Chapter 29
Naiwan ang tingin ko sa loob ng madilim na office ko, bago isara ni Juan Miguel.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. He pulled my coat up.
I can't believe I'm wearing nothing under this coat! Isinara lang niya ang mga butones pero kung titignang mabuti ay cleavage lang ang magiging issue. Dahil hindi naman bakat ang nipples.
Wala ng mga tao. Obviously, 'cuz it's already past nine pm.
Bumaba kami ng lobby nang nakaakbay saakin si Juan Miguel.
"Good evening po!" Ang gwardya. Dalawa sila at sila nalang din ang napansin ko. Pero siguro ay may mga naglilinis pa ng ganitong oras. Hindi lang namin nasalubong.
"Good evening." Si Juan Miguel.
Halos itabon ko ang mukha ko nang mapansin ang pagmamasmid ng isang gwardya. Nagtagal ang titig saamin hanggang saakin nalang talaga. May kung anong pagtataka.
Juan Miguel pushed me closer to him.
Mabilis lang din naman kaming lumagpas sakanila. Diretso sa parking.
"Uhh, yung kotse ko."
"We'll use my car. Ihahatid na kita." Agad akong bumitaw sa pagkakaakbay niya.
"Kaya ko nang umuwi mag-isa!"
He raised his brow.
"Maiiwan ang sasakyan ko." I pouted.
"We'll use your car, then."
Ganoon nga ang nangyari. Kotse ko ang ginamit at siya ang nagmaneho pauwi.
"Paano ka uuwi?"
"Gamitin mo muna ang sasakyan ko." He nodded. Before he towered over me to give me a soft kiss.
After that, I saw him licked his lips.
Sunday came and ate Lara just came home after her short vacation abroad.
She bought pasalubongs for me, Sabella, and Silas. Kaya naman nagtungo siya dito para dalhin ang mga iyon.
"Ako lang ang nandito," Bungad ko. Nasa sala na siya at dinalhan ko lang ng maiinom bago naupo sa harap niya.
"Ayos lang. Kahit ikaw nalang ang magbigay mamaya." Tumango ako.
"Ate," Tawag ko. From her phone, sumulyap lang siya saakin.
Malalim akong nag-isip. Kagabi ay medyo napahapyawan na namin ni Juan Miguel ang nangyari noon saakin. Pagkatapos naming... Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi nang maalala ang nangyari.
"Sorry, what is it, Ray?" Tuluyan niya nang ibinaba ang kaniyang cellphone at tinuon na saakin ang atensyon niya.
"About sa nangyari noon," Unti unting kumunot ang noo niya.
"Sa kidnapping," Napaawang ang labi niya.
"Wait. Are you gonna ask me about it? Pag-uusap natin 'to?" She asked. Medyo naging balisa.
I nodded in return.
"Wait, Ray. Hindi ko alam ang sasabihin ko! Sandali, sandali. I'll call mom." I bit my lip when she immediately made a call.
"My!"
"What is it, Lara?"
Saglit na sumulyap saakin si ate.
"May sinasabi sinasabi saakin si Ray, Mommy. About the..." She looked at me.
"About the?"
"Uhh, about the kidnapping case. In our province,"
BINABASA MO ANG
If I Was Gone
RomanceGabriella Series #2 Status: Completed Synopsis: Melissa Ray Manuel will do anything just to be loved by her family. Will give way for them, will fill them with her presence, fail jokes, annoying remarks, and love. She just likes the idea of loving...