, pumunit ako ng isa at hindi siya makapaniwala nang isang piraso lang ang ibigay ko. Hindi ko na pinansin at nakinig nalang sa guro.
"Humingi ka ng correction tape doon," Muli kong utos. Sumunod naman siya at pagbalik ay dala ang buong pencil case ng kaklase. Pinigilan ko ang matawa doon, pero nang bumunghalit siya ng tawa ay doon ako napayuko at tidyakan siya.
"Ano pa?" Pag-uudyok niya saakin. Natatawa pa rin akong nailing.
"Pakopya," Bulong niya nang mag-umpisa ang exam. Hindi siya makapaniwalang tumingin nang umiling ako at inusog ang bangko.
Wala siyang nagawa kundi ang mamroblema sa gilid ko dahil malayo siya sa mga kaibigan at may minsanan na ring napagalitan ng guro.
Mabilis kong sinagutan ang mga tanong. Nang matapos ay yumuko lang ako at pinakiramdaman kung tapos na si Silas.
"Last two minutes," Nag-angat ako para ihanda ang sarili sa pagpapasa. Napatitig ako sa pangalan na isinulat ko bago tumayo at dumaan sa gilid ni Silas. I literally bumped myself to his desk.
"Ano ba 'yan, Ray! Hindi pa ako tapos!" Pinulot ko ang papel niyang nahulog at inabot ang papel ko na sinulatan ko ng pangalan niya. Hindi ko siya pinansin nang bumalik ako sa mesa para burahin ang sinulat niyang pangalan gamit ang correction tape at pinalitan iyon ng pangalan ko.
"Why did you change it?" He asked nang dumaan ako. I looked at him innocently.
"Change what?" Bago ako diretsong nagpasa. I'm doing what I have to do, Juan Miguel firmly declined what I can offer to him, and now, I don't think he'll have to decline his grandparents.
Pagod akong nakauwi sa bahay. Nauna naman akong sunduin ni Kuya George, kaya lang ay may reporting ulit kami kaya naman sinundo muna sina Ate. Nakakainis lang na hindi naman pala pupwedeng gabihin ang ibang mga kagrupo, hinantay ko pa sila sa kung ano man ang ginagawa nila, 'yun tuloy ay maagang natapos hindi pa man nagdidilim at saktong kaalis lang rin ni Kuya George.
Dahil doon, nakisabay nalang ako sa ibang mga kamag-aral na nilalakad lang ang papauwi, kaya naman grabe ang sakit ng paa ko. Pinasabi ko nalang sa guard kung makakarating agad si Kuya George, na umalis na ako at maglalakad nalang. Hindi nagustuhan ng guard iyon pero tinuro ko nalang ang ibang schoolmates kaya wala na rin siyang nagawa.
Inabot ako ng kalahating oras sa paglalakad, akala ko ay mga twenty minutes lang dahil ten minutes lang kapag may sasakyan. Hindi ko naman aakalain na madilim na ako makakarating. Kaya naman pag-uwi ko ay ganoon nalang ang kaba ko nang makita sa labas si Josh at Ate Lisa.
Agad akong dinaluhan ng dalawa na may halong pag-aalala.
"Binalikan ka ng Kuya mo!" Doon lang ako natauhan sa nagawa ko. Nag-aalala akong napabalik ang tingin sa pinanggalingan.
BINABASA MO ANG
If I Was Gone
RomanceGabriella Series #2 Status: Completed Synopsis: Melissa Ray Manuel will do anything just to be loved by her family. Will give way for them, will fill them with her presence, fail jokes, annoying remarks, and love. She just likes the idea of loving...