CHAPTER 1

16 1 0
                                    

VINCI'S POV

"Vinci ano na? Talaga bang hindi kapa kikilos jan? Gusto mong iwan kita?!" asik ng Kuya ko nang makita nya akong hindi parin nakaayos.

May invitation kase yung pamilya namin sa isang malaking business opening ng kamag anak ni Mommy. Kahit nga venue diko alam kung saan sa dami ng iniisip.

"Ikaw nalang kaya ang pumunta Kuya, sabihin mo kay Mommy masama pakiramdam ko." tanging nasabi ko habang tinatanggal ang nakalukot na tuwalya sa buhok ko.

Kakatapos ko lang maligo pero parang wala parin akong energy. Nakakaurat!

"Gaga! Hindi pwede! Hahanapin ka ni Daddy sakin, malalagot ako non pag iniwan kita dito." pabalik niyang asik

"Eh nandito naman sila Manang ah, I'll call Mommy nalang." walang sabi sabi'y hinablot ko ang cellphone ko sa may sofa.

"Aba'y napakatigas pala ng bagang mo! Sinabi na ngang tayong buong pamilya ang pupunta don! Sa tingin mo ba gusto ko ring pumunta ha? Tanginang yan bilisan mo!" at padabog niyang sinara ang pinto ng kwarto ko. 

Inis kong binuksan ang closet ko at hinanap ang hinandang damit ni Mommy para sakin. Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko lang ng kaunti ang buhok ko at naglagay ng bare make up. Pumili ako ng heels at purse bago bumaba.

"Halika na! Ang tagal tagal!" iyon agad ang bungad sakin ni Kuya.

Sumunod nalang ako agad kase baka ma late kami. Nang makarating kami, himala na pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya.

"Naging gentledog ka ata ngayon hayup ka" pagkabukas na pagkabukas niya.

"Tumahimik ka! kaltakan kita diyan. Bilis baba!" pabulong na asik niya sakin.

Palihim siyang luminga sa paligid at kunwaring napapangiti sa tuwing sinusulyapan siya ng magagandang babaeng narito.

Napakaplastic!

Isang malaking hotel ang ginawang venue ng event. Nagkikinangan ang mga ilaw sa entrada palang at talagang napakaganda ng set up. Napapansin ko ring halos ka edad lang ni Mommy ang mga narito. Halatang may kaya rin ang mga imbitado.

Luminga linga ako at eksaktong nagtama ang paningin namin ng Tita ko kaya kaagad niya akong sinenyasan na lumapit. Kasalukuyan siyang may kausap na kasosyo sa negosyo. Kaming dalawa ni Kuya ang lumapit at nakigbeso-beso.

"Hey Vinci, Vaughn, Come. Oh my God you both look so adorable tonight." nakangiting pagbati niya samin.

Close ko din tong Tita ko nato pero medyo nahihiya lang ako kase medyo madaming tao. Kaya I tend to act normal.

"Hello po Tita, thank you po." ani ko. "Sila Mommy po?" pabalik kong tanong.

"Right this way anak, I'll follow after a few minutes. I'll just welcome some guests." ani niya pagkatapos niyang ituro ang direksyon kung saan naroroon sila Mommy.

"Sige po, see you around Tita" yun lang at kaagad kaming nagpaalam ni Kuya.

"I saw them" mahinang sabi ni Kuya at giniya ako.

Nang mamataan kami nila Mommy at Daddy ay napabaling sila kaagad sa amin. May kausap rin silang medyo pamilyar din sakin.

"Hi Mom," nakangiting bati ko sa kanya.

"You're so beautiful anak, like me." parang proud na sabi niya sabay yakap sa akin. Ganon din siya kay Kuya at pati rin si Daddy.

Sandali pa nila kaming pinakilala sa mga business partners ni Tita at pagkatapos non ay kainan na.

Above All Sudden (Book 2)Where stories live. Discover now