Chapter 22
Napapadyak nalang ako nang makaalis na siya. Wala ba talaga akong choice? Napatingin pa ako sa phone ko kung may nag text or nag mail na ba saakin.
Ano, Ray? Kakaalis lang ah?
Bago umuwi ay dumaan muna ako sa isang filipino restaurant. Wala ang soup na gusto ni Sabella kaya bandang huli ay sa isang karinderya rin ako nakabili.
Wala pa siya pagdating ko, siguro ay may pinuntahan pa.
Nagpalit muna ako ng damit. Cotton short shorts and a white plain shirt.
Inihanda ko na ang pagkain since nagsabi rin siya na magsabay na kami at malapit na siya. Saka ko nalang din siguro ii-init ang sabaw kapag nandiyan na.
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. Pupunta si Juan Miguel bukas? Napakunot ako sa ideyang iyon, nagawa pang ilibot ang tingin sa buong unit. Malinis naman... pero paniguradong gugulo sa pagdating ng mga bata.
Sandali lang naman iyon diba? Pero ang sabi niya ay mga tatlong oras, pero nag-extend pa at sinabing apat o lima. Saang parte ng oras bukas na pu-pwede ko iyon na isingit?
Hindi naman maari na ipagpaliban ang grocery. Ilang oras ba kami namimili ng mga pagkain na para sa bahay? Lalo na at kung Sabella ang kasama ko. Paniguradong hindi lang super market ang malilibot namin, pati na rin ang buong mall.
Hindi ko pa alam kung anong oras. Kagabi ay nag-antay ako sa email niya. Siguro ay tatanungin ko nalang kay Marina ang email address niya para ako na ang mag-reach out. Itatanong ko na rin kung anong oras ba bukas. Baka mayari ng mas maaga. Syempre kung mas maagang mag-uumpisa at kahit sana sa coffee shop nalang sa baba. Masyadong magulo ang mga bata, hindi ko naman sigurado kung magtutulog lang ang dalawang iyon ng maghapon. Lalo na at day off ng isang yaya, isa lang ang mag-aalaga kaya kailangan ng tulong.
I sent an email to Marina, asking about Juan Miguel's email address. Iyon nalang ang aantayin ko.
Napasulyap ako sa pinto nang magbukas ito. I thought it was Sabella. Inangatan ko nalang ng kilay si Silas ng siya ang pumasok.
"Dinner?" He asked. Naka white shirt and jeans nalang siya. May dalang paper bag sa isang kamay, siguro ay magbibigay ng ulam.
"Namili lang ako sa labas. Ano 'yang dala mo?"
Inilibot niya muna ang tingin na parang may hinahanap. Lumitaw ang ngisi sa labi ko. Itong mag ex na ito... pakipot din kasi si Silas eh. Bahala siya kapag natipuhan ni Sabella ang mga nakakasama niya sa labas. Lalo na 'yung mga manliligaw niya.
"Don't worry, wala pa 'yung kasama ko. Upo ka muna diyan." Ani ko. Bago kinuha ang dala niya. Medyo mainit-init pa ang ulam na dala niya, paglabas ko nito ay dalawang putahe ito. May gulas at 'yung isa ay sinigang na baboy, may sabaw kaya paniguradong magugustuhan ng kasama ko.
"Thanks for this. Kumain ka na?" I asked. He nodded his head.
"Tamang tama itong sabaw. Magugustuhan ni Sabella, nagpapahanap ng sabaw saakin eh. Siguro ay nagke-crave iyon." Wala sa sariling saad ko.
"Ibibigay ko nalang ito sakaniya." Bulong ko at inilagay sa gilid.
Napatingin ako nang marinig ang ilang reklamo niya.
"Wala kayong stocks ng pagkain dito?" Saad niya. Muli akong naupo para tignan ang ni-reply ni Marina. Ibinigay lang ang email address ni Juan Miguel.
"Bukas pa kami bibili. Pupunta ang mga bata, baka gusto mong mag baby sit." Suhestiyon ko.
"Really?"
"A-huh," I nodded while typing my thanks to Marina. Nag-isip na rin ako ng ipapadalang mensahe kay Juan Miguel.
BINABASA MO ANG
If I Was Gone
عاطفيةGabriella Series #2 Status: Completed Synopsis: Melissa Ray Manuel will do anything just to be loved by her family. Will give way for them, will fill them with her presence, fail jokes, annoying remarks, and love. She just likes the idea of loving...