VINCI'S POV
Isang buwan na ang nakakalipas pero wala paring bumabalik na Zavrina. Halos araw-arawin namin ang pagdalaw sa kanila pero pare-parehong sagot lang din ang natatanggap namin sa mga kapitbahay nila.
Para kaming mga zombie na walang kabuhay buhay kapag wala siya. Iba ang ihip ng hangin kapag hindi namin siya nakikita at nakakasama araw-araw. Idagdag mo pa yung pag-aalala namin sa kanya. Talagang natiis niya kaming huwag kausapin kahit sa text man lang na nasaan siya, kung ayos lang ba siya, kung ba't bigla siyang umalis.
Andami dami daming tanong na pareho din naming hindi nasasagot. Kung noon nagriring ang cellphone niya, ngayon hindi na talaga. Minsan kapag napapaisip ako sa biglaan niyang pagkawala, naluluha ako. Kase nasanay narin akong nandyan siya lagi eh. Na kasama ko siya.
Gustuhin ko mang magtampo at magalit sa kanya kase hindi siya nagpaalam samin, diko magawa. Kase diko rin naman alam kung anong dahilan niya. Kahit na hindi siya nag rereply, araw araw ko parin siyang tinitext at kinakamusta. Nagbabakasakali lang na baka sumagot siya kahit iilang salita lang.
Hays, kelan ka paba babalik Timang? :(
Babalik ka paba?
Ba't hindi ka man lang nagpaalam?
Miss na miss na kita.
Napaluha nalang ako habang naiisip yun.
YOU ARE READING
Above All Sudden (Book 2)
Любовные романыZav came from a well known family, since their clan were the most influential during her grandfather's years. They're also known for being hospitable and generous to other people back then. But that eventually changed when her Lolo died. She has th...