CHAPTER 2

12 1 0
                                        

VINCI'S POV

Kinabukasan nakarinig ko ang marahang katok sa pinto ng kwarto ko. Kaya dahan dahan kong iminulat ang dalawang mata kong puyat na puyat pa para malaman kung sino ang papasok.

"Vinci anak, kakain na tayo. Halika na." anyaya sakin ni Mommy

"Yes Mom, susunod po ako. Maghihilamos lang ako sandali." sagot ko

Isinara ni Mommy ang pinto kaya bumangon nalang din ako. Pagkababa ko kompleto silang lahat sa dining table. Ako nalang ang kulang.

"Good morning sweetheart, come sabay na tayo mag breakfast." si Daddy

Sweetheart na naman

"Good morning Dad, Mom, Kuya" bati ko sa kanilang lahat.

"Morneng" sambit ng Kuya kong pangit.

Ilang minuto lang din ay unti-unti narin naming nilantakan ang mga pagkain sa mesa. Tahimik ang kainang iyon pero dahil sa kadaldalan ni Daddy, parang di ako halos makanguya kakasagot.

"What happened exactly last night anak? Parang balisa ka nung nakauwi tayo." banggit ni Mommy

Napalunok ako ng dalawang beses sa tanong niya. Napakurap ako at nagdadalawang isip kung sasabihin konba sa kanila yung tungkol kay Dashira.

"Hindi nga natulog yan eh." pihit ni Kuya

Napalingon kaming lahat sa kanya at parehong binigyan ng nagtatakang tingin.

"Hindi ka natulog Vinci?" marahang tanong sakin ni Mommy

Hindi ko alam kung anony isasagot ko. Pano ba nalaman ni Kuya na medyo wala nga akong tulog kagabi? Sarado naman yung pintuan ko. Naka off status naman ako sa messenger at sa facebook.

Pagkauwi kase namin kagabi sa bahay kaagad kong inopen yung facebook ko at sinearch ang pangalan na Dashira Frovento. Pati sa twitter at instagram kinalaykay ko na. Maging sa google narin at sa iba pang mga socmed platforms pero wala eh.

Parang alas tres na ako natulog kagabi dahil don. Napakapribado ng buhay.

"Uh-m hindi po, I mean natulog po ako. Kung ano-ano nanaman pinagsasabi mo Kuya." baling ko kay Kuya at binigyan siya ng supladang tingin

"Naku naku! Wag mokong pinanlalakihan niyang mga mata mo." bara niya sakin

"Kumain ka nalang kaya! Ano bang problema mo ha? Kagabi kapa ah." ani ko sa kanya

Nginisihan lang ako ng gago kaya mas lalo akong nairita.

"Vinci?" binalingan ko si Daddy nang tawagin niya ang pangalan ko.

Bakas aa mga mukha nila ang paghihintay sa mga sagot ko.

"Natulog po talaga ako Mom, Dad. Medyo late lang po kase may inasikaso pa akong importante." sabi ko

"Importante? Naghahanap kaba ng makakadate sa Valentine's?" biglaang sabat ni Mommy na ngayo'y nakangiti na ng bahagya.

"May date nayan hon, ang pogi nga eh." si Daddy

What the fuck?!

Teka! Anong date? Kilala niyo naba si Lyle?

Binalingan ko ulit si Kuya at ganon nalang kalaki ang ngisi niya.

"Gago ka talaga Kuya." asik ko

"So ano nga? Ano bang pinagkakaabalahan mo kagabi anak?"

"Basta po, saka ko na po sasabihin" diretsong sagot ko at muling sumubo.

"Madami kanang hindi sinasabi samin." sabat nanaman ni Kuya. "Sino ba yung magandang babae na kausap mo kagabi? Ano daw pangalan?"

Above All Sudden (Book 2)Where stories live. Discover now